Chapter 7

9 1 12
                                    

-Warning: Be open minded po ulet. Last na to pramis 😂 kailangan lang talaga hehe happy reading! 😘-

Sasa's POV

Basang basa kami ng ulan at puro putik nung umuwi kami nila Enday at Petra pagkatapos namen maglaro ng ilang oras. Nagmukha tuloy kaming mga palaboy sa itsura namen.

Umuwi na kami dahil pinapaalis na kami ng nagbabantay duon sa playground.

Gabi na daw kase at delikado na sa daan baka ma-rape pa daw si Petra. Joke lang yun ni kuya na nagbabantay duon pero tuwang tuwa si baklang Petra. Gora lang daw basta pogi. Hays. Taad mangarap ni bakla.

Hindi na namin napansin ang oras dahil sobra kaming nag-enjoy sa mga kalokohan namin. Nagbatuhan kase kami ng putik sa playground. Nagtulakan kaya ayun.

Puro talaga kami putik pero nagawa pa rin naming sumakay ng jeep.

Tawa lang kami nang tawa habang tinitignan yung driver at yung ilang pasahero na ang sama ng tingin samin.

Pero buti nalang hindi kami pinababa ni kuyang driver. Naawa siguro samin at inakalang mga palaboy talaga kame pero may pambayad lol.

Naghiwa-hiwalay na kame ng daan pagkababa ng jeep at umuwi na sa kanya kanya naming mga bahay. Pagod akong dumiretso sa kusina para sana kumain muna ng unti dahil nagugutom na talaga ako.

Nagulat nalang ako ng bigla nalang sumakit ng bongga yung puson ko at parang may sumirit. Pakshet bes bakit ngayon pa? Ghad natagusan ba ako?!

Tarantang tumakbo ako sa banyo. Tinignan ko agad sa salamin kung natagusan ba ako. Hays buti nalang hindi. Pero lintek may napkin pa ba ko? Ghad.

Dali-dali akong naghanap ng napkin nagbakasakali ako na may mahahanap ako pero wala talaga akong mahanap. Paktay anong gagawin ko nito?! Wrong timing naman eh asar.

Tinakbo ko na yung cellphone ko at bumalik agad sa cr. Ramdam ko na kase na ang lakas niya bes kaloka ayoko na huhu. Mashaket.

Binuksan ko agad yung cellphone ko at nakitang 9:30 pm na! Harujusme san ako bibili ng napkin nito ng ganitong oras at wala pa akong pang-harang?!

Bakit ba kase hindi ako agad agad bumili eh kakaiyak! Shocks.

Ah alam ko na! Dali dali kong tinext ni Enday.

To Enday: Endayyyy! Red alert bhe red alert bili mo ko ng napkin. ASAP.

Pinindot ko na yung send at nakahinga ng malalim dahil mukhang nagsend naman sya.

Pero lintek maya maya halos madurog ang buong pagkatao ko sa narecieve kong text.

From Globe: Sorry but you dont have enough balance to send this message. Blahblah-

Nakakaiyaq!! Napayuko nalang ako at napahawak sa ulo ko. Anong gagawin ko?! Alanganamang lumabas ako ng bahay na walang panangga dito at hayaang kumalat ito.

Us2 qOuh nhUah maMatay. Ajujuju. Why so unfair life? Nakakainis naman kase eh! Ang tanga mo Sasa ang tanga tanga-

-Toot- tunog ng cellphone ko. Napatigil ako sa pagdadrama ng marinig ko yun ibig sabihin may nagtext. Himala isang himala!

From Petra Ganda: Sis! Nakakaloka ka kanina ha wala ka man lang kaalam alam na naging Bloody Mary ka kanina. Hindi lang halata chi kase inaagos ng tubig. Pero nahuli ko pa rin kaya pasalamat ka talaga at tutulungan kita kase sisters tayo. Anyways dont worry sis! Parating na yung iniintay mo. Pasalamat ka sakin at lablab kita. Hihi.

Napakunot yug noo ko. Huh? Anong ibig sabihin nya? Napatigil ako ng may biglang kumatok sa pinto.

"Sasa,andyan ka na ba? Si Peter to aakyat ng ligaw este may pinabinigay sayo si Petra." narinig kong sabi ni Peter. Nanlaki yung mata ko.

Walangya kang bakla ka Petra eto ba yung sinasabe mo?! Nakakahiya. Teka anong gagawin ko jusko.

Nagbanlaw ako saglit,binalik ko yung damit ko at tumakbo papunta sa pinto. Unti unti akong sumilip sa pinto habang kalahati ng katawan ko ay nakatago sa likod ng pinto.

Nakita ko si Peter na may malawak nanamang ngiti sa kanyang labi at may hawak na paper bag na medyo malaki.

"Hi P-Peter a-anong kailangan mo?" nauutal kong tanong.

"Wala naman,pinabibigay lang yan sayo ni Petra." at inabot nya yung paper bag.

"A-anong laman nito?" kinakabahan kong tanong sakanya. Jusko baka kasi yung ano nakakahiya!

"Ewan ko basta sabi ni Petra ibigay ko daw yan sayo agad kaya hindi ko na pinakielaman hehe."

"Ganun ba? Sige salamat ng marami Peter." ngiti ko sakanya. Akmang isasara ko na yung pinto ng pinigilan nya ako.

"Sandali." may kinuha sya sa bulsa nya at inabot din iyon. Gamot?

"Inumin mo yan para hindi ka magkasakit. Sa susunod wag ka ng maliligo sa ulan ng ganung oras ah?" nagaalalang sabi nya. Ngumiti nanaman sya ng malapad. Pansin ko lang hilig nya ngumiti.

"Sige na Sasa uwi na ko. Good Night! Bye Sasa see you." kumindat sya at umalis na. Dali dali ko namang sinara yung pinto at tumakbo na papunta sa cr.

Nilapag ko muna sa lamess yung mga gamot bago dumiretso sa cr. Hinalungkat ko na agad yung paper bag at nakahinga ng maluwag ng makitang sandamakmak na napkin yung laman nun.

Pero shet naalala ko si Petra pala nakakita sakin kanina sa lagay ko na yun kanina. Nakakahiya!!

-Toot- may nagtext nanaman. Naiwan ko pala cellphone ko dito buti nalang hindi nahulog at nabasa.

From Petra: You're welcome sis! Alam ko namang ubos na yung stocks mo dyan ng mga yan. Dalawang linggo ka ba namang hindi lumabas ng bahay eh tyaka sobrang gastos mo sa mga yan osya ang ganda ko sis hihi.

Hay salamat talaga Petra maraming salamat. Utang ko na sayo ang buhay ko. Charot hindi noh.

Naligo na agad ako pagkatapos ko mabasa yung text ni Petra at nagbihis. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko yung mga gamot sa lamesa.

Nilapitan ko yun at tinignan. Gamot sa lagnat,ubo at sipon. Aba kumpleto. Pero teka si bakla din kaya bumili nito? Hmmm.

Siguro kase hindi naman ata magaabalang bumili pa sa botika itong si Peter eh. Wag ka mag-expect Sasa masasaktan ka lang.

Pero ang pinagtataka ko lang,paano nagawang ipadala yun ni Petra kay Peter eh hindi naman sila close? Hindi ko nga sila nakikitang naguusap.

Well siguro close sila kahit papano tutal magkapitbahay naman sila kaya posible din. Malapit lang naman din sila dito sa bahay kaya madali lang silang makakapunta dito.

Hay nako ayoko na nga magisip ng kung ano ano naiistress lang ang beauty ko.

Bumalik na ako sa paghahanda ng aking dinner,taray dinner at nag-movie marathon habang lumalamon. Lamon talga literal gutom eh.

Pagkatapos ko kumain at maghugas ng mga hugasin ay naramdaman kona yung pagod at biglang sumama yung pakiramdam ko.

Singhot overload bes. Sinipon na ako. Ay buti nalang may dalang gamot si Peter. Ininom ko na yung gamot at hindi naiwasan na mapangiti.

Ang bait nya talaga. Ay ano ba yan Sasa sabing baka hindi sya yung bumili ng gamot na yun eh tama na kakaisip.

Nilock ko na yung pinto dito sa sala at pinatay yung ilaw. Pumunta na ko sa maliit kong kwarto at humiga na sa kama.

Hindi pa rin ako matigil sa pagiisip ng bigla ko nalang maalala si Peter.

Ang swerte ng babaeng hinihintay mo Peter. Sobrang swerte nya kapag pinagbigyan ka nyang mahalin nyo ang isa't isa.

Ano ba yang iniisip mo Sasa? Parang tanga. Hay makatulog na nga si magandang ako. Zzzzzzz.

------------

Kaechusan lang mema update 😂 peace yow po. Trying hard maging author kaya ganyan hirap pa sa pagsusulat haha. Sinisipag akong mag-update dahil sayo bes AndrGorg push mo yan 😂 bladeyou lul😘💕 -Harmonie C.

Dahil Sa GayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon