Chapter 5

4 0 0
                                    

Ellie's POV

Vacant ko ngayon kaya agad kong tinext si gail at jane

Kaso mamaya maya pa daw yung vacant nila hintayin ko na lang daw sila sa canteen

Pumunta akong canteen para bumili ng pagkain pero hindi ako dito kakain para kasi akong lonely tingnan

Pagkatapos kong makabili ng pagkain dumiretso na ako dun sa likod ng school

Maganda kasi dito, ansarap ng hangin tsaka laging walang tao kaya bet ko. Kumbaga kung gusto mong mapagisa dito ka lang pumunta

Pagkadating ko dumiretso ako dun sa ilalim ng puno at umupo.

Tinitingnan ko lang yung magandang view habang kumakain

lakas maka senti eh no? Haha

"Huy bakit ka nandito?"

Ay palaka! sino yun?

Hinanap ko kung sino yung nagsalita ayun nasa likod ko pala si brian

Inirapan ko sya kaasar eh natalo nya ako sa pick up line battle namin kanina

"Haha pikon ka pala eh no?" Tiningnan ko sya ng masama. Hindi na ako nagsalita kasi kumakain ako

"Pagod ka na no?" Tanong nya sakin, so weird

Tinitigan ko sya tapos hinintay ko lang yung sasabihin nya

"Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isip ko" ngumiti sya ng pagkatamis tamis aba! Hinahamon ako neto ah papatalo ba ako?

"Google ka ba?" Tanong ko naman sa kanya

Tiningnan nyan lang ako naku!Baka maihi to sa kilig bwahaha

"Kasi nasayo na ang lahat ng hinahanap ko" ako naman yung ngumiti ng matamis

Ayun naglaban ulit kami ng PULB. (Pick up line battle) hehe

Sa huli nagtie lang yung laban haha babawi na lang ako next time

"Ellie oh" napatingin ako sa kanya at nakita kong may inaabot sya saking box pero diko alam yung laman

"Ano yan?" Patukoy ko dun sa laman ng box

"Raspberry cupcake, masarap to gawa ni mama ito e" nagningning yung mga mata ko nung binuksan nya yung box

Wow tingin pa lang nakakatakam na naexcite tuloy ako hihi

Para akong bata dito sa itsura ko kasi isa talaga to sa mga favorite ko eh hehe

Binigay na nya sakin yung isang cupcake at kumuha din sya ng sa kanya

agad akong kumagat ng isa tas nasundan ng isa tas nasundan ulit ng isa hanggang sa maubos ko na yung cupcake

"Waa gusto ko pa ansaraaap" tumatawa na sakin si brian pero wala akong paki gusto ko pa talaga eh bat ngayon nya lang to nilabas

"Ang cute cute mo talaga" kinurot nya yung pisngi ko kaya nailang ako

Feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan napunta na sa pisngi ko sa sobrang pula

Inabot nya sakin yung isa hanggang sa maubos namin lahat ng laman ng box habang nagkekwentuhan

Sobrang sarap nya palang kasama! Tawa kasi ako ng tawa sa mga kwento nya eh

"Hahaha uy ubos na pala, gusto ko pa ng isa eh sayang" sabi ko ng mapansin kong wala na ngang laman yung box. Grabee gusto ko pa naman ng isa bitin eh

"Haha grabe ka hindi ka pa nabusog nun? Eh ikaw na nga lahat umubos eh dalawa lang nakain ko" ngumiti na lang ako sa kanya totoo kasi yung sinabi nya ako yung nakarami saming dalawa

"Hayaan mo, bukas magbabaon ulit ako nito para sayo" tas bigla nyang ginulo yung buhok ko

Ngumiti na lang ako sa kanya

"Ay wait wag kang magalaw" nagulat ako sa sinabi nya lalo na sa ginawa nya

Lumapit sya sakin tas bigla nyang pinunasan yung gilid ng labi ko

Napatingin ako sa kanya. yung mata nya sobrang ganda pala! Kulay blue na green?  Bat ngayon ko lang napansin?

Nagulat ako ng marealize kong nakatingin na pala kami sa isa't isa

Bigla akong lumayo ng konti sa kanya

"Haha eh p-pasensya na m-makalat k-kasi t-talaga ako k-kumain" teka bat nauutal ako?

"Haha kaya nga eh para kang bata" ngumiti na lang ako sa kanya

Okaaayy bat ang awkward? Antahimik kasi naming dalawa eh

Eh ako? Bat ang tahimik ko? himala to ah

Naramdaman kong nagvibrate yung cp ko kaya kinuha ko agad ito

From: Bessy'Gail

Uy bessy! Nasan ka na kanina ka pa namin hinihintay dito ayos ka lang ba?"

Ay oo nga pala! Magkikita nga pala kami nila gail at jane ngayon sa canteen bat nakalimutan ko??

"Ahh brian una na ako, hinihintay kasi ako nila gail sa canteen eh" sabi ko sa kanya

Tinulungan nya akong tumayo, nailang tuloy ulit ako

Ano ba to! Bat ba naiilang ako? Parang baliw lang

"Ahh sige see you later" oo nga pala magkaklase pa rin kami mamaya sa next subject namin

"Okay salamat sa cupcake tsaka sa kwentuhan nagenjoy ako" sabi ko sakanya ng nakangiti

Ngumiti lang sya sakin kaya tumakbo na ako papuntang canteen

Baka kasi kung ano pa yung isipin ng mga ugok  kaibigan eh

Pagdating ko sa canteen nakita ko agad sila. Dumiretso ako dun sa table nila

"Uy bessy san ka ba galing? Nagalala kami ng sobra sayo eh" bungad sakin ni jane tas nagbeso beso kami

"Wala bessy nagcr lang ako saglit" pangatwiran ko sa kanila

Ayokong sabihin sa kanila na kasama ko si brian kasi alam kong aasarin lang nila ako

Nagkwentuhan kami habang kumakain sila. Hindi na ako kumain kasi nabusog na ako kanina

Si gail kilig na kilig ngayon kasi yung seatmate daw nya ang gwapo kaso ang sungit

Ito naman si jane marami na daw agad friend.

Oh diba! Tuwang tuwa sila

After ng ilang minuto nagpaalam na ako sa kanila kasi baka malate ako sa next subject ko

Pagkadating ko dun sa room wala pa si brian kaya kung san san na lang ako umupo.

Biglang may tumabi sa akin. Akala ko si brian kaso hindi

"Hi pwedeng makiupo?"
Sabi nung lalaki sakin.

Eh ano pa bang magagawa ko eh nakaupo na sya alanga namang paalisin ko sya diba?

Tumango na lang ako sa kanya. Maya maya dumating na din si brian, nagulat sya nung makita yung katabi ko

Umupo sya dun sa likod ko, tiningnan ko sya tas ngumiti naman sya kaya ngumiti na lang din ako

"Hi anong name mo?" Nagulat ako ng biglang magsalita yung katabi ko kaya napatingin ako sa kanya

"I'm Elizabeth. Ellie for short" sabay ngiti ko sa kanya

"Nice name, I'm Justin Grae Dela Cruz. Nice to meet you miss ellie"

nakipagshake hand ako sakanya habang nakangiti

Mukha naman syang mabait. Atleast may friend na agad ako diba?

Nagkwentuhan kami saglit ni justin tas dumating na agad yung prof.

Tiningnan ko si justin. Grabe ang tangos ng ilong

Infairness ang gwapo! Haha

Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon