Chapter 16

0 0 0
                                    

Pagpasok ko sa condo ni brian binigyan nya agad ako ng tuwalya. Nilalamig kasi ako dahil basang basa na ako

"Here, ito na muna suotin mo dahil wala naman akong damit pangbabae. pasensya na"

Tiningnan ko yung binigay saking damit ni brian. Tshirt sya na kulay white

"No, it's okay. San ba yung banyo?" Tanong ko sa kanya tapos nilead nya ako papuntang banyo

Pagkatapos kong maligo tiningnan ko yung sarili ko sa salamin.

Ang laki sakin ng damit na binigay ni brian kaya parang duster na sya nung suotin ko

Above the knee sakin yung damit, Okay na to. Kaysa naman wala diba?

Lumabas na akong banyo habang pinupunasan ko yung buhok ko para matuyo

"Brian?" Tawag ko kay brian kaso walang sumagot

"Brian?" Tawag ko ulit sa kanya pero wala pa ring nasagot

Nandito ako ngayon sa sala, nilibot ko yung mata ko sa buong condo

Ang linis pala ng bahay ni brian ngayon ko lang napansin.

Umupo ako dun sa may sofa ang lambot

Hinawakan ko yung table dun sa gitna ng sala tapos wala man lang alikabok na kumapit sa daliri ko.

Anlinis at ang ganda naman dito, halatang alagang alaga ni brian yung condo nya

Parang hindi lalaki ang nakatira sa sobrang linis

Napatingin ako dun sa mga picture frames sa table kaya tumayo ako para tingnan

Kinuha ko yung isa doon, si brian noong bata pa sya.

Napangiti ako ng makita ko to. Si brian na sobrang lapad ng ngiti

Naka cap sya habang nakahawak sya sa sarili nyang pisgi
Ang cute nya! Sarap kurutin

Nilapag ko ito at tiningnan naman yung isa pang frame. Si brian tsaka yung mama nya

Pano ko nalamang mama nya? May note kasi na nakalagay dun sa frame

Mama <3

Yan yung note

Ang cutee! Parehas silang nakangiti sa picture. Para bang sobrang saya nila

Masaya kong tiningnan yung mga picture ni brian. Sa tingin ko yung pinaka latest na picture ni brian dito ay yung graduation pic nya nung high school.

Inilapag ko na yung hawak kong frame para sana hanapin kung nasan si brian ng mapansin kong may isang nakataob na frame dun

Nacurious ako kaya kinuha ko ito at tiningnan

Isang batang babae at lalaki ang nasa picture, sa tingin ko si brian yung lalaki dahil magkamukha sila

Tinitigan ko yung picture. Halata ang saya sa kanilang dalawa

Pareho silang nakaupo sa damo. Nakatingin yung babae dun sa picture samantalang si brian naman ay nakatingin dun sa babae ng nakangiti

Tiningnan ko yung babae at di ko maiipagkaila na maganda sya. Sobrang kinis ng balat at namumula pa ang pisngi

Napatingin ako dun sa note sa gilid.

Teptep<3

Teptep? Ito kaya yung pangalan nung babae? Pero sino sya? Sino kaya sya sa buhay ni brian?

"What are you doing" sobrang nagulat ako dun sa nagsalita kaya nabitawan ko yung frame na naging dahilan para mabasag ito

Lumingon ako dun sa likod ko at nakita ko si brian na nakatingin na ngayon sa nabasag na frame

"Ellie! Bakit mo binasag?!" Nagulat ako ng sumigaw si brian

Lumapit sya dun sa frame na nabasag at kinuha ito tas tinitigan muna bago sya bumaling sakin

"Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga sakin ang picture frame na to ha ellie?! Bakit ba kasi hindi ka nagiingat!"

Sigaw ulit nya, nagulat ako sa mga inasta ni brian

Hindi ko naman sinasadya ah pero bakit galit na galit sya?
Kung hindi nya kasi ako ginulat edi sana hindi nabasag yung frame

Pero hindi ellie. Kasalanan mo kung bakit nabasag yung frame

"S-sorry" sambit ko tas kinagat ko yung labi ko para pigilan yung nagbabadyang luha sa mata ko

Umupo ako para sana linisin yung nabasag na frame

Pagkaupo ko tumulo agad yung luha ko pero pinunasan ko agad ito

First time kong makita magalit si brian ng ganito

Alam kong kasalanan ko naman pero kailangan nya ba talagang sigawan ako?

"No ellie, baka masug-"

"Ouch" pagkasabi ni brian non sakto namang nabubog ako aisshh

Tiningnan ko yung daliri kong nasugatan. Nagdudugo

"Ellie stop it. Tingnan mo nasugatan ka pa tuloy, ako na ang maglilinis nyan halika"

Kung kanina galit si brian. Ngayon halata sa boses nya ang pagaalala

Pinaupo nya ako sa sofa tapos pumunta syang kwarto nya

Pagbalik nya may dala na syang first aid kit at agad naman nyang ginamot yung sugat ko

"S-sorry brian" sambit ko ng matapos nyang gamutin yung sugat ko

"No ellie, ako dapat ang magsorry dahil nasigawan kita. Hindi na mauulit"

Hinawakan nya ang kamay ko at nagulat ako ng halikan nya ito

"Pero please ellie, wag mong sasaktan ang sarili mo, Hindi mo alam kung gaano ako nagalala. Sabihan mo na akong OA pero please wag munang uulitin pa yun okay?" Tumango ako sa kanya

Nilinis nya muna yung nabasag na frame tsaka nya ako inalalayang tumayo

"May binili akong pagkain dahil baka gutom ka na. Tara" dinala nya ako sa kusina at hinanda nya yung binili nyang pagkain

Wow mami! Sakto malamig pa naman ang panahon

Kinain ko yung dala nyang pagkain. Habang kumakain ako nakatingin lang sya sakin

Hindi nya nga ginagalaw yung pagkain nya eh pero di ko na lang pinansin

"Sorry talaga ellie" sambit nya

Napatingin ako sa kanya

"Sorry, hindi ko dapat ginawa sayo yun. Hindi dapat kita sini-"

"Okay lang"
Ngumiti ako sa kanya

"Alam ko namang hindi mo sinasadya yun eh kaya hindi mo kailangan pang mag sorry. Ako nga dapat magsorry dahil nabasag ko yung frame"

Ngumiti na lang din sya sakin

"Oo nga pala ellie wag kang mawawala sa birthday ni mama ha?"

"Invited ba ako?"

"Oo naman!" Tas inakbayan nya ako habang natatawa tawa. Kulet

"Okay! Pero dapat wag na tayong magcommute ah? Hassle kasi eh"

"Pagiisipan ko" ngumisi sya sakin

Kaasar to! Ano? Balak nya ulit kaming magcommute? Yung totoo

Pinagpatuloy na lang namin yung pagkain dahil baka lamigin na masarap pa naman

Pero hindi ko talaga maiwasang isipin yung nangyari kanina eh. Sino kaya yung babaeng yun para magalit ng ganon si brian?

Tiningnan ko si brian habang humihigop ng sabaw ng mami

Siguro nga marami pa akong hindi nalalaman sayo brian, siguro nga hindi pa kita nakikilala ng lubusan

Pero isa lang ang alam ko ngayon. Mas gusto pa kitang makilala

Teptep. Sino ka sa buhay ni brian?

Unforeseen LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon