Sunod sunod na katok sa pintuan ng aking kwarto ang nagpagising sa akin. Pinilit kong buksan ang inaantok ko pang mga mata at napapikit ulit ng sinalubong ako ng sinag ng araw. Kinapa ko ang aking cellphone sa lamesa para tignan ng oras.
"Anak. Gising ka na ba?"
Pasado alas syete na ng umaga ngunit pakiramdam ko ay hindi pa sapat ang aking tulog. Ginabi na kasi kami kahapon sa paggawa ng project sa isa naming subject. Tapos ay may tinapos pa akong report papers kaya hindi ko na alam kung kailan ako nakatulog. Nitong mga nakaraang araw kasi ay tambak an gaming Gawain sa school na hindi ko na alam kung ilang araw na baa ng nagdaan pagkatapos noong pangyayaring iyon.
"Mi! Opo! Bakit po?" sagot ko.
Ngunit sa hina ng aking boses ay hindi yata narinig ni Mama ang sagot ko kaya kumatok pa siya ng ilang beses.
"Gising na Kaylie! May nag-aantay sa iyo sa sala."
Pagkasabi noon ni Mama ay halos mahulog ako sa upuan. Namilog ang aking mata dahil hindi ko alam kung sino iyong nag-iintay sa akin sa baba. Wala naman akong natatandaang may pupunta sa bahay ng ganitong oras ngayong araw.
"Heto na Mi. Saglit lang."
Hindi ko na inisip pa kung sino iyon. Panigurado ay si Leira lang iyan at manggugulo na naman. Madalas kasing pumunta ng ganito kaaga si Leira at magyayaya lamang na magjogging o di kaya ay magpapasama sa kung saan.
Inayos ko na lamang ang aking sarili at pilit nilalabanan ang antok.
"Kailangan ko nang tumayo ngayon dahil kung hindi maaakit lamang ako ng kama na humiga ulit"
Tamad akong tumayo at tinungo na ang pintuan para mapuntahan na kung si Leira na naman nga ba ang bumulabog sa maikli kong tulog. Palagay ko'y Malaki pa ang eyebags ko hanggang ngayon dahil sa pinaghalong stress at puyat dahil sa mga Gawain sa school. Idagdag pa iyong mga paperworks na pinaasikaso sa akin ni Mr. Sulivan ay hindi ko na alam kung paano pa pagkakasyahin ang oras ko.
Humihikab kong tinungo ang sala at mumukatmukat pa ang mga mata. Dahil sa liwanag ay hirap pa akong maaninag ang aming bisita kaya ilang sandali pa ang itinagal bago ko malinaw na makita. Nang maaninag ko ay sana hindi ko na lamang nalaman pa.
"Jacques?" laglag panga kong sabi ng makita ang maayos na pagkakatayo niya sa harapan ko.
Nakasuot lamang siya ng simpleng Vneck shirt at nakafaded jeans ngunit halos mawalan ako ng ulirat. Idagdag pa ang bangag kong isip dahil kakagising ko lamang.
"Bakit k-ka nandito?" pautal-utal at nagtataka kong tanong.
Tinignan niya ako at biglang iniwas ang paningin.
"Hindi ba ay may pupuntahan tayo ngayon?" sagot niya ngunit nakatingin lamang sa kaniyang gilid.
BINABASA MO ANG
Possibility
Teen FictionButterflies in the stomach, tingling sensations,unexplainable experiences and fireworks in the sky. These are some descriptions of a typical person in love. But for Kaylie Eileen Alberion, all of these descriptions are just flowery words to make lov...