Ellie's POV
"And they lived happily ever after" pagtatapos ko sa librong binabasa ko para sa mga bata
Napangiti ako ng makita silang tuwang tuwa sa ending ng binabasa ko. Yung "Cinderella"
Kinekwentuhan ko kasi sila dahil nabanggit ko yung cinderella kanina noong kausap ko si sofia
"Ate pwede rin po ba kaming maging princess?" Napatingin ako sa batang nagtanong
"Oo naman, lahat naman tayo prinsesa eh yung iba nga lang may korona. Pero may korona man o wala prinsesa pa rin tayo sa paningin ni God" nakita kong namangha sila sa sinabi ko
May magtatanong pa sanang bata kaso biglang dumating si sister anna
"Oh mga bata, kailangan ng umuwi ng mga bisita dahil pagabi na rin at kailangan niyo ng matulog. Sa susunod na lang" nalungkot yung mga bata sa sinabi ni sister kaya napangiti ako. Ayaw pa nilang umalis kami dahil nageenjoy sila kasama kami ni brian. Nakakataba ng puso
"Babye po ate ellie, sayo din po kuya brian! Sa susunod po ulit bisitahin niyo po ulit kami ah" paalam saamin ng mga bata. Tumango kami ni brian sa kanila
Niyakap muna nila kami bago umakyat sa kanya kanya nilang kwarto. ang sweet ng mga batang ito nakakatuwa
"Ahh sige po sister mauna na po kami, babalik na lang po kami kapag may oras" sabi ni brian kay sister anna
"Babye po sister" paalam ko naman sa kanya habang nakangiti
"Osige mabuti pa nga at gumagabi na rin. Salamat nga pala sa pagpapasaya sa mga bata lalo na sayo ellie. Kinagagalak kong makilala ka, napakabuti mo hija"
Napangiti ako sa sinabi ni sister. Makikita mo kasi sa kanya yung sincerity sa sinabi nya.
"Oh ito hija para sa iyo, alam kong maliit na bagay lamang iyan pero sana magustuhan mo" inabot ko yung binigay niya sakin
Tiningnan ko ito at di ko napigilang matuwa dahil isa itong keychain na may nakasulat na bible verse
"Trust in the lord with all your heart and do not lean on your own understanding" . Yan yung nakasulat sa keychain ang gandaa ^_^"Ang gandaa! Maraming salamat po sister" sa sobrang saya ko niyakap ko si sister. Natawa lang si sister sa ginawa ko kahit si brian
Ayun tuluyan na kaming nagpaalam sa kanila. Tinignan ko si brian ng makasakay kami sa sasakyan niya. Ang lapad ng ngiti
"Brian, ansaya dito balik ulit tayo ah?" Totoo naman kasi, nagenjoy ako kasama yung mga bata at isa pa ang bait bait nila sister binigyan pa nila ako ng gift nakakatuwa
"Oo naman, babalik ulit tayo dito ng magkasama" natuwa ako sa sinabi nya. Yehey babalik ulit kami dito
Napagdesisyunan muna naming kumain ni brian ng ice cream since maaga pa naman
"What do you want?"
"Cookies and cream ^_^" masayang sabi ko sa kanya
"Really favorite ko rin yun eh" --brian
"Kakulay kasi ni baymax kaya favorite ko hehe" natawa sya sa sinabi ko kaya nagtaka ako. Anong nakakatawa sa sinabi ko?
Bumalik na si brian hawak yung binili nyang ice cream. Oo libre nya nyahaha
Masaya kong tinikman yung ice cream. Grabe heaven!
"Favorite mo pala talaga si baymax noh?"
"Yeah why? Ang cute kaya nya"
"Haha mas cute pa nga ako dun eh"
"Hindi kaya. FYI your not cute bleh"
Nagasaran kami ni brian hanggang sa maubos namin yung ice cream. Pinagpipilitan nyang mas cute sya kay baymax eh hindi naman. Parang ewan lang
Naglakad lakad muna kami ni brian sa park pagkatapos namin kumain ng ice cream
"Brian, paano ka napalapit sa DCO? (Dream Catcher Orphanage)" tanong ko kay brian pagkaupo namin sa bench. Medyo napagod na rin kasi kami kaya umupo na kami
"Ang cucute kasi nila tsaka ambabait pa. Kahit sino mapapalapit agad sa kanila dahil lahat sila mababait. Diba?" Sumang ayon ako sinabi nya dahil totoo naman. Kahit nga ako napalapit agad sa kanila
"Ahh brian bakit mo ako dinala doon? I mean kasi diba akala ko sa mall ka magpapalibre. Akala ko doon mo ako dadalhin"
for sure naiinis na tong si brian dahil kanina pa ako nagtatanong sa kanya pero mukhang hindi naman. Nageenjoy pa nga ata sya eh
"Kasi alam kong magugustuhan ka agad nila kapag nakilala ka. Atsaka alam kong mas mageenjoy tayo kapag kasama sila"
Ahhh... oo nga mas nagenjoy nga ako nung kasama ko sila.
Napatingin ako sa kanya, mukhang ansaya saya niya. May inspirasyon kaya ito?
"Ahh brian may tanong ulit ako" tumango sya sa sinabi ko
"May girlfriend ka na noh? Kaya siguro ansaya saya mo kasi may inspirasyon ka ayiee"
Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko tas biglang lumungkot yung mukha nya. Wait? May nasabi ba akong hindi maganda?
"Ahh brian okay ka lang? May nasabi ba akong mali" nagaalala na ako sa kanya kasi bigla syang tumahimik tas anlungkot lungkot pa ng mukha nya
Eh kasi yun yung sabi nila. Kapag masaya ang isang tao ibig sabihin may inspirasyon. Mali ba ako? Tinanong ko ulit sya kung okay lang ba sya kaso wala pa rin syang imik
"Ahh wala okay lang ako. Tara na ellie gabi na ihahatid na kita sa inyo" sabi nya sakin ng matauhan sya
Bigla syang naglakad papunta dun sa sasakyan kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya
Habang nasa sasakyan kami wala pa rin syang imik. Tanging kanta lamang sa radio ang naririnig ko
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may nasabi ba akong mali. Kanina kasi okay naman sya kaso mula noong tanungin ko sya sa "gf thing" tumahimik na sya bigla
Ang guloo! ano bang ginawa ko?
Pagkapark nya sa harap ng bahay namin di pa rin ako lumalabas ng kotse nya. Nagaalala pa rin kasi ako sa kanya
"Okay ka lang ba?" Di ko na napigilang itanong. Tumingin ako sa kanya at ganun din ang ginawa nya
"Oo okay lang ako ellie, Medyo napagod lang ngayong araw pero ayos lang ako" tiningnan ko syang mabuti pero mukhang pagod nga sya. Siguro nga pagod lang sya
"Okay sige babye! Magingat ka ah thank you ng marami goodnight" sabi ko sa kanya
"Sige thank you ellie, goodnight din sweetdreams" ngumiti ako sa kanya tas bumaba na ako
Dumiretso na ako papuntang gate pero hindi pa rin sya umaalis. Nang buksan ko na ito tsaka ko nakitang umalis na yung sasakyan nya. Hinihintay nya lang atang makapasok ako
Napatingin ako sa sasakyan niya na papalayo na. Ano kayang nasabi kong mali para lumungkot yung mukha nya ng ganon? Hayy.... ikaw kasi ellie andaldal mo ayan tuloy
Pumasok na akong bahay at natulog agad dahil sa pagod
BINABASA MO ANG
Unforeseen Love
Teen FictionLove means sacrifice... 'Cause when you love, you'll become selfless...