Chapter 1 (Part one)

6.8K 125 7
                                    


Nakaramdam ka naba nang takot na hindi mo maunawaan. Takot at paga-alala na kasabay mong nararamdaman? Nakakabaliw. Palinga-linga ako sa daan sa kalagitnaan nang kadiliman. Kani-kanina lang may tumawag sa'kin para pumunta sa park dahil daw kung hindi sasaktan nila ang kapatid ko. Kahit natatakot pumunta parin ako. Ngayon nga, palinga-linga ako habang patungo sa park. Maga-alas dose na nang gabi kaya nakakatakot ang lugar lalo na't tanging ang maliit na ilaw nang isang poste lang ang nagbibigay liwanag sa lugar.

Napabuntong-hininga ako nang maalalang hawak niya ang kapatid ko. Please let her be safe. Tanging dasal ko sa aking isipan habang inalala ang dahilan kung ba't ako napunta dito.

Nakarinig ako nang kaluskos. Agad bumangon ang kaba sa dibdib ko at napatuwid ako nang tayo. Nakadagdag pa sa takot ko ang biglang pag-ihip nang malamig na hangin. Halos pigilan ko na ang hinga ko mas mabantayan ko lang ang nasa paligid ko. Takot ako sa multo pero mas gugustuhin ko pa sigurong multuhin ako kaysa malamang may taong mananakit sa'kin at nang kapatid ko.

"Jenny." Biglang narinig ko ang boses niya. Ang boses kung saan dahilan nang lahat nang ito. Napalingun ako agad sa direksyon nang boses at dahil wala halos ilaw ay hindi ko maaninag ang mukha nito.

"Where is my sister. Please let her go." Pagmamakaawa ko sa kanya. Nanginginig ang buong katawan ko. Nararamdaman ko rin ang malamig na pawis sa'king katawan.

"No. You'll come with me. " Napailing ako sa sinabi niya at sa mga oras na iyon gusto kong umiyak.

"Please let her go. Ako nalang." Saad ko na pinipilit pigilan ang iyak na gustong kumawala sakin.

"You'll come with me. And I let her go." Saad nito. Tumulo ang luha ko sa sinabi nito.

"Y- yong kapatid ko? Nasan siya? Bakit siya sumisigaw kanina? Na- nasan siya? Okay lang siya diba?" Paninigurado ko. Pinipilit magpakatatag.

Unti-unti siyang lumapit, umatras naman ako sa takot sa maaring gawin nito.

"A- anong gagawin mo?" Tanong ko habang pinigilan ang sarili kong tumakbo.

"Bakit ka lumalayo?" Tanong nito. Nag-iba ang tinig. Naging malambing siya.

"H- hindi kita ki- kilala. Sinaktan mo ang kapatid ko. H- how could I trust you?" Balik tanong ko sa kanya.

"Ow. Jenny. Sinaktan mo'ko. Masakit yun dito oh." Tinuro niya ang dibdib niya. "You can't trust me? How about me? Why did I love you even when I only met you?" Madamdaming sabi nito na kinakunot nang noo ko. Iba ang boses niya malambing pero ang mukha nito ay nakangisi na kinagalit ko. Is he toying me?

"Let my sister go!" Sigaw ko sa kanya dahil nakakairita at nakakainis ang pinagsasabi niya.

At sana hindi ko nalang ginawa.

Naging mabangis ang aura nito. Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang makitang galit ang anyo nito.

"You shouldn't have awaken him." Saad nito at agad akong sinugod. Napasigaw ako nang mahawakan niya ang buhok ko nang akmang tatakbo ako. Naalala kong may dala akong pocket knife , dahan-dahan ko itong kinuha at isinaksak sa kanya. Napaigik ito. Sinamantala kong nawalan nang lakas ang kamay niya na nakahawak sa buhok ko. Tumakbo ako.

"Run Jenny. Run" Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Tumutulo ang luhang palinga-linga ako sa tinatakbuhan.

God. Save me.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon