Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana
Unti unti kong minulat ang aking mga mata at kinusot kusot ito
Nang luminaw na ang aking paningin umupo ako sa kama
Oo nga pala nandito pa ako sa condo ni brian, hindi kasi tumila yung ulan kagabi kaya dito na lang ako natulog
Tumawag naman ako kila mama at pinayagan ako na dito matulog.
may tiwala naman kasi sakin sina mama at papaOh baka isipin niyo magkasama kami ni brian natulog ah, hindi noh! Dito ako sa kwarto nya tas dun sya sa sala natulog
Nung una nga ayoko kasi masyado ng nakakahiya kaso mapilit yung loko
pumunta akong banyo tas naghilamos ng mukha, kukunin ko sana yung toothbrush dito ng maalala kong hindi pala sakin yun
Hala! Pano ako makapag toothbrush nito
Tiningnan ko yung cabinet tas nakita kong may mouthwash kaya yun na lang ginamit ko
Pagkatapos kong magsuklay lumabas na akong kwarto ni brian
Pagkalabas ko pa lang may naaamoy na akong mabango
~eek eek~
Tyan ko yan haha! Baka kung ano isipin nyo hahahaHinawakan ko yung tyan ko. Nagugutom na ako
Sinundan ko yung amoy hanggang sa mapadpad ako sa kusina
Nakita ko si brian na nagluluto. Nakatalikod sya kaya hindi nya ako napansin
Nakasando sya tas naka short lang. May napansin lang ako
Hindi pala payatot tong si brian eh, ang masculine nga ng katawan nya eh
Napatingin ako sa biceps nya
*lunok*"Uy nandyan ka na pala ellie, goodmorning"
Napatingin ako kay brian ng batiin nya ako
"G-goodmorning din" bati ko rin sa kanya
nagulat ako ng hilahin ako ni brian tas pinaupo ako dun sa stool
"Wait lang ha ellie, malapit ng maluto to" tas nag wink sya sakin kaya natawa ako asus!
Pinanood ko lang sya magluto. Infairness ah parang expert yung mokong
Ang bango nung niluluto nya kaya lalo akong nagugutom pero hindi ko talagang maiwasang tumingin sa katawan nya
May laman naman pala tong si brian eh haha
"Kamusta tulog mo? Okay naman ba?"
Feeling ko kanin na lang ang kailangan ko dahil yung ulam nasa harapan ko na haha! Erase erase ellie! Ang manyak mo
Umiling iling pa ako
"Pst ellie" natigilan ako ng tawagin nya ako
"H-ha?"
"Okay ka lang ba?"
"O-oo naman bakit naman hindi diba?" Nakita nya kaya yun? Sana hindi grabe nakakahiya
Nakita kong ngumisi sya sakin. Namula tuloy ako bigla
"Tinatanong kita kanina. Sabi ko okay naman ba yung tulog mo?"
"Okay naman" umiwas ako ng tingin sa kanya kasi OA sya makatitig
Pangisi ngisi pa yung mokong
"A-ano ba brian! Bilisan mo na nga nagugutom na ako eh"
Nagpout ako sa kanya. Peste! Ngumisi nanaman yung loko
BINABASA MO ANG
Unforeseen Love
Dla nastolatkówLove means sacrifice... 'Cause when you love, you'll become selfless...