Chapter 8

0 0 0
                                    

Ngayon malalaman yung resulta ng mga nakapasok sa volleyball varsity kaya lahat kami ngayon kinakabahan

"Tara na ellie" tawag sakin ni jane kaya naglakad na kami papuntang gym

Pagpasok namin nakita agad namin si coach sa gym at nandun na rin yung iba pang estudyante na nagtry out din kahapon

Binati namin si coach tas umupo kami sa sahig

"Okay team ngayon ko sasabihin yung mga list ng pangalan na mga nakapasok sa volleyball team so listen carefully"

Isa isa ng tinatawag ni coach yung mga pangalan

Si jane at gail natawag na ako na lang hindi

~Dug.dug dug.dug dug.dug~

Ramdam kong anlakas na ng tibok ng puso ko kaya pumikit na lang ako. Sobrang kinakabahan na ako

Whoo! Please, please sana makapasok ako

"And Elizabeth Panti"
O.O O.O O.O
wait narinig ko ba pangalan ko?

Di ba ako nananaginip? Tama ba narinig ko? Merong iba na nagtawanan dahil sa apelyido ko pero wala akong paki

Tiningnan ko sila gail at tiningnan ko sila ng did i heard it right?

Then yun tumango sila kaya napangiti ako

"Okay team i want to congratulate all of you, you all did great. Just work hard and play hard. See you on monday team that's all for today goodbye"

Paalam ni coach kaya tumayo na rin kami para magpaalam sa kanya

Pagkalabas ni coach ng gym nagsigawan kaming tatlo nila jane tapos nagyakapan kami Waahh nakapasok kaming tatloo

"Waahh bessy nakapasok tayong tatlo another achievement!" Sabi ni jane habang nakayakap kami sa isa't isa at tumatalon

Grabee ang saya saya ko ngayon worth it lahat ng pagod ko

"Kailangan nating icelebrate to mamaya mga bessy! Sama sama nating itataas ang ekonomiya ng bansang pilipinas!" Haha buang talaga to si gail kung ano ano pinagsasabi ekonomiya agad? Haha

Kumain muna kami nila gail sa canteen bago pumunta sa first class namin grabe mga be! di ko maexplain yung sayang nararamdaman ko ngayon

Habang naglalakad ako nakita ko si brian

"Brian!" Tawag ko sa kanya sabay takbo palapit sa kanya, nakita kong lumingon sya sakin

Nang makalapit ako sa kanya niyakap ko sya sa sobrang saya

"Brian! Nakapasok ako sa volleyball team. I did it!" Masayang sabi ko sa kanya

Ewan ko parang ansaya saya lang na ipaalam sa kanya yung magandang balita na ito

Isa rin kasi sya sa mga tumulong sakin para mamotivate ako at isa pa nilibre nya ako kahapon ng cup cake

Naramdaman kong di sya gumagalaw kaya natauhan ako. Wait niyakap ko ba sya?

Agad kong kinalas yung pagyakap sa kanya grabe nakakahiya bat ko ginawa yun? Feeling ko tuloy namumula na yung pisngi ko

"Congratulations ellie! Kailangan icelebrate naten yan ngayon ah ikaw naman manlibre! Haha" medyo naiilang nyang sabi sa akin

Nginitian ko sya nahihiya pa rin kasi ako sa ginawa ko kanina eh niyakap ko ba talaga sya?

"Ha? Eh magcecelebrate kasi kami mamaya nila gail eh bukas promise ililibre kita!" Sabi ko sa kanya pinilit kong alisin yung pagkailang ko sa kanya

"Ganun? Edi san tayo magkikita bukas? Walang pasok tom" ayy oo nga pala wala nga palang pasok bukas

Binigay ko na lang yung number ko sa kanya para text text na lang kami. Di pa kasi kami nakakapag decide kung san kami pupunta bukas eh

Mabilis na natapos yung araw. Nagtext na sakin sila gail na nauna na silang umuwi sunod na lang daw ako. Friday today remember?

Nang makarating na akong bahay nakita kong naglalakad na papunta sila gail sa bahay kaya tinawag ko sila at sumabay sa kanilang maglakad

Pagkapasok namin sa bahay antahimik tas patay pa yung ilaw. Anyare?

Nagtinginan kami nila gail, binuksan ko yung ilaw then biglang may sumabog OMG ano yun?

"Congratulations girls! We are so proud of you" sigaw nila. nakita ko sila mom kasama yung parents nila gail and jane na may hawak ng banner na nakasulat ng "Congratulations Ladies, We are so proud of you"

Napangiti ako. Nandun din kasi sila kuya ben tas yung ibang mga kasambahay

Masaya kaming lumapit sa kanila tas niyakap sila. Pano nila nalaman eh sasabihin pa nga lang namin ngayon

"Thank you mom and dad" sabi ko habang kayakap sila. So lucky to have them as my parents

"Your welcome anak, oh halika na let's party!" Tas biglang may tumugtog ng sobrang lakas

Nakita kong nagsasayawan na sila mom and dad kasama sila tito at tita (gail's and jane's parents)

Ayun nag night swimming kami sa bahay tas nagpaparty. Bawal pa samin yung alak that's why juice lang iniinom namin. Okay lang hindi naman kailangan ng alak para mag enjoy eh

Inabot kami hanggang madaling araw dahil wala namang pasok bukas. Pagpasok ko sa kwarto nakatulog agad ako dahil sa pagod

~Kinabukasan~

"Ellie, gising kana" niyakap ko yung unan kong si baymax teka? Sino yun? Bat parang may nagsalita? Ah baka nananaginip lang ako

Bumalik na ako sa pagtulog pero biglang may nagsalita ulit

"Huy gising kana ellie" sino ba yun? Si baymax ko? Tiningnan ko yung unan kong si baymax kung nagsasalita kaso hindi naman sya hayy naghahallucinate lang ata ako

Biglang may kumalabit sakin.

"Pst Ellie gumising ka na anong oras na oh" ahh alam ko na si mommy to kahit di ko tingnan. Eh pano? Sya lang naman yung laging gumigising sakin ng ganito kaaga

Nagtalukbong ako ng kumot
"Later na mommy inaantok pa ako eh" sabi ko sa kanya

Narinig kong nagbuntong hininga sya

"I'm not your mom ellie, I'm brian" sus eh si bri--

Wait brian? Andito si brian?!

Agad kong tiningnan yung taong gumigising sakin at si brian ngaa! Pano sya nakapasok sa room ko?

"Good morning! Favorite mo pala si baymax" sabi nya tas nilibot nya yung mata nya sa buong kwarto ko

Puro si baymax kasi laman ng kwarto ko kaya puro black and white makikita mo dito pag pumasok ka. Eh bakit ba ang cute cute kaya ni baymaxx.

"Anong ginagawa mo dito? Pano mo nalaman bahay ko? Tsaka pano ka nakapasok?" Sunod sunod kong tanong

"Wala man lang goodmorning? Hays nandito ako kasi ililibre mo pa ako today remember?" Ay oo nga pala lilibre ko nga pala sya ngayon pero bat parang ang aga

Tiningnan ko yung orasan sa table ko at O.O what? 8:30 pa lang

"Sigurado ka? Eh ang aga aga pa eh baliw ka ba?" Sigaw ko sa kanya. Sa tingin nya ba may bukas ng mall sa ganitong oras? Ano first timer?

"Aishh basta maligo ka na lang hintayin na lang kita bilisan mo okay? 15 mins." Hinila nya ako patayo tas tinulak ako dun papasok sa banyo

Kinuhanan nya ako ng tuwalya tas sinarado na nya agad yung pinto ng banyo. Yung totoo? San kami pupunta neto eh aga aga pa. tsaka antok pa ako eh

Naligo na ako. No choice eh nagpromise ako sa kanya kaya kahit antok ako kailangan kong gawin pfft -_-

Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon