Chapter 7

4.5K 76 0
                                    


Nanginginig akong nagpalinga-linga sa kabuuan nang kwarto. Pinipilit ko paring tumayo kahit nananakit ang katawan. Kung hindi nila ako kayang iligtas, ako ang gagawa. Kakayanin ko. Mamatay man ako at least may ginawa ako para tulungan ang aking sarili.

Mabuti nalang pagkagising ko ay nakakalas na lahat nang tali. Dahan-dahan kong tinungo ang pinto. Laking pasasalamat ko nang malamang hindi naka-lock ang pinto.

Pagkalabas ko sa pintuan may bigla akong narinig na boses.

"Ano ba ang balak mo sa kanya? Ba't di nalang natin diretsahang patayin ang babaeng iyon?" Nanlalaki ang matang umatras ako at dali-daling naglakad para tumakas pero bigla kong natabig ang isang upuan na umingay kagad. Dumagondong ang kaba sa'king dibdib. Tumakbo ako papalayo doon. Nakita ko ang isang pinto at dali-daling lumabas doon.

Nasa labas na ako at handang tumakbo nang may narinig akong boses na kilalang-kilala ko.

"Saan ka pupunta?" May halong gulat at pagtataka ang boses nito. Pero mas nagulat ako sa sunod na sinabi nito.

"I came here to do the plan, bakit aalis ka? Iiwan mo nang ganun lang ang bihag na yun?" Bumilis ang hininga ko at nasasaktang umiling-iling. Siguro akala niya ako yung lalaking kasabwat niya dahil sa parteng walang ilaw ako nakatayo. Jessica? Magkasabwat sila?

Napalingun kaming dalawa sa loob nang building nang sumigaw yung lalaki. Nalalaki ang mata na umatras-atras ako.

"Jeeeennyyyyy!" Ang sigaw na narinig ko. Agad akong tumakbo at mga mura nila ang narinig ko.

"F*ck! Nandiyan ka?" / "Shit! It's not you?"

Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo nang marinig ko ang mga sigaw nila. My heart was hammering in my chest. My body aches but I endure all of it as I ran in the forest. Magbabayad sila sa ginawa nila sa'kin! Napapikit ako nang madapa ako at diretso nabagok ang noo ko sa isang kahoy dahilan para mapahiga ako.

No! I can't stop. I will survive. I will let them pay.

Bumangon ako at pinilit tumakbo pero nagmistula lang akong lasing dahil nawawalan na ako nang malay.

Napahiyaw ako nang may biglang humablot sa'kin sinipa ko ito at narinig kong napaigik siya. Tumayo ulit ako at nagmamadaling umalis pero dahil nga halos wala na akong maaninag sa dinadaanan ko, nadapa na naman ako.

"Why do you always run Jenny? Death is the best escape." Saad nito at saka ako sinikmuraan.

The last thing I remember before the dark kick in, is her figure with smirk in her face.

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon