Chapter 3

5.9K 105 0
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdamang nangawit ang katawan ko. Ramdam ko rin ang pananakit nang katawan ko't kumukulo kong tiyan. Napalingun-lingun ako agad-agad nang maalala ang nangyari. Please let it be a nightmare. Dasal ko pero gayun na lang ang pagbagsak nang mga balikat ko nang mapagtantong nasa isang abandonadong lugar ako. Napabalikwas pa ako sa sakit na naramdaman sa magkabilang pulu-pulsohan ko. I was in a chair, tied.

Pinilit kong kalasin ang tali, pero napasigaw ako nang naramdamang humapdi ito at namumula na. Yung paligid nito ay nasusugatan na rin. Naiiyak akong lumingon-lingon sa paligid at napahikbing nawawalan nang pag-asa. Will I be searched? May pakialam ba ang magulang ko para hanapin lang ako?

Sa lahat nang pinagdaanan ko, ito ang hindi ko alam kung makakayanan ko. Bigla kong naalala ang kapatid ko. Sana ligtas siya. Kung ako lang, wala akong pakialam pero wag sanang pati kapatid ko.

May yapak akong narinig sa labas nang kwartong pinaglagyan sa'kin. Bumalik ang takot at kaba na naramdaman ko kanina. Napalunok ako nang lumangit-ngit ang pintuan simbolo na binubuksan ito. Iniluwa nito ang taong may gawa nang lahat nang ito.

"Pakawalan mo ako! Nasan ang kapatid ko?" Sigaw ko sa kanya kahit parang mahihumatay na ako sa kaba. Ngumisi ito sa'kin.

"Jenny. Good morning. Ang ganda mo naman bumati." Saad nito at naglakad papalapit sa'kin. Sinubukan kong kumalag baka matanggal ang tali pero hindi. Nakalapit ito sa'kin nang tuluyan.

"Jenny. May mga bagay na sinusuko kapalit pansariling gusto lamang." Saad nito sakin na kinakunot nang noo ko.

"What are you talking about?" Tumawa ito nang nakakabingi. I want to cover my ears but I can't.

"Too bad. She wants out........" Naguluhan pa ako sa sinabi niya. She wants out? Was he talking about my sister?









"Without you.." Sabi niya na nakangiti sa'kin. Nang mapagtanto ko ang sinabi niya. May namumuong sakit sa puso ko. Pain, betrayal. No!

"H- hindi ako iiwan ni Jessy. Hindi." Sabi ko na parang ako mismo hindi alam kong tama ang sinabi ko.

"Jenny. Ba't ka nasasaktan? Di ba ganyan naman ang ginawa mo kanina?" Sabi nito sa'kin.

"No! Hindi yan totoo. Hindi ko kailanman hinangad pabayaan ang kapatid ko. Hindi!" Sabi ko sabay iling-iling.

"Hindi? Diba tinakbuhan mo'ko kahit alam mong hawak ko ang kapatid mo? Kahit pwedeng saktan ko siya? O kaya'y patayin? Aminin mo. Mas inisip mo ang sarili mo!"

"N- no. Hindi totoo iyan. Hindi. G- gusto ko lang tumawag nang tulong. Gusto k- kong- " napapikit ako matapos makatikim nang isang sampal galing sa kanya dahilan upang hindi ko matapos ang sasabihin ko. Napabaling ang ulo ko sa kaliwa. Umiiyak ako. Nanginginig sa takot.

"Sinungaling ka!" Isang sampal na naman ang nakuha ko at napabaling ang ulo ko sa kanan sa lakas nang sampal. The pain pierced through my skin but I can only sob and wish in vain.

"Masama ka! Masama kang kapatid. Wala kang ibang inisip kundi sarili mo!" Umiling-iling ako sa mga sinabi niya habang umiiyak. Nanlaki ang mata ko nang may kinuha siyang isang piraso nang kahoy.

"Kapag may kasalanan diba dapat pinapalo?" Pinasadahan nito nang daliri ang kahoy at ngumisi siya sa'kin. Nanginginig at tumutulo ang luha kong umiling-iling dito. Hoping he would feel pity at me at least.

"Repent. 1.." I shout with pain nung hinampas niya ang kahoy sa'kin sabay nang pagbilang niya.

"Repent. 2.." He hit me again with the wood and I cried.

"T- tama na." Hikbi kong sabi. Nagmamakaawa. Nagbabakasali.

"I told you to repent!" Inihampas niya ulit ang kahoy saking binti dahilan upang mabuwal ako kasama ang upuan. Masakit ang pagkahulog ko pero mas masakit ang mga binti ko.

"Tama na. Parang awa mo n- na." Pahina nang pahina ang boses ko. Patuloy tumutulo ang luha. My vision started to became blurry and I just wish I will wake up knowing this was all a nightmare.

Repent? The word itself repeatedly played in my head. What would I have to repent when all my life I was neglected?

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon