Chapter 12

1 0 0
                                    

Pagpasok ko sa first class ko saktong pagdating naman ng prof.

Tumabi ako kay brian para asarin sya. Medyo bangag kasi ako dahil nga puyat ako kagabi.

Kailangan ko ng pampagising haha

"Huy mr.tae kamusta?" Natawa na ako yun palang sinabi ko. buti napigilan ko kung hindi patay ako ngayon sa prof ko haha

Ansama ng tingin sakin ni brian kaya mas ginanahan akong asarin sya haha pikon

"Ano? Natanggal mo naman ba yung tae sa sapatos mo? Success ba? Pfft" pigil na pigil na yung tawa ko dito, yung ibang kaklase ko nakakahalata na sakin pero nginingitian ko na lang sila

"Tch" ay badtrip na si koya mo brian! Haha

Magsasalita pa sana ako ng biglang humarap yung prof. Nagsusulat kasi sya sa board kanina

Umayos ako ng upo

"Okay class, magkakaroon kayo ng reporting by partner"

Lahat ng kaklase ko nanlumo. Dahil terror tong prof ko na to tas strikto pa pagdating sa reporting. Kahit ako nanlumo dahil hindi talaga sya nagdadalawang isip na mangbagsak ng mga nagiging estudyante nya

"So class, since kakaumpisa pa lang naman ng klase kayo na ang mamili ng magiging partner niyo" unti unting nagliwanag yung mukha ng mga kaklase ko.

Lahat sila may kanya kanya ng partner kaso ako? Wala pa

"Huy tayo na lang" napatingin ako kay brian. Bat iba yung ibig sabihin sakin nung sinabi nya? Charot

"Sige"

"Saan tayo? Sa bahay niyo o sa condo ko?" O.o

"Sa bahay na lang"

"Okay"

Binigay sa amin ni prof yung mga topic na irereport namin tas binigay nya na rin yung criteria.

Pagkatapos ng klase ko dumiretso kami ng library ni brian. Hindi na ako sumabay kila gail dahil baka matagalan pa kami kaya pinauna ko na lang sila

Nagtitingin tingin ako ng libro na may kaugnayan sa report namin. Naghiwalay kami ni brian para makahanap agad kami at ng maumpisahan na namin sa bahay.

Nakita ko yung libro sa itaas ng book shelf sa library. Sinubukan ko itong abutin kaso hindi ko kaya kahit nakatingkayad na ako

Sinusubukan ko pa ring abutin ng biglang may kumuhang ibang kamay noon. Napatingin ako sa likod ko, si justin 

"Here" inabot nya sakin yung librong kinukuha ko

"Salamat"

"May kukunin ka pa ba?"

"Ahh wala na" ngumiti ako sa kanya at ganun din sya

"Ellie tara n--" nagulat si brian sa amin ng makita kami

"Uy pare" bati ni justin kaso tumango lang si brian

"Tara na ellie at nang masimulan na natin ito" hinila niya ako kaya nagwave na lang ako kay justin ng nakangiti. Ano problema nito?

Pagdating namin sa bahay si brian yung sinalubong ni mama hindi ako na anak niya. Tch
edi wow chaar haha

"Naku hijo buti naman at nakabalik ka dito. Magdedate ba kayo ng anak ko?" O.O Nagulat ako sa tanong ni mama

"Ma!" Sigaw ko kay mama kaso tumawa lang sya. Kung di ko lang talaga sya mama charot haha

"Ah hindi po, gagawa lang po kami ng reporting sa school, kami po kasi yung magkapartner" paliwanag ni brian

"Ahh. Tingnan mo pati sa school partner kayo hihi osige halika na pasok na kayo"

hindi na lang namin pinansin yung sinabi ni mama. pagpasok namin sa bahay umupo ako sa sofa para tanggalin yung sapatos ko. Nakita kong ganun din yung ginawa ni brian

"Osige maiwan ko na muna kayo at baka masunog yung niluluto ko" paalam samin ni mama.

Umakyat na ako at sumunod naman sya. Binuksan ko yung study room namin para gawin don yung report namin

"Wait lang ha magpapalit lang akong damit" paalam ko tas dumiretso na akong kwarto ko at humiga sa kama. Nakakapagod

Ilang minuto din akong ganun hanggang mapagdesisyunan kong magbihis na tas pumunta doon sa study room

"Tagal mo"

"Nagpahinga lang ako saglit"

"Ahh.. kayo lang dalawa ng mama mo dito?"

"Hindi, nandito rin si papa kaso mamaya pa uwi nya" nakita ko syang tumango tango

"Tara na simulan na natin to at ng matapos agad tayo" naghati kami ng trabaho ni brian

Sya yung naghahanap sa libro tas ako naman laptop ko yung gamit ko. Although may laptop din syang dala

Tahimik lang kaming gumagawa ni brian ng napatingin ako dun sa book shelf namin para hanapin yung librong sinasabi dito sa internet. Sabi kasi nandun daw sa librong yun ang hinahanap namin.

Tatayo na sana ako ng biglang may maapakan akong libro kaya muntikan na akong madulas at mabagok

Buti na lang naalalayan agad ako ni brian. Whoo kinabahan ako dun ah 

Napatingin ako kay brian, halata sa itsura nya yung pagaalala.

Hawak nya pa rin yung bewang ko at ako naman nakahawak pa rin sa balikat nya. Biglang bumukas yung pinto

"Dinner's read-- Oopps" napabitaw agad ako kay brian at ganun din sya sakin kaya nalaglag ako sa sahig. Aruyy huhu

"Ellie, sorry okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong sakin ni brian pero si mama nakita kong nakangisi. Yung totoo di man lang ba nagalala sakin si mama?

"Ayos lang ako" sinubukan kong tumayo kaso ang sakit ng pwetan ko. Fishtea -_-

"Naku brian ang mabuti pa buhatin mo na lang si ellie pababa para makakain na kayo"

what? Ano ba naman to si mama seryoso ba sya?

"No. Okay lang ako mom, hindi pa naman ako gutom kaya kayo na lang dito na lang ako"

buhatin? Like seriously?

Nagkatinginan si mama tsaka si brian. Oh no!

Binuhat ako ni brian. Yung pang kasal! Ano ba to nakakahiya

"Ano ba brian ibaba mo nga ako. Kaya ko namang maglakad eh" saway ko sa kanya. Tiningnan ko sya ng sobrang sama! Siguro naman nagets nya noh?

"Wag ka na lang maingay. Ibababa lang naman kita eh" bulong nya sakin habang nakangisi

"Oh halika na! Mabuhay ang bagong kasal!" Tiningnan ko si mama ng masama kaso ngumiti lang sya. Aiishh ano bang gagawin ko dito?

Kumain kami habang sila nagkekwentuhan. After naming kumain ginawa na uli namin yung report. Kaso ilang oras na yung lumipas hindi pa namin natapos kaya bukas na lang namin gagawin since gabi na rin

"Bye brian, magiingat ka ha!" Paalam ni mama kay brian. Ang hyper ni mama grabe

"Ahh sige po tita carmen bukas na lang po ulit. Bye ellie see you tom" baling sakin ni brian kaya ngumiti na lang ako

Nag 'ayiee' si mama. Sus parang bata chaar kahit ganyan yan mahal ko yang si mama. Biglang ganon?

Nang makaalis na si brian dumiretso na agad ako sa kwarto ko para maligo. Si mama kilig na kilig pa rin samin ni brian lalo na yung nakahawak sa bewang ko si brian

"Sa wakas anak magkakaboyfriend kana!" Hay hindi ko na lang pinansin yung sinabi ni mama tas natulog na lang. Alam ko namang hindi titigil si mama kaya itutulog ko na lang to



Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon