Sasa's POV
Matagal tagal na din ang relasyon namen ni Jingo ko kaya nakaka siguro ako na hindi nya ako ipag papalet.Dalawang taon na rin kame at lahat naman binigay ko sakaya kaya walang dahilan para iwan nya ko.Minahal ko sya,inalagaan pero hindi ko ibinigay ang bataan ko kase narinig kong sabi ng mga kapitbahay kong nag papakabanal ay masaket daw at dapat mo itong ibigay sa iiisang tao lamang.Sa tao na pakakasalan mo at mamahalin mo habang buhay.Pero dahil excited ang isa pa sa mga kapit bahay ko na si Uleng ay binigay nya ito sa boyfriend nya na adik.
Ayun iniwan sya nitong sawi at luhaan kase yun lang pala ang habol nito sakanya pati na rin ang pera nya.Kung pano ko nalaman ang mga bagay na yan?Sus,alam mo na yun heheheksxz.
Sigurado man ako na si Jingo ko na ang taong papakasalan ko pag dating ng araw,mas gusto ko pa rin ito ibigay at isuko sakanya sa unang gabi namin.Para mas enjoy with matching kendel lights and everytheng.Hihi ang landi mo Sasa peste ka.
Nagdaan ang ilang araw,yung issue na kesyo may jowa daw na iba ang Jingo ko ang pinag tsitsismisan pa rin ng mga shutang inames na tsismosa dito sa baranggay namen.Kating kati na nga ako na sapakin sila ng isa isa sa mga fallopian tube nila.Nakaka imbyerna kase.
Talaga palang nakaka bwisit ang mga tsismosang tulad ko ano?Karma na kaya ito sa mga pangtsitsismis ko?Edi wow nalang.
Boring ang life ko eh,happy nga lang ang lovelife bwahahaha.Sadyang wala lang ako magawa sa buhay kaya nakikipag tsismisan ako sa mga kumare ko na tsismosa din,halos mangaboy imburnal ang mga bunganga dahil araw gabi tuloy tuloy tsismisan namen.Well atleast ako may break time pa para mag pa beauty.Anyways highway ayun may date kame ng pinaka mamahal kong Jingo ngayon.
Sabi nya kase sa text may importante daw kameng pag uusapan.Baka mag propose na sya saken omygash!Wow naman Sasa, propose?!Rich kid lang ang peg?Hayup!Teka para na akong baliw dito kinakausap sarili ko.
Kaya todo ayos ako ngayon dahil sa paborito naming kainan sya makikipag kita ngayon.Sa lugawan ni Aleng Berta sa kanto lang ng Murasapak.Duon lagi ang tambayan namin dahil duon din kame unang nagkakilala.Ang sweet naman talaga ni bebe Jingo ko.Enebe!Kenekeleg eke ehehehe.
Naka suot lang naman ako ng bago kong bili na dress sa Ukay Ukay ni mudra na kulay light pink,doll shoes na pink at inayos ko din ang buhok ko na may flower crown na mumurahen.Mukha na kong dyosa.
Ang tagal din kasi naming hindi nag kita ni Jingo ko kaya miss na miss ko na sya,siguro sya rin kaya sya makikipag kita sakin.Bakit kamo ako nakaganito?Baka nga kase mag propose na sya saken,kaya dapat ready ako.Ayoko mag mukhang tsismosa na dugyot kapag lumuhod na sya sa harapan ko at yayain akong mag pakasal sakanya.Iniisip ko palang parang mamamatay na ako sa kilig.
Nag text na sya saken at hinihanap na nya ako kaya kinuha ko na yung maliit kong bag at umalis na sa maliit kong bahay.Nilakad ko nalang dahil malapit lang naman yung lugawan ni Aling Berta dahil sa may kanto lang naman yun.
Malawak ang aking ngiti habang nag lalakad at binabati ang mga nakaka salubong ang aking mga katsismisan.Sa mukha lang sila pamilyar dahil hindi ko sila maalala sa pangalan dahil sa sobrang dami nila.Oh well.
Ayan na,malapit na ko.Kinakabahan ako na naeexcite at natutuwang kinikilig na ewan.Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.Nagpatuloy ako sa paglalakad at inalala ang mga lumipas na buwan na wala sya sa aking tabi kase pag tapos ng limang buwan na hindi nya pag paparamdam saken,ngayon makikita ko syang--
Hawak ang kamay ng iba?Hawak ang kamay ng isang babae na dahil sa umbok nito sa tyan nya ay parang buntis o sadyang mataba lang?Hawak ang kamay ng babaeng iyon habang nakangiting kausap ito?
Naramdaman kong napawi na ang malawak na ngiti sa labi ko at napalitan ng mga luhang hindi ko mapigilan dahil parang may kusa ito na lumabas sa mga mata ko.Ang sakit sakit pala umasa.Ang sakit pala mag assume.Ang sakit mag intay.Basta peste ang sakit.Isang Mosasa Punyatera sasaktan nya?Hayup sya.Hayup kang malanding epakto ka Jingo Kolangso!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/71905716-288-k192837.jpg)
BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-