Chapter 13

0 0 0
                                    

Sa susunod na araw na yung reporting kaya kailangan tapusin na namin to ni brian para bukas maayos na lahat.

Nandito kami ngayon sa study room at gumagawa. Nagakyat si mama dito kanina ng makakain at ng maiinom.

Pagod na pagod ako ngayong araw dahil nagpractice kami kanina sa volleyball tas pag uwi ko kailangan pa naming tapusin to.

Imagine? 3hrs kaming nagpractice kanina. May sasalihan daw kasi kaming liga kaya kailangang magpractice

Ang hirap pala talagang pagsabayin ang pagiging athlete tsaka estudyante

*Yawn*

Naghikab nanaman ako. Kanina pa ako hikab ng hikab dahil antok na antok na talaga ako tas ang sakit pa ng katawan ko.

Napatingin sakin si brian tas nagbuntong hininga sya.

"Ayos ka lang ba ellie? Gusto mo ba ako na lang magtapos nito?"

"Ah hindi okay lang ako. Tatapusin natin tong dalawa"

"Are you sure? Okay lang naman sakin para makapagpahinga ka na rin"

"No it's okay. Tara na kain muna tayo sa baba"

Yaya ko sa kanya para kumain ng dinner. Puro kwento si mama ngayon.

kesyo nakadiscount daw sya ng sibuyas sa suki nya kaya tuwang tuwa sya. Pati ba naman yun kailangan ikwento? Si brian naman tuwang tuwa. Ako? Wala ako sa mood eh

Umakyat agad kami ni brian pagkatapos para ipagpatuloy yung ginagawa namin. Nasa kalagitnaan kami ng pagreresearch ng biglang magsalita si brian

"Are you a dictionary?" Napatingin ako sa kanya

"Ha?" Ano daw?

"Babanat ako ellie! Tch" ahh sorry naman bangag kasi ako eh

"Oh sige Bakit?" Excited kong tanong sa kanya

"Cause you add meaning to my life" tas nagwink sya

"Asuuss! Ang corny bri, ako naman!" Humarap ako sa kanya ng sobrang laki ng ngiti. Antagal ko ng hindi nakapaglaro ng PULB haha

"Bobo ka ba?"

"Bakit?" Kahit si brian naexcite

"Kasi ikaw ang nagiisang BOBO-o sa buhay ko" natawa ako sa sariling pick up ko. Ang cheesy masyado haha

"Ako ulit!" Nagtaas pa ng kamay si brian, excited much?

"Si mr.bean ka ba?"

"Bakit?"

"Kasi BEAN-ihag mo ang puso ko yay!"

"Ang corny,ang corny corny corny haha" kumanta pa ako ng kanta dun sa going bulilit haha

"Ako naman ulit!"

"Osige!"

"Meralco ka ba?"

"Bakit?"

"pag ngumiti ka kasi may spark ;)"

Nagtuloy lang yun ng nagtuloy hanggang sa mapagod kami. Infairness medyo nawala naman yung pagka stress ko kanina haha

Pinagpatuloy ulit namin yung ginagawa namin. Yumuko ako saglit, naramdaman ko ulit yung pagod tsaka antok. Konti na lang makakatulog na ulit ako kaya umayos ako ng upo tas tumingin dun sa laptop ko

Kaso di ko na talaga kaya nakatulog na talaga ako

BRIAN'S POV

Napatingin ako sa natutulog na si ellie. Nakatulog na sya buti naman at ng makapag pahinga sya

Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon