Chapter 5

5K 80 0
                                    

May naramdaman akong tao papalapit sa'kin. Sinubukan kong idilat ang mata ko pero wala akong nakita. Alam kong nakabukas ang mata ko pero wala parin akong nakikita. Madilim. Ginalaw ko ang katawan ko kahit masakit pero ganun na lang ang takot ko nang malamang nakatali na naman pala ako.

Nakaupo sa isang upuan habang nakatali ang kamay sa may likuran. Anong nangyayari? Papaluin na naman ba niya ako? Sa isiping mauulit na naman ang nangyari ay napahikbi ako. Nanginginig sa takot.

I still feel someone is here with me watching my every move. Watching me? Wala namang nangyayari. Ilang araw na ba ako dito? Bakit parang sobrang tagal na akong nandito. Wala man lang kain. Kahit ligo wala rin. Kung ransom ang gusto niya bakit ako nandito parin. Bakit ako hindi nila inililigtas? Kinalimutan naba nila ako? Mas lalo lang sumakit ang dibdib ko. Physically and emotionally.

Hanggang kailan ako dito? Hanggang may hininga paba ako? Pakakawalan ba nila ako? Ang kapatid ko?

"A- alam kong nandiyan ka. Na- nasan ang kapatid ko? Na- nasan? Pakawalan mo siya. Wag mo sana siyang idamay dito." Sabi ko na umiiyak kahit natatakot.

" Pano kong sabihin ko sayong patay na siya?" Nanlaki ang mata ko sa narinig kahit wala akong nakikita dinig na dinig ko ang boses niya.

"H- hindi yan totoo. Buhay pa ang kapatid ko. Buhay pa siya. Nagsisinungaling ka lang." Sigaw ko, namay kasamang pangungumbinsi. Please just say it. She's alive. My sister is alive.

Narinig ko ang tawa niya. Tawang naaaliw. Nabibingi ako sa tawa niya. Sumakit ang ulo ko. Natatakot sa nangyayari. Natatakot sa kanya.

Narinig ko ang papalapit niyang mga hakbang. Ang tunog nang sapatos nito na papalakas. Napapikit ako at halos hindi huminga nang maramdaman kong nasa harapan na siya.

I winced as I felt him touch my face. I can feel the pain when his finger ran across some of the cuts and bruises.

"Like her, you'll be gone." Nanayo ang balahibo ko matapos niyang ibulong sakin ang katagang iyon.

Death. Can it be my escape? Was it good to just die?

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon