7 - Gusto

48 1 0
                                    

Malakas pa rin ang buhos ng ulan kaya wala na kaming nagawa kundi ang maghanda na para sa tutulugan namin ngayon. Naipaalam ko na rin naman kay Mama ang sitwasyon at naintindihan naman niya agad.

Napagkasuduan namin na tutulak na lamang kami ng paMaynila bukas ng madaling araw. Sana ay maayos na ang lagay ng panahon.

Ngayon ay nakaupo lamang kami sa sofa ng sala dahil pinaayos pa ni Tito iyong tutulugan namin. Parehas kaming tahimik at walang imik.

Minsan ay napapansin ko ang pagsulyap niya ngunit hindi ko naman alam kung anong sasabihin kaya binabalewala ko na lamang.

Ilang sandali pa ay bumaba na din si Tito Rafael. Agad naman kaming lumapit sa kaniya dala ang mga gamit namin.

"Sa ibaba niyo na lamang ilagay muna ang inyong model kasama noong mga machines." Ani Tito Rafael.

"Tito Rafael, May problema ba?" Tanong ko dahil napansin ko na parang may kung ano siyang hindi masabi.

"Iyong tutulugan niyo kasi ang problema. Isang kwarto lang ang available dahil nakaduty lahat ng kasamabahay. May dalawang kama naman iyong kwarto. Okay lang ba?" Paliwanag ni Tito Rafael.

Medyo namula ang pisngi ko ng marinig ang sinabi ni Tito Rafael. Kahit na ba sabihing may dalawang kama ay hindi mo pa rin maiaalis ang mabahala dahil magsasama kaming dalawa lang ni Jacques sa iisang kwarto.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin na okay lang kahit na alam ko ay hindi ako mapapalagay sa ideyang nasa iisang kwarto lamang kami ni Jacques matutulog.

Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Jacques.

"Dito na lamang po ako sa sofa sa sala, Tito. Madaling araw naman po kami aalid kaya hindi na po problema sa akin."

Sa kaniyang sinabi ay hindi ko alam kung nakahinga pa ako ng maluwag o manghihinayang sa pagkakataon. What? Ano ba itong pinag-iisip ko.

Hindi ko alam kung sang-ayon na nga ba talaga ako. Alam ko kung paano ang tulugan ni Jacques sa kaniyang kwarto at hindi ko alam kung makakatulog ba siya ng maayos sa sofa.

Sa dami ng pagtatalo sa aking isip ay napagdesyunan kong mas lalo akong hindi makakatulog kung alam kong nahihirapan sa sofa si Jacques.

"Uhmm. Mahihirapan ka kung sa sofa ka matutulog. Ayos lang naman kung doon ka na lang din sa kwarto. Dalawa naman ang kama kaya okay lang" mahina kong sambit.

Bahagyang nagulat si Jacques sa aking sinabi kaya tumango na lamang ako. Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinabi ko pero alam ko na iyon din talaga ang gusto kong mangyari. Tutal ay wala namang dapat ikabahala dahil nasa bahay namin kami ni Tito Rafael.

"Kung ganoon ay magpahinga na kayo. Tara at ihahatid ko na kayo sa tutulugan ninyo"

Sinunod na lamang namin ni Jacques ang sinabi ni Tito at pumunta na sa tutulugan naming kwarto. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ay iniwan na kami ni Tito. Ibinigay na lamang niya kay Jacques iyong susi.

Pagkabukas ni Jacques ng pinto ay umihip ang malamig na hangin na nagmumula sa bukas na bintana. Katapat lamang ito ng mismong pintuan ng kwarto. Nasa loob na si Jacques at hinihintay na lamang akong pumasok.

Pagkatapak ko sa loob ay labis ang kaba ang bigla kong naramdaman. Ewan ko. Siguro ay natural na lamang na pakiramdam iyon kapag alam mong may ibang tao kang makakasama sa kwarto. Mas malala pa ay si Jacques iyon.

Bagamat kinakabahan ay tinatagan ko na lamang ang aking loob at pikit matang pumasok sa kwarto. Pagkabukas ko ng aking mata ay nakita ko agad ang dalawang kama na nasa magkabilang dulo ng wall. Iyong isa ay nakadikit sa kanan habang iyong isa ay sa kaliwa.

PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon