Chapter 15

0 0 0
                                    

It's saturday! Sa wakas makakapagpahinga na rin ako after ng sunod sunod na practice namin sa volleyball.

Next week na kasi yung laban namin kaya tinotodo na ni coach yung practice

Maaga akong gumising dahil magpapasama sakin ngayon si brian sa mall para bumili ng regalo para sa mama nya.

Buti na lang at pinaalala nya sakin kahapon dahil talagang nawala sa isip ko yun

After kong maligo napatingin ako dun sa study table ko at kinuha ko yung candy na nakita ko sa locker ko kahapon

Ilang araw na ring akong nakakatanggap nito at laging may note dun sa candy. Kanino kaya galing ito?

Goodmorning Ms. Beautiful :)

Binasa ko muna yung note bago ko buksan ito at kainin

Nagfe facebook ako ng biglang may kumatok sa kwarto ko

"Anak, nasa baba na si brian ayiee" asar sakin ni mama tas kinuha ko na yung pouch ko sa lamesa

Umiling na lang ako habang natatawa sa inasta ni mama

Pagbaba ko nakita kong nakaupo si brian sa sofa habang naghihintay

Nang magtama ang tingin namin ngumiti sya sakin

Nagulat ako ng mapansin kong parehas kaming nakapants at nakapolo. Pareho pang black and white yung polo namin

"Ayiee soulmate kayo nak" bulong sakin ni mama pero natawa na lang ako. Abnoy talaga nanay ko haha

"Hi" bati nya sakin

"Hello"

"Tara na?"

"Sige" 

"San date niyo?" Biglang tanong ni mama. Anong date?

"Ma! Hindi kami magdedate, magpapasama lang sakin si brian bumili ng regalo para sa mama niya" sagot ko agad kay mama. Nakakahiya! namumula na tuloy pisngi ko dito

"Okay okay, ito naman masyadong defensive. Osige ingat kayo" paalam samin ni mama.

Kiniss ko muna sa cheeks si mama at papa bago kami umalis ni brian

Nagulat ako ng makitang walang sasakyang dala si brian

"Huy brian, nasan sasakyan mo?"

"Ah wala eh"

"Anong wala?"

"I mean pinaayos ko kasi dahil may sira"

Hala pano yan? Commute lang kami?

"Ah pano yan commute lang tayo?"

"Yep" ngumiti sya sakin. No way! Ayokong magcommute

"Hindi, papahatid na lang tayo kay papa sa mall" maglalakad na sana ako pabalik sa bahay ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at hilahin

"No. Magcocommute lang tayo today whether you like it or not"

Wala akong nagawa kaya nagpahila na lang din ako. Ano ba nasa isip nito? Bat kailangan naming magcommute edi para san pa yung sasakyan?

Hindi naman sa nagiinarte ako pero kasi ang hassle kapag nagcommute ka. Lahat ng usok malalasap mo, kaya nakaka haggard ng bongga!

Sumakay na kaming pareho sa jeep. Pagpasok ko pa lang hindi ko na alam kung san ako uupo dahil puno na

Sabi nung barker kanina lima pa kasya eh hindi na nga ako makaupo eh tsk tsk

"Here" umurong si brian kaya nakaupo ako ng maayos

Si brian yung nagbayad ng pamasahe

Habang bumabyahe nakatingin lang ako sa labas ng biglang prumeno si manong driver kaya nasubsob ako sa dibdib ni brian. Inalalayan nya agad ako

Infairness ang bango!

"Okay ka lang?" Natauhan ako ng biglang magsalita si brian. Nakasubsob pa rin kasi ako sa dibdib nya eh bakit ba! Ang bango kaya

Umayos ako ng upo
"Oo okay lang ako" humawak ako dun sa hawakan para kung sakaling magpreno ulit si manong atleast ready ako haha

Ilang minuto ang lumipas nakarating na rin kami sa mall. Grabe tagaktak yung pawis ko dun ah

Nauuna ako kay brian dahil gusto ko na talagang makapasok sa mall

Nagulat ako ng biglang hawakan ni brian yung kamay ko at pinaharap sa kanya

Tapos biglang pinunasan ni brian yung pawis ko gamit yung dala nyang panyo

"Sorry, hindi ka pala sanay magcommute" sabi nya sakin habang pinupunasan yung pawis ko sa noo

"Hindi ayos lang. Nagenjoy nga ako eh" oo kasi ang bango nya chaar haha ngumiti sya sakin

"Tara na?" Tumango ako sa sinabi nya kaya pumasok na kami sa loob

Pagpasok namin naghanap agad kami ng regalo para sa mama nya.

"Ito kaya?" Tinuro ko sa kanya yung kwintas

Nandito kasi kami ngayon sa isang jewelry shop at namimili ng magandang kwintas para sa mama nya

Tiningnan ni brian yung tinuro ko at mukhang nagandahan sya dito.

"Oo nga sige ito na lang, Sigurado akong magugustuhan nya ito. Wait lang ah" ngumiti ako sa kanya at pinagmasdan syang kunin yung kwintas para bayaran.

Nagtingin tingin ako dun habang hinihintay si brian 

May isang pumukaw sa tingin ko. Wow ang gandaa OoO

Star yung shape nung kwintas tapos may moon dun sa loob. Ang ganda nya grabe! Kumikinang kinang pa waahh

"Tara na ellie" nagulat ako ng biglang nasa tabi ko na si brian

Hindi ko kasi namalayan dahil titig na titig ako dun sa kwintas

"Sige tara na" tumingin ulit ako dun sa kwintas bago kami maglakad. Ang cute ng kwintas kaso ang mahal! 

Nanood na lang kaming sine ni brian dahil maaga pa naman. Pinanood namin yung "Everyday i love you" ng lizquen

Habang nanonood ako kilig na kilig ako dahil ang gwapo ni enrique! Bagay na bagay sila ni liza

Kaso naiilang ako dahil kanina pa nakatingin sakin si brian. Pag tinatanong ko naman sya kung bakit sasabihin nya lang wala. Weird

Hanggang sa matapos namin ni brian yung palabas nakatingin lang sya sakin. Naisip ko tuloy kung may dumi ba sa mukha ko

Nagyaya si brian mag arcade kaya dumiretso na kami dun at naglaro

Kung ano ano nilaro namin ni brian dun. Nag basketball kami, nag just dance at marami pang iba.

Nang maramdaman namin yung gutom kumain na kami. Umorder kami ng pagkain at syempre di mawawala yung ice cream! Cookie n' cream yung flavor syempre

Napasarap yung kwentuhan namin kaya di namin namalayang gabi na pala

Napagdesisyunan naming umuwi na kaso paglabas namin ng mall umuulan pala ng malakas.

Nakita kong marami na stranded dahil sa lakas ng ulan.

Ang hirap makasakay ngayon 

Kinuha ko yung phone ko para sana magpasundo kay papa kaso lowbat ako. Tinanong ko si brian kung dala nya ba cp nya kaso lowbat din daw

Paano na to?!

"Ellie dun na lang muna kaya tayo sa condo ko? Malapit lang dito yun tatawid lang tayo" napatingin ako sa sinabi ni brian

Malapit lang dito yung condo nya? Nagisip muna ako dahil ano yun? Kaming dalawa lang yung tao sa condo nya? Baka kung ano pa isipin ng ibang tao

"Don't worry ihahatid din naman kita sa inyo pag tumila na ang ulan eh" no choice ako ngayon dahil sobrang lakas talaga ng ulan

"Sige" sabi ko sa kanya tas nilagay nya yung panyo nya sa ulo ko at tinakpan nya rin gamit ang kamay nya at sabay kaming tumakbo papuntang condo nya




Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon