2 - Emosyon

64 3 0
                                    


Pagkatapos naming umalis sa Accountancy building ay pumunta agad kami ni Leira sa paborito naming kainan. Medyo malayo siya ng konti sa university kaya natagalan kami bago makarating. Pagpasok namin sa restaurant ay sinalubong agad kami ng kakaibang aura nito. Ang mga dingding ay may nakalagay na mga frames na kung saan ay may iba't ibang nakasulat. Mayroong mga jokes about love at mayroon din namang mga hugot. 


Highschool pa ami ay paborito na talaga namin ang lugar na ito. Parang naging espesyal na sa amin kung kaya't dito namin naisipang kumain. Hindi pa rin naman ganoon nagbabago ang lugar. Lumuwag lamang at nadagdagan ng mga bagong mesa at silya ngunit ganoon pa rin ang aura nito. 


"Uy! Ganoon pa rin ba sa iyo?"


Tumingin ako kay Leira na ngayon ay hawak na ang listahan ng mga pagkain. Usually ay hindi na namin kailangan ng menu kapag dito kami kakain. Siguro'y naisip ni Leira na baka mayroong bago kaya sinubukan niyang tignan.


"Available pa rin ba iyong Butter Beer at Carbonara nila?"


"Hmm. Teka tignan ko."


Ibinalik na ulit niya ang kaniyang tingin sa menu. Kung titignan sa labas ay hindi mo aakalaing ganito kalaki ang espasyo ng restaurant sa loob. Simple lamang kasi ang view nito kapag nasa labas. Tinignan ko ang ibang mga mesa. Karamihan sa mga customer nila dito ay highschool student at iilan lamang ang mga college student. Malapit kasi ang mga highschools dito kaya dayuin talaga ng mga studyante. 


Naalala ko bigla kung paano ko ito nalaman. Isang beses kasi ay sinundan ko si Jacques noong second year highschool kami. Pauwi na kami noon at nagulat ako na iba ang daan na tinatahak niya. Siguro dala na rin ng pagkakuryuso ko ay hindi ko napigilan ang sarili na sundan siya. 


Hindi naman ako nagalinlangan na baka maligaw dahil hindi naman ganoon kalayo ang daang tinatahak niya sa school. Tuloy tuloy lamang kami sa paglalakad ng bigla siyang huminto sa tapat ng isang restaurant. Inisip ko pa nga noon na baka ay dito sila magkikita ng babaeng dinidate niya. Nanlumo ako ng maisip ko ang bagay na iyon ngunit hindi ko naman nakayang umalis.


Andito na rin naman ako so magsasaya na lamang ako. Hinintay ko munang makapasok siya bago ako tumulak papalapit. Nakita kong umupo siya sa isang pangdalawahang mesa. Gumuhit ang sakit sa aking batang puso ng mga panahong iyon. Hindi ko pa man siguro naaamin sa aking sarili ay unti-unti na palang nahuhulog ang loob ko sa kaniya. 


Nakita kong lumapit na sa akaniya ang waiter at sinabi niya ang kaniyang order. Kinuha ko na rin ang menu para takpan sana ang aking mukha kung sakaling lumingon siya banda sa kinauupuan kong mesa. Sinilip ko siya habang nakatakip sa aking mukha ang menu at nakita kong nasa mesa na ang kaniyang order. Hindi ko makita ang laman noong bowl niya pero alam ko kung anong inorder niyang drink. 

"Miss! Can I take your order?"


"Ugh. Huh?"


Bahagya pa akong nagulat ng biglang nagsalita ang waiter sa aking tabi. Bapatagal yata ang paninitig ko kay Jacques kaya hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ang waiter. Hinanap ko sa menu ang itsura noong inorder niya. Mabuti na lamang at iyong menu nila ay may mga pictures na kasama. Mas madali kong mahahanap kung ano iyon.

PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon