"Andyan na si Sasa Tsismosa!!" sigaw ng kapitbahay kong bakla na malandutay at maharot na si Petra ng dumaan ako sa tapat ng maliit nyang bahay. Napa irap nalang ako at umiling tyaka pinag patuloy ang pag lalakad papunta sa TBHQ.Ang TBHQ ay ang Tsismakers Buddy's Head Quarters, Payatatas chapter. Marami kaming mga Tsismakers all around the philippines area only.
Okay tama na daldal, wala namang masagap na tsismis so shatap nalang. Nang nasa tapat na ako ng TBHQ ay natigilan ang mga ka Buddy's ko at nilingon ako dahil nag kumpulan silang lahat ng pabilog habang naka upo sa mga kanya kanyang dala nilang mono blocks.
Nang makumpirma nilang ako ito, nginitian nila akong lahat at kinawayan at inayang umupo sa mono block na nasa pinaka unahan. Umupo agad ako dahil kailangan kong makisagap sakanila dahil naubusan na ako na mai-tsitsismis-este maibabalita sa mga kapitbahay kong hindi kabilang samin sa TBO o Tsismakers Buddy's Organization pero mga tsismoso't tsimosa din.
"Buntis si Madam Auring" sabi ng isa.
"Talaga?Aba'y kelan pa?" takang tanong ko.
"Twenty years ago." sagot nya tyaka tumawa. Nang mapansin nyang sya lang ang tumatawa dahil tahimik lang ako at taimting nakatitig sakanya, napatahimik sya.
Naawa naman ako kaya bumulaslas ako ng tawa na sinundan naman nilang lahat at nakitawa na rin. Muling tumawa ang nag sabing buntis si madam auring kaya napatigil ako.
"Corny mo letse." pambabasag ko at tinignan sya ng masama.
Pinag patuloy na nila ang tsismisan nila at ako eto nakikisawsaw din dahil kailangan ko talaga makasagap ng magandang itsismis sa amiga ko.
"Nakulong daw si Eba."
"Bakit daw?"
"Aba malay ko,kaya nga gagawan naten ng kwento."Ganyang ang mga gawain nila dahil bored. Well kasale di ako pero minsan lang. Okay, inaamen ko tsismosa ako. Ako pa ang number one dito sa baranggay payatatas namen.
Napatigil ako sa pakikipag tsismisan sa kausap ko ngayon dahil sa narinig kong sabi ng isa pa naming kasama.
"Uy alam nyo ba, nakita ko si Jingo kanina may kasamang babai. Naka akbay pa nga sya dun sa naka pik pik shurts na babaing iyun eh" sabi nito. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.
"Hoy Aling Osang, alam ko naman na gawain nating magtsismisan dito at manira ng mga walang kwenta, walang hiya nating mga kapitbahay pero wag nyo naman idamay si Jingo ko sa mga pangtsitsismis ninyo." saad ko na bakas ang pagkairita sa boses.
"Ah eh Sasa surreh naman, hindi man kase aku naninira dito, hindi din iyun tsismis. It's the tooth that cows." nasampal ko nalang ang noo ko dahil sa mali maling pag eenglish ni Aling Osang. Dapat Its the tree that plants yun eh.
"Kahet na Aling Osang, alam ko po na hindi ako lolokohen ni Jingo ko. Mahal nya po ako." paninigurado ko.
"Ay kung ganun surreh nalang. Basta ang sakin lang. Sasa niluluku ka ng iyong buyprin. May babai syang naka pikpik shurts. Kung ayaw mu maniwala ukay lang. Ikaw bahala."
Hindi ko nalang pinansin si Aling Osang at nag paalam na sa mga ka buddy's ko na uuwi na ako. Nawalan na ko ng gana makitsismis dahil sa sinabi ni Aling Osang.
Hindi naman talaga magagawa saken yun ni Jingo, sigurado ako.
Hindi nga ba? Ay ewan kainis talaga yang si Aling Osang errr. Dahil sa sinabi nya nadududa tuloy ako kay Jingo. Hindi dapat ganun kase kapag mahal mo dapat may tiwala ka.Ah basta! Sigurado akong mahal nya ako kahet tsismosa pa ako at hindi nya ako ipagpapalit. Sana.....
BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-