"Aray. Aray. Dahan dahan naman."angil ko ng mapadiin ang paglalapat ng alcohol ni Jacques sa aking braso.
Nandito kami ngayon sa loob ng clinic at dahil wala pa ang nurse ay si Jacques na lamang ang nag aasikaso sa akin. Sabi ko nga ay hindi na kailangan dahil hindi naman ito ganoon kalala pero masyado siyang mapilit. Kailangan pa daw namin ang opinyon ng nurse kaya wala na akong nagawa pa.
"Huwag ka kasing masyadong gumalaw. Paano magagamot iyang sugat mo!" Masungit niyang sabi sa akin.
Napanguso na lamang ako sa kaniyang kasungitan. Tutok pa rin siya sa paggamot ng aking mga sugat sa braso kaya hindi niya namamalayan na kanina ko pa siya tinitignan. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa pinapakita niyang pag-aalala sa akin.
Kung noong mga nakaraang araw ay wala kaming pansinan at interaksyon ay iba naman ngayon. Pakiramdam ko ay nakalimutan niya na iyon dahil sa nangyari ngayon. Kahit na masungit pa rin siya at hindi niya maiwasang mag-alala sa akin. Hindi ko pa nga din ako nakakabawi sa paghawak niya sa aking palapulsuhan habang papunta kami dito sa clinic. Para kasing hindi ko mapaniwalaan na handa niyang isantabi ang anumang bagay para sa akin.
Napaatras ako ng bigla siyang lumapit dahilan kung bakit naglapit ang aming mga mukha. Nagulat naman siya sa aking naging reaksyon at nagunot ang noo.
"Closer."
"Huh" nalilito kong bigkas.
"Move closer to me."mariin niyang bigkas.
"Bakit naman?" Sagot ko na hindi pa rin umaalis sa inilaan kong distansya sa aming dalawa.
"Aish. Kulit!"
"Ah!"
Napasinghap ako ng bigla niya akong hatakin papalapit sa kaniya. Ikinulong ng kaniyang mga hita ang akin kaya hindi na ako nakagalaw. Ang naging posisyon tuloy namin ay nakaharap kami sa isa't isa habang nasa gitna ng kaniyang hita ang akin. Hindi ko maiwasang mamula sa aming posisyon. Tinignan ko si Jacques at ni hindi man lamang nagbago ang kaniyang itsura. Nakakunot pa rin ang mga noo at malalim ang tingin sa akin.
"Ang sabi ko move closer. Paano ko magagamot iyang sugat mo ng malayo ka sa akin."
Napapigil ako sa aking hininga sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung paano kikilos dahil sa kasalukuyan naming set-up. Dahil sa kawalan ng salitang sasabihin ay hinayaan ko na lamang siya sa gusto niyang mangyari. Ipinagdarasal ko na lamang na umalis ang mga banyagang imahe na lumulukob sa aking isipan ngayon.
"Ano bang nangyari at nagkasugat ka sa braso. Tingin ko ay kalmot ito ng kung ano mang hayop." Pagharap niya sa akin nang matapos niyang lapatan ang aking mga sugat.
Nagulat naman ako sa biglaan niyang tanong kaya hindi ako nakasagot agad. Tinimbang ko muna ang kaniyang ekspresyon at inisip kung sasabihin ko ba ang tunay na dahilan o hindi. Sa tanong niya ay parang biglang nagflashback lahat ng sinabi sa akin ni Rebecca. Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat ng kaniyang rebelasyon.
"Wala ito. Nakalmot lang noong pusa sa may garden. Sinubukan ko kasing pakainin kaso bigla akong dinambahan kaya ayun." Pinilit kong maging seryoso sa pagpapaliwanag kahit na sa loob ng aking isipan ay halos matawa ako sa aking naging lamyang rason.
Tinignan ko ang kaniyang reaksyon at napahinga ng malalim ng naniwala naman siya. Hindi ko talaga alam kung anu pang gagawin kong dahilan kung hindi siya napakalma ng rason kong iyon.
"Sa susunod kasi ay huwag kang magpapakain basta ng pusa. Tignan mo tuloy ang nangyari" pangaral niya pa rin sa akin.
Tumango na lamang ako at siya naman ay sinimulan nang ligpitin ang first aid kit na ginamit. Tumayo na rin agad siya para ibalik iyon sa lalagyan. Akala ko nga ay tutuloy na siya palabas pero nagulat ako nang bumalik siya at umupo sa katabing upuan ng kama.
BINABASA MO ANG
Possibility
Teen FictionButterflies in the stomach, tingling sensations,unexplainable experiences and fireworks in the sky. These are some descriptions of a typical person in love. But for Kaylie Eileen Alberion, all of these descriptions are just flowery words to make lov...