3 - Naaalala

50 2 0
                                    

Tahimik lamang kami habang naglalakad papunta sa bahay nila Jacques. Kumpara sa amin ay medyo malayo-layo pa ang tatahaking daan papunta sa kanila. Mapapansin mo ang pagkakaiba ng kanilang village sa mga kabahayan na madadaanan mo. 

Malalawak at malalaki ang mga bahay na madadaanan mo para makapunta sa kanila. Sa tagal kong hindi nakakapunta dito ay paniguradong malaki na rin ang mga ipinagbago nito. Naalala ko tuloy nung araw na nagkakilala kami. Iyon din ang araw na nakapunta ako sa kanilang bahay. 

Napansin ko ang kaniyang paghinto kaya tumigil na rin ako sa aking paglalakad. Luminga linga ako para tignan kung ito na ba ang sa kanila. Pinilit kong alalahanin ang natatandaan ko ngunit bigo akong maalala ang kanilang bahay. Malaki na din kasi ang ipinagbago ng lugar. Mas maraming bahay na ang nadagdag sa mga gilid.

"Ito na ba ang sa inyo?"

Humarap ako sa kaniya para tanungin kung itong nasa harap ba namin ang kanilang bahay. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Kakaibang tingin ang kaniyang isinalubong sa akin kaya parang nawalan ako ng mga salitang sasabihin.

"Yup. Sandali lang at tatawagan ko ang guard."

Iyon lamang ang sinabi niya at agad na kinuha ang kaniyang phone para magtipa ng numero. Ilang sandali pa ay narinig kong may kinausap na siya sa kaniyang phone. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa kanilang bahay. 

Malaki ito at malawak ito sa loob. May gate sila na malayo pa ata sa mismong bahay nila. Sa harapan kasi nito ay may mga hardin ng bulaklak at iba't ibang halaman. Hindi ko tuloy napigilan na maexcite na makita ang mga bulaklak nila sa hardin. 

"Tara na. Pumasok na tayo"

Bumalik lamang ang atensyon ko kay Jacques ng magsalita siya. Binitbit niya na ang mga dala ko at pumasok na sa kakabukas lang na gate. Nagulat pa nga ako kanina ng inalok niyang buhatin ang mga gamit na dala ko. Medyo madami kasi iyon kaya siguro napagdesisyunan niyang tulungan na ako.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa kanilang bahay ay sinalubong agad kami ng mga naggagandahang mga bulaklak ng kanilang hardin. Labis akong namangha na gusto ko pa nga sanang mag-uwi ng kahit isa lamang sa mga bulaklak nila.

Kaso hindi naman ata pwede kaya pinigilan ko na lamang ang aking sarili. Nagulat ako ng nahuli kong nakatingin sa akin si Jacques. Nasa may pintuan na siya ng kanilang bahay ngunit huminto siya at kasalukuyang nakatingin sa akin. Bumaling siya sa mga bulaklak na kanina ko pa tinitignan. 

"Kung gusto mo ng mga bulaklak ay sasabihin ko na lang kay Aling Nena na magbalot para sa iyo"

"Talaga?"

Labis akong natuwa sa kaniyang sinabi at napakagat pa ako ng labi para pigilan ang labis na pagngiti. Tumango lamang siya at binuksan na ang kanilang pintuan.

Pagkapasok namin sa kanilang bahay ay mas lalo akong namangha. Napapaligiran ng iba't ibang paintings ang wall ng kanilang bahay. May mga bulaklak ding iba iba ang kulay na nasa vase ang nakapatong sa mga mesa. Tumingala naman ako at nakita ang kumikinang na chandelier ng kanilang bahay. 

"Saan nga pala tayo gagawa? Sa sala? O may Vacant room ba kayo rito?"

"Sa kwarto ko na lang tayo?"

"Ugh. Huh?"

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa kaniyang sinabi. Hindi ako makapaniwala na inaaya niya akong sa kwarto nila gumawa ng activity. I know it shouldnt be a big deal pero hindi mapigilan ng puso ko na labis na matuwa sa kaniyang paanyaya. Napansin niya yata ang pagkaaligaga ko kaya bigla siyang nagsalita.

PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon