Sasa's POV
Kinabukasan nagising nalang ako ng may marinig akong kumakatok sa pinto ng bahay ko. Anong oras na ba? Binuksan ko yung cellphone ko at nanlaki ang mata ko ng makitang alas dyis na ng umaga.
Seryoso? Ang haba naman ng tulog ko. Patuloy pa rin yung pagkatok at sunod sunod talaga. Aysh sino ba to? Late morning na late morning nambubulabog.
Tumayo na ako ng maramdaman ko ang hapdi sa puson ko. Shet sakit huhu. Bagot akong lumabas ng kwarto at naghihikab na binuksan ang pintuan. Hindi ko na napansin na sobrang gulo pa pala ng buhok ko.
Oh well keri lang. Ganda ko pa rin naman.
"Hi Sasa! Late morning!" gulat kong tinignan ang taong nambulabog sakin ngayong umaga. Si Peter!
Pilit akong ngumiti sakanya. "Ay hehe Hello Peter. Late morning din." bati ko at pilit pa rin na ngumiti. Nakakaloka naman kase to. Ang aga aga andito na sa bahay.
"A-anong pinunta mo dito Peter?" tanong ko. Ngayon ko lang napansin nakalagay sa likod yung dalawa nyang kamay na parang may tinatago.
Nagulat ako ng bigla nyang nilabas ang mga kamay nya at may dala nanaman syang supot na may lamang containers na puno ng pagkain. Napanganga ako.
"Para sayo. Almusal mo sana yan,mainit pa yan kanina nung bagong luto ko palang kaso mukhang tulog ka pa nung pumunta ako kanina kaya hinintay nalang kita magising." nakangiti nyang tugon. Hala ka. Ano bang meron at ganito itong lalaki na to sakin?
Napakunot ang noo ko. "Ka-kanina ka pa di-dito?" tumango sya. "Mga anong oras?"
"Hmmm siguro mga alasyete palang andito na ako kumakatok hehe." nahihiya nyang sagot at namula. Wait nagblush sya? Hala bakit ang cute.
"B-bakit naman ganun kaaga palang nandito ka na? Ano ba yang ginagawa mo Peter? Bakit ba sobrang bait mo sakin? Ano bang kailangan mo?" ngumiti lang sya at pinahawak na sakin yung supot.
"Wala naman. Gusto lang kitang makitang masaya." nakangiti nanaman nyang sabi.
"Sigurado k-ka? Uhm tara pasok k-ka kainin naten to ng sabay nakakahiya naman kanina mo pa pala ako hinihintay." umiling iling sya.
"Hindi na Sasa. Wala yun ano ka ba. Para sayo lang talaga yan. Sige na kumain ka na at magpahinga. Bye Sasa." nakangiti nyang paalam at umalis na.
"Sandali Peter!" pigil ko sakanya at hinawakan sya sa braso,nagulat ako ng bigla nya akong nilingon. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"Ano yun Sasa?" bulong nya habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata.
"A-ano" napaiwas ako ng tingin at nag-pout. "Salamat." Binawi nya nang dahan dahan ang braso nya. Hinawakan nya ang kamay ko at dahang dahan nya iyong binaba.
Hinawakan nya nalang yung ulo ko at ginulo yung magulo ko ng buhok. "Walang anuman Sasa." sabi nya at umalis na.
-Dug Dug-
Napahawak nanaman ako sa dibdib ko. Ayan nanaman yung pagpintig ng maharot kong puso. Lintek.
Nakangiti kong sinara ang pinto. Napailing iling nalang ako. Bakit ba ganun yun? Parang umaakyat ng ligaw.
Haha Sasa umasa ka. Nagiging mabait lang yun sayo,baka kaibigan na rin ang turing nya sayo. Yup tama kaibigan lang ang turing nun sakin kaya nya ako nilutuan nanaman ng pagkain.
Tinignan ko yung laman ng supot at bigla nalang kumalam ang sikmura ko. Lahat ng paborito ko andito na. Adobo,sinigang,paksiw at adobong sitaw ang laman ng mga container na iyon.
BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-