Sasa's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayong araw. Si Andy malandi este maganda pala yung tinutukoy ni Peter na babaeng hinihintay nya,at kaya pala seryoso itong si Petra ay yun nga nalaman nya na may girlfriend na si Peter.
Hindi ko malaman kung bakit apektadong apektado sya dahil ba may crush pa rin sya kay Peter o dahil mas maganda sakanya yung gf ni Peter? Hay nako talaga tong bakla na to.
Pagkatapos magpakilala nitong ni Andy samin ay tinanong nya kung san daw ba kami pupunta at kung pwede daw ba na sumama sila. Babawi lang daw sa naging sagutan namin kanina.
Nagtaka nga ako bakit biglang naging "mabait" kuno itong si Andy nung nalaman nya na ako si Sasa. Biglang sinapian ng bait si gaga psh.
Todo kapit naman si Andy sa braso ni Peter habang naglalakad na kame papunta sa isa daw sa mga paborito nilang kainan para kumain. Halatang hindi naman komportable si Peter sa pagkapit sa braso sakanya nung malandi este ni Andy maganda.
Nagpahuli talaga kaming tatlo sa paglalakad at pinauna na sila kase hindi daw kaya ni Enday na makipag plastikan kay Andy. Kung alam nya lang,ganun rin naman ako. Si Petra naman ayun lalong sumimangot habang tinitignan sila Andy at Peter.
Halatang nandidiri yung tingin nya sa dalawa. Kinalabit ko sya at sinenyasan na kumalma. Umirap lang sya.
"Nakakainis naman eh! Bakit ba kase pumayag ka pa na sumama saten yung magjowa na yun." iritang sabi ni Enday. Nagpapadyak na sya sa sobrang inis.
"Bigla naman syang bumait ah. Diba?" alanganing sagot ko. Inirapan nya ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinignan ko ulet si Petra na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Ano ba problema nito?
"Uy Petra!" tawag ko. "Bat ba mukhang apektadong apektado ka sakanila? Dahil ba crush mo pa rin si Peter or dahil mas maganda sayo si Andy?" biro ko. Napasimangot nalang sya.
Pagkarating namen ay agad naman kaming nakahanap ng pwesto at napagksunduan na iba iba kame ng order since ayaw talaga pumayag ni Enday na pagisahin nalang sana.
So kami tuloy ni Andy ang naiwan sa table namen para magbantay at maghintay ng grasya habang sila Peter,Enday at Petra naman ang oorder ng pagkaen namen.
Sinabe ko na kay Enday yung order ko at sabay sabay na silang pumunta sa counter para maka-order na. Naging awkward yung atmosphere nung kaming dalawa nalang ni Andy yung natira. Bale magkaharap kame since dito kame sa parang sofa yung malambot na upuan nakapwesto.
Busy sya sa pagreretouch habang ako naglalaro lang sa cellphone ko since hindi naman ako makarelate sa pagpapaganda nya.
"So." basag nya sa katahimikan. Tiningala ko sya at nakitang tapos na sya magpaganda. Pulang pula nanaman yung labi ni ate mo. Mabubura din naman ulet yun nagretouch pa psh. Sayang effort.
"Ikaw pala si Sasa yung kwinento saken ni Peter na isa sa mga friends nya na malapit sakanya." ngiti nya at ipinagdiinan talaga yung word na 'friend' tsk.
"Ahh oo." tipid kong sagot at pilit na ngumiti. Tama si Enday na
mahirap nga makipag-plastikan sa ganitong klase ng babae."Share stories naman about your friendship with my boyfriend." nakangising sabi nya.
"Kwento? W-wala naman masyado."
"Oh come on don't be shy. I just want to know lang naman kung what kind of kaibigan ba ang boyfie ko."
"A-ayun mabait naman sya. Madaldal tapos masarap kasama." nakangiting sagot ko habang inaalala yung mga araw na kasama ko si Peter.
"Like yeah i know right,sobrang bait nya talaga tapos gentleman pa sya noh? Ang sweet sweet nya din sobra like you know sinundo nya pa ko kanina sa airport para lang hindi ako malungkot wala kase yung -blah-blah-" nakatunganga lang ako sakanya habang hindi iniintindi yung mga pinagsasasabe nya. Kunwari lang akong nakikinig at patango-tango na kunwari may naiintindihan sa sinasabe nya.
Nagulat ako ng tumigil sya sa pagdaldal at bigla nalang tumawa ng malakas. Napakunot yung noo ko. Wtf ano nangyare dito?
"Hahahahaha." tawa nya at hinahampas nya pa talaga yung mesa na para bang tawang tawa. Nakahawak na rin sya sa tyan nya kakatawa. Lalo akong nagtaka.
"A-anong nakakatawa?" takang tanong ko. Tumigil sya sa pagtawa at pinunasan yung mata nya. Naiyak ata kakatawa.
"The look on your face while im telling nonsense stories about Peter." sabi nya at tumawa nanaman.
"Huh?" napatigil na sya sa pagtawa at tumingin ng deretso sakin.
"I was just kidding about me being Peter's girlfriend. I'm one of his cousin silly!" pagpapaliwanag nya. Lutang pa rin ata utak ko hindi madigest yung sinabe nya.
"Like seriously,him? My boyfriend? Yuck!" maarteng sabi nya at umakto na para bang nasusuka. Napailing iling ako. May sira ata sa utak itong babae na to.
Binalik ko nalang yung tingin ko kela Enday at nakitang nasa hulihan pa rin sila. Ano ba yan bakit ang tagal? Ayoko na kasama itong si Andy mukhang nasiraan na ata ng bait huhuhu.
"Hey Sasa. Sorry nagulat ata kita pero it's true hindi ko boyfriend yun ano! Pinsan ko lang yun. I'm already engaged." at tinaas nya yung kamay nya at tinuro yung magandang singsing na nasa daliri nya.
"Ah-hm ganun ba? Hehe. P-pero bakit nyo nagsinungaling k-kayo?"
"Gusto ko lang naman malaman yung magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na may girlfriend na yung tukmol na pinsan ko na yun." sabi nya na para bang wala lang. Tumango tango nalang ako.
"Sorry nga pala kung tinarayan kita at yung kaibigan mo na warfreak kanina ha? Ganun lang talaga ako minsan pero i'm not that bad of a person naman." ngiti nya. Napangiti ako ng pilit. Naloka na ata ako lalo.
"Pwede ko po ba malaman kung bakit nyo naman gusto malaman kung ano magiging reaksyon ko kapag nalaman ko na may gf na yung pinsan nyo?" tanong ko.
"Kase gusto kong malaman kung-"
"Hey guys were back. Kain na tayo." pagputol ni Peter sa sasabihin sana ni Andy at nilapag na yung pagkain nila. Ganun din sila Enday at Petra at nagsimula nalang kaming kumaen ng tahimik.
"Anong pinagusapan nyong dalawa Sasa?" sa wakas at nagsalita na rin ng matino si Petra.
"W-wala naman."
"Ayun sinabe ko na sakanya yung totoo." sabat ni Andy.
"Anong totoo?" taas kilay na balik tanong ni Enday.
"Na hindi ko naman talaga boyfriend itong si Peter. Pinsan ko sya." nalaglag yung panga ni Enday.
"Hmm buti naman." bulong ni Petra.
"Anong sabi mo Petra?" tanong ko.
"Buti naman kako at sinabi na ni Andy yung totoo like nakakaloka! Akala ko talaga taken na itong si fafa Peter." nakangusong sabi ni Petra. Yes naman bumalik na sya sa dati.
Natawa nalang kami nila Enday,Andy at pati na rin si Peter. Pagkatapos naming kumain at nagyaya sila na lumibot muna kami unti ng magkakasama bago kame sabay sabay na uuwe.
Malapit lang din daw kase yung condo ni Andy sa lugar namen kaya samin na sya sasabay. Taray diba condo,mayaman si ate nyo.
Kwento samin ni Andy umuwi sya dito at kakasundo lang sakanya ni Peter nung magkabungguan kami. May aasikasuhen daw kase sya dito para sa nalalapit nilang kasal nung asawa nya.
Half pinay and half german daw sya kaya ganun nalang sya magsalita kasi laking Germany sya. So ibig sabihin may lahing kano itong si Peter? Mayaman din? Eh bakit dun sya nakatira sa maliit na lugar namen. Sa payatatas? Hmmm.
Makasagap nga ng tsismis tungkol dyan. Curious ang magandang si ako.
BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-