Chapter 9

0 0 0
                                    

Pagkatapos kong maligo at magayos bumaba na agad ako. Nag jeans lang ako at  nagsando tas pinatungan ko na lang ng checkered na polo. Nagrubber shoes na lang din ako

Nakita kong nagtatawaman habang kumakain si brian kasama si mom and dad. Taray ha close agad, halatang nageenjoy sila eh

Nakalapit na ako sa kanila pero di pa rin nila ako napapansin kasi tuloy pa rin sila sa pagkekwentuhan

"Ehem, goodmorning!" Napatingin sakin si mom

"Uyy andito na pala yung prinsesa namin eh oh ito kain kana anak" oo mom kanina pa ako nandito ni hindi niyo man lang ako pinansin

Pinaupo ako ni mama sa tabi mi brian. Mukhang gustong gusto talaga nila si brian ah

"Naku anak, may new friend ka na pala hindi mo man lang sinabi sa amin! Eh ang bait bait nitong batang to oh" seriously? Anong pinakain ni brian dito sa magulang ko?

Sa pagkakaalam ko ayaw na ayaw nila akong makitang masyadong close sa lalaki eh anong nangyayari ngayon?

Habang kumakain kami sila sila lang yung nagkekwentuhan. Okaay? OP na ako dito oh!

Hanggang sa matapos na lang kami tawa pa rin ng tawa si mama. To kasing si brian kanina pa bumabanat! si mom naman tuwang tuwa -_-

Palabas na sana kami ni brian ng maalala kong magpaalam kila mama

"Ahh mom aalis lang po kami ni brian ngayon per--" hindi pa natatapos yung sinasabi ko inawat nya na agad ako

"It's okay anak, kahit anong oras ka pang umuwi ayos lang. May tiwala naman kasi ako sa batang to"

okaayy?? Tama ba yung narinig ko? Alam ko nakapaglinis naman ako ng tenga ngayon pero bakit parang kakaiba ata yung mga naririnig ko sa araw na to?

Pakisampal nga ako kung nananaginip ako please

Tinulak kami ni mom palabas tas hinatid kami sa gate. Yung totoo?

"Bye anak! Oh brian ikaw ng bahala sa anak ko ha? Enjoyy" okaay di ko na alam gagawin ko sa nanay ko 

"Let's go?" Nakita kong sumakay si brian sa sasakyan na nasa harapan namin

"Sasakyan mo?" Tumango sya sakin ng nakangiti kaya napangiti din ako

"Cool. Kakulay ni baymax" black and white kasi yung color kaya naalala ko si baymax. Natawa sya sa sinabi ko pero sumakay na lang ako sa kotse nya

Pinaandar na nya yung sasakyan kaso ang tahimik

"Ahh brian san tayo pupunta? Sa mall?" di ko na napigilan pang itanong. Kung sa mall? Bat ang aga naman ata

"Hindi" nagulat ako sa sinabi nya. Kung hindi sa mall edi saan? Napansin nyang nagiisip ako kaya natawa sya

"Basta. Promise magugustuhan mo yung lugar kung saan kita dadalhin ngayon"

Mukhang seryoso si brian sa sinabi nya. Naku dapat lang haha

Nagkwentuhan lang kami ni brian . Tinanong ko kung pano nya nalaman kung saan ako nakatira.

Tapos yun pala kanina nya pa ako tinatawagan kaso si mama yung sumagot dahil nakalimutan ko kagabi sa sala yung cp ko tas si mama naman binigay agad address namin oh diba saya!

"We're here" nilibot ko yung tingin ko sa lugar kung saan nya ako dinala

Bumaba na ako at nakita kong merong isang malaking gate sa harapan namin. Binasa ko yung nakasulat dun sa gate

Dream Catcher Orphanage

Orphanage? Anong gagawin namin dito? Sigurado ba syang dito magpalibre? hala may saltik ata to

Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon