Chapter 14

0 0 0
                                    

Ngayon na yung reporting namin ni brian kaya hindi ko maiwasang kabahan

Kagabi lang namin natapos yung report namin. Nakita ko yung mga kaklase ko na kinakabisado yung report nila

Whoo sana naman mamaya kapag nandun na ako hindi ako mamental blocked, Yun kasi talaga yung kinakatakutan ko eh. Pagna mental blocked ako edi wala na

Ayoko namang mapahiya si brian dahil lang sakin mamaya diba?

Nagulat ako ng biglang hawakan ni brian yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"Wag kang kabahan ellie basta lagi mong tandaan na tingnan mo sa mata yung mga nakikinig sayo at maging confident ka sa lahat ng sasabihin mo. Don't worry nandito lang ako "

ngumiti si brian sa akin kaya medyo nawala rin yung kaba ko. Tama! gagawin ko na lang yung sinabi ni brian

Dumating na yung prof namin tas bumati kami sa kanya

After nun nagsimula na yung reporting. After mong magreport magcocomment si sir sa naging performance mo

Kapag hindi umiimik si sir ibig sabihin nun hindi sya natuwa

pero kapag ngumiti sya sa inyo habang nagcocomment ibig sabihin naman nun satisfied sya sa report ninyo

"Ms. Panti and Mr. Fernandez" tawag sa amin ni sir nung kami na ang magrereport

Sabay kaming tumayo ni brian sa harapan

"G-goodmorning e-everyone" nauutal kong bati sa kanila

Hayy kinakabahan talaga ako. Pano ba to?

Hinawakan ni brian yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"It's okay" he mouthed tapos pinagpatuloy yung sasabihin ko kanina

Sinumulan na at pinaliwanag ni brian yung part niya dahil nga naghati kami ng irereport 

Maayos at maganda ang pagsasalita ni brian. Para bang wala syang nararamdamang kaba di tulad ko na halos mautal utal na

Confident syang nagsasalita at tuloy tuloy lang. Para bang sanay na sanay na sya sa mga ganitong sitwasyon

Natapos na ni brian yung part niya kaya ako naman ang magsasalita at magrereport

~Tingnan sila sa mata at maging confident ka sa lahat ng sasabihin mo~

Inalala ko ulit yung sinabi sakin ni brian bago magsimula.

Pagtingin ko sa kanya nakangiti sya sakin

"You can do it" he mouthed again

Pumikit ako tas huminga muna ng malalim bago magsalita

Nang magsalita na ako sinunod ko yung lahat ng sinabi sakin ni brian kanina

Unti unting nawala ang kaba ko at para bang kusa na lang lumalabas sa bibig ko lahat ng nireserch ko

Lahat sila nakikinig sakin at ako naman patuloy lang pinapaliwanag lahat ng nalalaman ko

Napatingin ako kay sir at nakangiti sya sakin habang pinapanood ako kaya napangiti ako

Natapos namin ng maayos yung report namin ni brian tas ng magcomment si sir puro magagandang salita lahat ng sinabi nya

Nakakatuwa! We did it, I did it!

Tumingin ako kay brian tas nag apir kaming dalawa habang nakangiti

"Ayieee" asar samin ng mga kaklase ko pero di na lang namin pinansin

Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon