"Jenny? Bagsak ka na naman? Kailan mo ba gagayahin ang kapatid mo? Palagi ka na lang bagsak. Kahit talent wala ka. Anong maipagmamalaki mo?" Galit na sigaw ni Mama nang matapos niyang tingnan ang card ko. Napayuko nalang ako. Hindi naman sa ayaw kong mag-aral. Kung attendance ang pagbabasehan present ako palagi, hindi lang talaga kaya nang utak ko ang mga lessons.
"So- sorry po." Nasabi ko na lang.
"Sorry? How many times do I have to hear that? Ilang beses ka nang nag-sorry may nangyari ba?" Sigaw ulit nito. Inis na ibinalik ni Mama ang card sa'kin. Bagaman nasasaktan sa reaksyon ni Mama, inintindi ko nalang.
"Oh, Mama ano na naman yan? Rinig ko ang sigaw mo sa labas." Mahinhin na sabi ni Jessica kay Mama. Umaliwalas ang mukha ni Mama at nag-beso kay Jessy.
"Ito kasing kapatid mo, bagsak na naman. Tinuruan mo ba yan? Parang wala man lang yatang natutunan." Sumbong ni Mama sa kapatid kong si Jessy.
"Mama, hindi naman kasi agad-agad natin nakukuha lahat nang lessons so don't worry. Jenny will grow and will be a star." Kumbinsi ni Jessy sa Mama ko habang nakatingin sa'kin na nag-aalala.
"Star? Baka falling star! Tss." My mom said then hurriedly went off. Jessy looked at me with empathy. Siya lang palagi ang nagtatanggol sa'kin. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Pagpasensyahan mo nalang si Mama Jen. I'm sorry for what happened." Lumingon ako agad kay Jessica.
"Hindi mo naman kasalanan. Kasalanan kong napaka-bobo ko yata. Kahit anong gawin ko, wala namang nangyayari." Saad ko at naramdaman kong niyakap ako nang kapatid ko.
Ilang beses na ganun ang scenario sa tuwing magpapapirma ako nang card. Inis at galit si Mama kapag bumagsak ako. Naiinis rin ako sa sarili ko. Wala na yata akong tama sa paningin ni Mama. Naiintindihan ko naman pero minsan talaga naisip ko, pano kaya kung ako si Jessica ano? Pano kong ako ang matalino? Gusto rin kaya ako ni Mama?
Kasalukuyan kaming nasa party at nainis pa si Mama sa ayos ko dahil ako na nga ang hindi matalino pati ba naman daw sa pag-aayos nang sarili , wala rin akong kwenta?
Paano ba para magkahalaga ka? Naitanong ko nalang sa sarili. Tinanaw ko sina Mama at Jessy. Pinapakilala ni Mama si Jessy sa mga amega niya at nakikita kong enjoy na enjoy sila.
Napabuntong-hininga na naman ako. Naglakad nalang ako sa may dessert area at tumikim-tikim sa mga pagkain doon.
"Are you okay Jen?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Jessy sa gilid ko.
"Oo naman. Okay lang. Ikaw?" Tanong ko naman sa kanya.
"Well, as much as I hate greeting people wala naman akong magawa kilala mo naman si Mama." Saad ni Jessy sa'kin.
"Sus. Okay lang yan. At least ikaw inaalala ka ni Mama." Sabi ko naman. Biglang natahimik si Jessy.
"Jennifer? I know what you're feeling. If there's only I can do. I would do it for you." I notice the sincerity of her eyes and voice. Nginitian ko si Jessica.
"Jess. I'm fine. Pasasaan ba't mamahalin din ako ni Mama."
"Mahal ka ni Mama Jen." Sabi ni Jessica.
"Oo naman. Ge ah." Lumayo agad ako kay Jessica bago paman niya makitang napapaiyak na ako. Pero bigla kong narinig ang tunog nang pagkabasag nang isang glass wine. Pinunasan ko ang luha ko at lumingon, nanlaki ang mata ko sa nakita na dumudugo ang kamay ni Jessica tapos sa paanan nito ay nakakalat na bubog.
Napatakbo ako sa kinaroroonan niya. Nandoon na rin si Mama.
"God, Jessica? What happened?" Tanong ni Mama sa pagkahindik na tinig. Agad-agad kumuha si Mama nang tissue at pinunasan ang dumudugong kamay ni Jessica. I can't help but feel jealous. Funny but can I replace her just this time? Kahit masaktan ako basta ba ganyan din na mukha ang mag-aalala para sa'kin.
"I'm just being stupid Ma. I'm so sorry." Sagot ni Jessica kay Mama.
"Ikaw Jennifer? Ano ba kasing ginawa mo? Nakita kong-" hindi natuloy ni Mama ang sasabihin niya dahil sumabat si Jessica. Nagulat rin ako nang bumaling si Mama sakin na galit na galit.
"No Ma. It was my fault. Hindi ko namalayan ang glass kaya natabig ko ito. I stupidly -" paliwanag ni Jessica.
"Stop it Jessica. Nakita kong nag-usap kayong dalawa at tinalikuran ka nang maganda mong kapatid nang aabutin mo na sana siya, ayan natabig mo." Mahabang sabi ni Mama.
"Ba't mo ba tinalikuran ang kapatid mo?! Kahit kailan talaga!" Galit na sabi ni Mama nang lingunin ako tapos hinila ang kapatid ko. Napayuko nalang ako nang makitang nakatingin na halos lahat nang guests sa party. I excused myself and got out from the hall.
Napahikbi ako nang maalala ang nangyari. Kailangan ba lagi ako ang may kasalanan? Can't she blame anyone else? Pati ba ang pagtalikod ko kasalanan rin? Ni katiting ba nang pag-alala meron siya para sa'kin?
Was that memory need I to repent? Tumulo na lang ang luha ko sa sitwatsyong kinasadlakan. Was being a neglected child not enough for me to suffer para pati ganito mangyari din sa'kin? Mas nakakatakot rin yatang umuwing ganito tapos wala palang naghahanap sa'kin.
BINABASA MO ANG
Trapped
HorrorTrapped in a glass tube of water? Kidnapped. Tortured. Jennifer Dowland never thought she would experience hell just to save her sister from danger. Upon trying to escape, she discover the truth that she never thought would happened. Will she be abl...