12 - Flowers

28 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog. Paggising ko kinaumagahan ay sobrang sakit pa ng aking mga mata dahil sa kakulangan sa tulog. Masyado akong naapektuhan sa text ni Jacques.

Ayaw ko pa nga sana bumangon ngunit maaga ang aking klase kaya pinilit ko pa rin. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mapangiti ng maalala iyong text niya sa akin. Kailangan pa pala naming magmeet ulit para malapatan ng tono ang mga gagawin kong lyrics ng kanta. Although may nasimulan na ako ay kailangan pang maedit para bumagay sa tono na gagawin ni Jacques.

Kami muna ang mag-aayos ng kanta dahil hindi pa namin nakakausap ang ibang grupo. Hopefully ay maisched na namin ang meeting para sana maipolish at makuha ang kanilang opinyon about sa original song na aming iprepresent.

Nang masiguro kong dala ko na ang mga kailangan gamit para sa araw na ito ay tumulak na ako papuntang school. Habang papaakyat ay pumasok sa isip ko si Feather. Kaklase ko nga pala sila sa araw na ito. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Sa katotohanan pa lang na makikita at makakausap ko si Feather ay kumakalabog na ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay nakagawa ako ng kasalanan na hindi naman talaga. Ipinilig ko na lamang ang aking ulo at pilit inalis ang mga bumabagabag sa akin.

Pagkapasok ko ng room ay nagulat ako dahil nagkakagulo sila at nagbubulungan. Nakapalibot ang ilan kong kaklase sa aking upuan na para bang may kamangha-manghang bagay na nandoon.

Nang mapansin ng iba kong kaklase ang aking pagdating ay makahulugan nila akong tinignan. Hindi ko alam kung kinikilig ba sila o ano.

"Ayan na si Kaylie! Omg!" Naghihisteryang sigaw ni Leandra sabay lapit sa akin.

Nalilito ko naman siyang nilapitan at tinignan kung ano nga bang mayroon sa aking upuan.

"Ikaw bes ah. Hindi mo sinasabi may nanliligaw na pala sa iyo?" Kinikilig pa rin na sabi ni Leandra.

Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksyon. Halos mapanganga ako sa nakitang mga bulaklak na nakapatong sa lamesa ng aking upuan.

It is a bouquet of plumcolored tulips. Ang paborito kong bulaklak.

Just how?

Kinuha ko ang bulaklak at nakita ang nakaipit na card sa loob nito. Tinignan ko kung kanino galing at nalito sa pangalang nakalagay.

Admirer.

Iyon lang ang nakalagay at wala nang iba. Kanino naman kaya ito galing?

Nalilito man ay umupo na ako habang hawak ang mga bulaklak. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ngayon lang ako nakatanggap nito.

"Feather? Ikaw? Kilala mo ba ang nagbigay nito? Diba ikaw ang nauna dito kanina?" Tanong ni Leandra kay Feather.

Nalipat ang tingin ko sa kaniya at nakita ang gulat sa kaniyang mukha. Kanina pa siya walang imik at hindi nagsasalita.

"Uh. Ha?"

"Hindi mo ba nakita ang naglagay ng mga bulaklak sa upuan ni Kaylie?"

Nakatutok kaming lahat sa isasagot ni Feather. Tila hindi niya alam kung sasabihin niya ba o hindi. Nalipat ang tingin niya sa akin at napansin ko ang lungkot na gumuhit sa kaniya. Napalitan naman agad ito ng pilit na ngiti at umiling.

"Nakita ko." Mahinahon niyang bigkas.

Pagkasabi niya noon ay makahulugan siyang tumingin sa akin. Hilaw na ngiti ang kaniyang iginawad bago magsalita.

"Kaso hindi ko naman namukhaan. Nakatakip kasi ang kaniyang mukha. Pero tingin ko ay kabatch lang natin."

"Omg! Yieeehhh. Kaylie ahhh." Pang aasar pa ni Leandra.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon