Ellie's POV
Maaga kaming papasok kasi ngayon yung try out sa volleyball ng school
Hindi nyo lang naman kasi natatanong varsity kami noong high school kami nila gail
Wala lang favorite sport kasi namin yun eh Team Captain nga ako nung high school kami eh you know! Iba na talaga kapag maganda chaar haha
Bumaba na agad ako para kumain, pagkalipas ng ilang minuto dumating na agad sila gail. Mukhang ready tong mga to ah hahaha
Nagpaalam muna ako kila mom and dad bago gumora sa school
Pagkadating namin dun dumiretso ako sa locker ko para ilagay yung nga gamit ko pero nagulat ako nung makita ko si brian
Ang aga pa ah? Anong ginagawa nya dito
"Goodmorning, anong ginagawa mo dito? Ang aga pa ah" bati nya sakin. Parehas lang pala kami ng iniisip
"Ahh ngayon kasi yung try out sa volleyball kaya maaga kami eh ikaw?" Tanong ko naman sa kanya
"Ahh.. may dinaanan lang ako sa library"
Dinaanan? Kailangan maaga?
Nagpaalam na agad ako sa kanya kasi bawal malate kahit try out pala lang
Nagpalit na ako ng damit pang volleyball then dumiretso na akong gym dahil dun gaganapin yung try out
Nakita ko na agad sila jane at gail na mukhang excited na excited
Bumati muna kami kay coach.
"Goodmorning to all of you students, I am Romeo De Jesus and i will be your coach for this team"
Itsura pa lang ni coach halatang matapang at strict na sya. Sana makasurvive ako dito sa try out
Gusto ko kasi talagang makapaglaro sa buong college years ko para mas memorable haha
Lumabas muna ng gym si coach kasi may tumawag sa kanya para kausapin
Nakahinga namin kami ng maluwag dun
"Grabe yung itsura ni coach parang tigre! Nakakatakot" natawa kami sa sinabi ni gail baliw talaga buti wala si coach
"Ellie!" Nagulat ako ng may tumawag sakin
Hinanap ko kung sino yung sumigaw ng pangalan ko at nakita ko si brian sa mga benches
"You can do it! Fighting" sigaw nya ulit grabe di ba sya nahihiya? Ngumiti na lang ako sa kanya
Pagtingin ko sa mga kaibigan ko nangangasar na yung mga tingin nila. Yung totoo?
"Ayiee new friend ha" sabi ni gail tas nagtawanan silang dalawa
Inirapan ko na lang sila
Sakto dumating na si coach kaya seryoso na ulit kaming lahat
Sinabi nya muna yung mga rules and regulations ng team namin
"Una, BAWAL ANG LATE.
Pangalawa,ALWAYS FOCUS ON THE GAME.
Pangatlo, TRUST YOUR TEAM MATES.
Pangapat, HEALTHY LIFESTYLE
at Panglima, NO DISTRACTIONS"Napalunok ako sa mga sinabi ni coach, nakakatakot naman to si coach parang mangangain
"Nagkakaintindihan ba tayo?" Sigaw ni coach
"Yes coach" sigaw din naming lahat
"Let's begin" saad ni coach at nagsimula na nga yung try out
Feeling ko nagte training kami sa PMA sa sobrang hirap at pagod namin
Volleyball ba talaga tong napasok namin? Ang higpit masyado ni coach
After ng ilang oras natapos na din whoo napagod ako dun ah
Umupo kami sa mga benches tas pinunasan ko yung pawis sa mukha ko
"Bessy oh tubig" alok sakin ni jane kinuha ko rin agad kasi nauuhaw na talaga ako
"Salamat bessy" nagngitian kaming dalawa tas tumingin na kay coach na kasalukuyang nasa harapan namin ngayon. Sana makapasa kami
"Okay team, sa friday niyo pa malalaman kung sino yung mga nakapasok but i really want to say that you all did great"
Napangiti kami sa sinabi ni coach
Marami pang sinabi si coach na kaechusan bago magpaalam
Nagshower muna kami nila gail kasi ambabaho na namin
After nun naghiwalay na rin kami kasi baka malate kami sa klase
Grabe nakakapagod!
Papunta na ako ngayon sa first subject ko ng biglang may humarang sa nilalakaran ko
Tiningnan ko ito at nakita ko si brian ng nakangiti. Ngumiti na lang din ako
"Bomba ka ba?" Sus babanat nanaman to napangiti tuloy ako
Maybe ito yung kailangan ko ngayon lalo na at pagod ako ngayon
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Naku dapat ayusin nya yan kundi sisipain ko yung ano nya haha chaar lang di naman ako ganun ka brutal
"Sumasabog kasi kagandahan mo" *wink*
Haha ang baliw talaga neto, naramdaman ko tuloy na namula yung pisngi ko. di kasi ako sanay na may pumuri sakin although alam kong nagbibiro lang sya haha
"Ilaw ka ba?" This time ako naman yung nagtanong
Ngumiti muna sya sakin
"Bakit?" Ang laki ng ngiti nya grabe"Kasi you brighten my day" totoo yung sinabi ko, napagaan nya kasi talaga yung loob ko lalo na yung pumunta pa syang gym para icheer ako
Ilang araw pa lang kaming magkakilala pero ang gaan gaan na agad ng loob ko sa kanya
Nagtawanan kaming dalawa nung marealize naming ang corny pala haha
Pagpasok namin ng room wala pa yung prof. Pagkaupo namin tinawag nya ako
"Ano yun?" Tanong ko sa kanya
Nagulat ako nung may binigay sya saking box na katulad nung kahapon
"Wow, raspberry cupcake ulit?" Tanong ko sa kanya tas tumango naman sya
Di na ako nagpaligoy ligoy pa at binuksan ko na agad tas kinain. Gutom na rin kasi ako kasi di na kami nakakain nila jane kanina sa pagmamadali
Ansaraap nya talaga gusto ko tuloy makilala yung mama nya tas magpapaturo akong gumawa hehe
Inalok ko sya ng isa kaso ayaw nya
"Hindi wag na, alam kong kulang pa yan sayo" nagshrugged na lang ako
Totoo nga naman kulang pa sakin to haha
Nakalimang cupcakes ako bago dumating yung prof nalate kasi sya
Nagtuturo na yung prof sa harapan nung kalabitin ko si brian kaya napatingin sya
"Thankyou" sincere kong sabi sa kanya habang nakangiti
Nakita kong napangiti ko din sya sa sinabi ko kaya natuwa naman ako
Natapos yung araw na to ng nagkukulitan lang kaming dalawa ni brian
Aaminin ko ansarap nya talagang kasama lalo na kapag nanlilibre sya chareeng haha
BINABASA MO ANG
Unforeseen Love
Teen FictionLove means sacrifice... 'Cause when you love, you'll become selfless...