10 - Kanta

56 1 0
                                    

Hindi na rin naman na ulit pa nagparamdam sila Rebecca pagkatapos ng insidenteng iyon. Pinaalam na din kasi ni Leira sa Disciplinary Comittee iyong nangyari at tingin ko'y nasabihan na sila. Although nagkakasalubong kami minsan sa University Cafeteria ay simpleng ismid na lamang at irap ang binibigay nila.

Hindi ko na lamang binibigyan ng pansin iyon dahil ayaw ko ng gulo. Minsan ay kapag nakikita ko sila ay ako na mismo ang umiiwas.

Masyado din kaming naging busy dahil ilang araw na lang ay Engineering week na. Magkakaroon pa nga kami ng orientation mamaya para mapag-usapan ang overall set-up ng eng week.

Kasalukuyan kaming nakatambay ngayon ni Leira sa may garden ng university. Malaki ito kaya kahit maraming nagagawi ay sapat para sa amin.

Inilatag na ni Leira ang dinala niyang mat para maupuan namin at malagyan ng mga pagkaing dinala namin. Napagkasunduan kasi namin na magpicnic dahil kakatapos lang ng hell week namin. Nagkasabay sabay kasi ang mga quizzes at iba pang requirements noong nakaraang linggo kaya malimit lang kami magkita. Lalo na sa kanila Leira na talagang pahirapan sa mga majors.

"So ano namang balita sa inyo ni Jacques?" Sabi ni Leira habang ngumunguya ng chichirya.

Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Leira kaya uminom na lamang muna ako. Bigla akong namula nang maalala ko iyon.

"Wala naman" mahina kong sabi.

"Anong wala naman? Eh balita ko lagi kayong magkasama sa library nitong nakaraang linggo?" Nakakalokong tukso ni Leira.

Namilog naman ang aking mata at naubo dahil sa pagkagulat. Kinakabahan ko namang tinignan si Leira na ngayon ay halos umabot sa tenga ang ngiti.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko ulit.

" Usap-usapan kaya sa klase kanina. Paano ba naman ay masyado nang sikat si Jacques lalo na ng magsimula siya sa basketball. Nakoo. Mga inggit sila dahil ikaw yung laging kasama hahaha." Natatawang banggit ni Leira.

Hindi ko naiwasang kabahan sa kaniyang sinabi. Totoo nga na noong nakaraang linggo ay nagstart na sa basketball si Jacques. At simula noon ay marami na ang nakakakakilala sa kaniya at mayroon na nga ata siyang fans club. Hindi ko alam na ganoon na pala kapansin iyong pagiging close namin. Lalo na at umabot pa kay Leira iyong minsang pagrereview namin ni Jacques sa library.

Naalala ko tuloy noong siya mismo ang pumunta sa room ko para magpaturo.

Paalis na ako ng room dahil tapos na iyong klase namin sa Philosophy. Balak ko sana na maglibrary na muna dahil may tatlong oras pa kaming break before noong next class namin. Kasalukuyan akong naglililigpit ng aking mga gamit ng makarinig ako ng tilian sa labas ng room.

Lahat sila ay biglang nagkagulo na parang may kung sinong artista ang napadaan sa hallway. Hindi ko na lamang pinansin iyon at tuloy-tuloy nang lumabas.

Ngunit pagkalabas ko ay nagulat ako nang makita si Jacques na nakasandal sa pader at parang may iniintay. Nakita ko ang mga ilan sa mga kaklase ko na nakapaligid sa kaniya. Iyong iba pa ngang estudyante ay hindi mapigilan ang pagtili dahil sa kilig.

Pero parang wala man lang nakikita si Jacques at hindi niya pinapansin iyon. Nakatungo lamang siya at nakapikit ang mga mata. Iiwas ko na sana ang aking tingin ng bigla siyang dumilat at nagtama ang aming mga mata sa isa't isa. Hindi nagtagal ay bahagyang umangat ang kaniyang labi at lumakad papunta sa akin.

Napahigpit naman ang hawak ko sa dalang libro dahil sa kaba. Ilang sandali lang ay nasakop na ni Jacques ang distansya naming dalawa. Hindi ko alam kung anong gagawin kaya ngumiti na lamang ako. Ramdam ko ang mga tingin ng ibang estudyante sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay nasa amin ang buong atensyon ngayon.

PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon