"Gagibels ka talaga. Umamin na iyong tao tapos kung anu ano pa sinabi mo? Hindi ka man lang ba natuwa?" Angil ni Leira.
Tinakpan ko ang aking tenga dahil sa sigaw ni Leira. Nandito kami ngayon sa likod ng CS building kaya walang pakundangan siyang nangangaral sa akin. Kinuwento ko kasi sa kaniya iyong nangyari noong sabado at halos bigwasan niya na ako sa galit.
Ilang araw na rin ang nagdaan magmula ng mangyari iyon at hanggang ngayon ay hindi pa ulit kami nagkikita. Tahimik lang din kami noong pauwi kami kaya hindi ko alam kung ano na ang nagyayari sa kaniya.
"Syempre natuwa naman pero paano kung hindi naman pala?" Mahina kong sabi.
"Edi ba sinabi na nga niya mismo. Na gusto ka niya?" Sigaw niya ulit.
"Tinanong lang naman niya ako kung maniniwala ba ako kapag sinabi niyang gusto niya ako. Ano naman ang gusto mong sabihin ko? Na gusto ko rin siya ganoon? Tapos ano na?"
"Syempre gusto lamang noong kumpirmahin ang magiging reaksyon mo. Naku talaga Kayl. Ang sarap mong bigwasan kahit mahal kita. Isa lang please." Hanggang ngayon ay gigil na gigil pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Naku naman talaga.
"So anong gusto mong gawin ko?"
"Hindi ko alam. Kausapin mo? Ewan. Iyan ang hirap sa walang experience sa relationship eh. Nandoon na eh" nagmamaktol niya pa ring sabi.
Ilang gabi na rin akong binabagabag. Hindi pa kami nagkikita ulit dahil bukas pa iyong subject na magkaklase kami. Kaya heto ako ngayon kumokunsulta kay Leira kung ano ang dapat kong gawin. Kaso ay parang wala din siyang alam.
Naalala ko pa noong huling usap namin ay sinabi niyang siya na lamang ang magpapasa sa prof namin noong model namin. Sasabihin na lang daw niya sa akin iyong mga dapat paghandaan para sa defense kapag tapos niya nang makausap iyong prof namin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya tumango na lamang ako sa kaniyang sinabi.
"Ganito na lang. Maging normal lang iyong pakikiupagusap mo. Sabi niya naman ay kalimutan mo na lang iyon kaya huwag ka na lang mag-alala. Tsaka mo na lamang isipin kapag inopen niya na ulit."
Bumuntong hininga na lamang ako.Pumayag na lamang ako sa suhestiyon ni Leira at bumalik na kami sa aming klase. Pumunta na ako sa room at nakitang wala pa si Jacques kaya nakahinga pa ako ng maluwag. Hindi ko talaga alam kung paano makikitungo pagkatapos ng ilang araw na hindi kami nag-uusap. Tapos ay naalala ko pa na papasukan ko iyong Chemistry subject nila mamayang hapon.
Umayos na lamang ako ng upo at tumungo para mag-isip ng kung anu ano. Pilit kong inaalis ang kaba sa aking puso.
Ilang sandali pa ay nakita ko na ang kaniyang katawan na pumasok sa room. Napatungo ako dahil bigla akong kinabahan. Diretso lang naman ang kaniyang tingin pero hindi ko maiwasang isipin na baka nakita niya na ako. Naramdaman ko ang kaniyang pag-upo sa aking tabi kaya lumakas ang tibok ng puso ko.
"Naipasa ko na pala iyong model natin kay Ma'am. Ngayon ay kailangan na lamang nating maghanda para sa defense sa susunod na buwan." Malamig niyang bigkas.
Napatingin ako sa kaniyang biglang pagsalita at nagulat na nakatingin na pala siya sa akin. Nakatutok na naman ang kaniyang mata sa akin at tinitimbang ang magiging reaksyon ko. Tumango na lamang ako dahil wala akong masabi kahit isang salita.
Nakatingin lamang siya at nang napansing wala na akong balak magsalita pa ay iniwas na lamang niya ang kaniyang tingin at humarap na lamang ng diretso. Ako naman ay halos mawalan na ng hininga sa sobrang kaba. Hindi ko alam pero sobra akong apektado sa rebelasyon niya samantalang siya ay normal lamang ang kilos. Damn.
BINABASA MO ANG
Possibility
Teen FictionButterflies in the stomach, tingling sensations,unexplainable experiences and fireworks in the sky. These are some descriptions of a typical person in love. But for Kaylie Eileen Alberion, all of these descriptions are just flowery words to make lov...