Pagkapasok namin sa bahay ng Tito ni Jacques ay sinalubong agad kami ng iba't ibang machines. Kahit saan ka lumingon ay may high technology machines kang makikita. Habang papalakad kami ay nakuha ng isang maliit na box ang atensyon ko.
Dahil sa pagkakuryuso ay nilapitan ko ito at tinignang mabuti. Maliit na box lang ito na may carved lines na nakapalibot sa gilid. Hahawakan ko na sana ng biglang umilaw at iniscan ang aking kamay.
Ilang sandali pa ay bumukas ito at napahanga ako sa nakalagay sa loob.
"Wow!" sambit ko.
Isang singsing na may maliit na diamond sa gitna ang nakapatong sa loob ng box. Kumikinang ito sa ganda at hindi ko mapigilang titigan.
"Nakita mo na pala ang singsing na para sa asawa ko."
Bigla akong napaatras sa gulat ng may magsalita sa aking gilid. Tinitigan ko siyang mabuti at naisip na baka siya ang Tito ni Jacques.
"Hello po. Pasensya na po at pinakialaman ko ang gamit niyo. Sorry po" hinging paumanhin ko.
"Okay lang. Ikaw ba ang kasama ni Jacques?" tanong niya.
"Opo"
"Eileen!"
Napalingon ako ng marinig ang sigaw ni Jacques. Humahangos siyang lumapit sa akin at tinignan ako ng masama.
"Sabi ko ay hintayin mo ako bago ka pumasok." angil niya.
Napayuko na lamang ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin. Masyado akong napreoccupied na hindi ko namalayan ay nagtuloy tuloy lang ang paglalakad ko.
"Hayaan mo na Jacques." pag-awat naman ng Tito ni Jacques.
Umiling na lamang si Jacques at nagmano sa kaniyang Tito. Napansin ko ang katandaan sa Tito ni Jacques. Medyo marami na kasi ang kaniyang puting buhok sa kaniyang ulo. Bakas na din ang mga wrinkles sa kaniyang mukha dala ng katandaan.
Napasulyap ulit ako sa box na ngayon ay nakasara na.
"Kayo po ba ang gumawa ng box na iyon?" kuryuso kong tanong.
Tumingin ako kay Tito at tango lamang ang kaniyang ibinigay sa akin. Tumingin na naman ako kay Jacques at sinenyasan niya akong tumahimik na lamang.
"Ginawa ko iyan para ingatan ang kaisaisang alaala na naiwan sa akin ng aking asawa." malungkot na saad ng Tito ni Jacques.
Dahil doon ay pinagsisihan kong nagtanong pa ako ng kung ano ano. Naintindihan ko na ang gustong sabihin kanina ni Jacques. Binalot kami ng katahimikan ng ilang sandali hanggang sa tumikhim na lamang si Tito.
"Hmm. Tara na at para maipakita ko na sa inyo ang testing arena."
Iyon lamang ang kaniyang sinabi at iginiya na kaming maglakad. Tutuloy na rin sana ako sa paglalakad ng biglang may maalalang isang bagay.
"Jacques! Nasaan na ang iba nating kasama?" tanong ko.
Napahinto si Jacques sa paglalakad ng marinig ang tanong ko. Tumingin siya sa akin at bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Tinitigan niya lamang ako na parang naghahanap ng sagot sa tanong ko.
Naputol lamang ito ng biglang magsalita si Tito.
"Mayroon pa ba kayong kasamang pupunta?"
"Ang sabi po kasi ni Jacques ay may makakasama pa kaming ibang grupo." nalilito kong sagot.
Sinulyapan ko si Jacques na ngayon ay iniiwasan ang aking tingin. Tila hindi na siya mapakali at bahagyang namumula.
"Wala namang nabaggit sa akin si Jacques. Ang nasabi niya lamang ay may dadalhin siyang babaeng kapartner niya sa activity."
BINABASA MO ANG
Possibility
Teen FictionButterflies in the stomach, tingling sensations,unexplainable experiences and fireworks in the sky. These are some descriptions of a typical person in love. But for Kaylie Eileen Alberion, all of these descriptions are just flowery words to make lov...