May nakita akong kanto. Tumakbo ako patungo doon at natatarantang naghahanap nang matataguan.
"Jeeeennnyyyyy" Kanta niyang sabi na parang nasisiyahan sa nangyayari.
Luminga-linga ulit ako sa pagbabasakaling may makitang matataguan. Di kalayuan may malalaking trash bin akong nakita. Sumiksik ako sa likod nito. Nanginginig kong tinakpan sa takot ang bibig ko.
Save me God. Save me.
Tanging naiusal ko saking isipan. I held my breath upon hearing his footsteps. My tears were flowing uncontrollably. I shut my eyes tight nang marinig ang hakbang nitong papalapit sa pinagtataguan ko.
"Jeeeennnnlny? Nasan ka?" Napalunok ako nang sunod-sunod nang maulinigan na nasa mga isang metro lang ang layo nang boses nito.
"Jenny. Jenny. Where are you? Hide very well or I will find you." Tumawa ito matapos kumanta sa tono nang Twinkle little star. Napasiksik akong lalo sa narinig. He's insane.
Mga ilang minuto lang narinig ko ang papalayong yapak nito. I exhaled abruptly feeling relieved. Lumabas ako sa pinagtaguan pero gayun na lang ang gulat ko nang nakangisi itong nakatingin sa'kin. Parang hihintay niya lang akong lumabas sa pinagtaguan ko. Nanlalaking umatras ako nang makitang umiling-iling ito.
"Tsk. Tsk. Tsk. Nagtago kapa ,diyan namang kitang-kita ka. Hmm. Oo nga pala. Nakakatawa." Saka ito tumawa na parang baliw.
Papatakbo na sana ako nang mahila niya ang isang kamay ko at agad ipinalibot ang braso nito sa leeg ko habang tinakpan nito ang mukha ko gamit ang isang panyo. Napahigpit ang kapit ko sa kamay nito at pinipilit alisin ang pagkakasakal nito pero malakas siya.
"Bitawan mo'ko! Maawa ka." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Kinakabahan ako sa gagawin niya. Tumatawa lang siya then my heart beats faster when he stop laughing but started humming the Twinkle little star. Napapalunok akong nakinig sa kanya.
"Jenny. Jenny. Poor little star. Let's get ready to kill you." Tumawa na naman ito. Nanghihina ang katawan ko habang rinig ang kanta nitong nakapagpatayo nang balahibo ko. Why is he doing this to me?
Tumulo ang luha ko bago unti-unting nawalan nang malay.
*****
Comment po kayo anong masasabi niyo?
BINABASA MO ANG
Trapped
TerrorTrapped in a glass tube of water? Kidnapped. Tortured. Jennifer Dowland never thought she would experience hell just to save her sister from danger. Upon trying to escape, she discover the truth that she never thought would happened. Will she be abl...