Enday's POV
Naging usap usapan dito sa payatatas ang hiwalayan nila Sasa at Jingo. Tatlong araw ko na rin hindi nakikita si Sasa na lumabas mula sa bahay nya.
Nag-aalala ako sa kaibigan ako. Naaawa ako sakanya dahil alam ko na sobra syang nasaktan sa nangyare. Alam ko kung gaano nya kamahal si Jingo. Isa ako sa mga saksi sa pagmamahalan nila na akala ko ay pang habang buhay na.
Hindi ko inaasahan na magagawa ni Jingo yun sa kaibigan ko. Matino naman syang lalake pero ngayon anung ginawa nya? Sinaktan nya lang ang kaibigan ko.
Ayon kase sa isang kaibigan din namen na tsismosa ay may nahanap na ibang babae si Jingo at nabuntis nya ito. Inalagaan nya daw ito hanggang sa natutunan na nyang mahalin ito at ngayon ay kasal na sila.
Ang saya saya ng buhay nila habang yung kaibigan ko ay andun sa loob ng bahay nila nagmumukmok at sigurado akong hanggang ngayon ay umiiyak pa rin sya.
Kaya't nakapag pasya ako na bisitahin sya dun sa bahay nya at kamustahin. Gusto ko malaman kung ano na ba ang lagay nya. Sana lang ay naka-move on na sya sa walang kwentang Jingo na yun.
Hindi deserving ang lalaki na iyon sa mga luha ng kaibigan ko."Enday y-yung sandwich mo wag mo naman kawawain." sabi saken ng kaibigan namin na si Petra.
Napatingin ako sa sandwich ko at nakita ang kawawang itsura nito. Piping pipi na sya. Kawawa naman hayst. Nakakainis kase yung Jingo na yun pinapakulo dugo ko.
"Anong problema mo baks? Pati yung sandwich na walang kamalay malay nadadamay." inis na tanong ni Petra na malandutay.
Napairap na lang ako sa sinabi nya.
"Eh pano yung hayup na Jingo na yun pinapakulo dugo ko! Tignan mo na Petra? Pangatlong araw ng hindi lumalabas ng bahay si Sasa. Baka kung ano ng nangyare dun.""Kumalma ka sis. Ang aga aga beast mode ka dyan. Nakakapangit yan hay naku. Hayaan mo yun si Sasa sinabihan ko na sya na walang forever at wag mag jowa hindi naman nakinig ayan! Maharut kase." angil nya. Binatukan ko sya.
"Aba nagsalita ang hindi malandutay? Tumigil ka nga dyan Petra samahan mo nalang ako kay Sasa para matuwa naman ako sayong bakla ka." tumayo na ako at umalis sa maliit na kainan dito sa murasapak. Naramdaman ko naman na sumunod sakin si Petra kaya dumiretso na kame sa bahay ni Sasa.
Habang naglalakad kame ay nakasalubong namen si Peter. Lalagpasan na sana namin sya ng bigla nalamang hinila ang braso ko.
"Enday alam mo ba kung nasan yung hinayupak na ex ni Sasa?" seryoso nyang tanong sakin. Binawi ko ang braso ko sakanya.
"Wag ako ang tanungin mo Peter dahil hindi ko din alam. Wag mo ng pakielaman ang problema ng kaibigan ko kaya pwede ba mauna na kame." at hinila ko na si Petra na titig na titig kay Peter. Sinampal ko sya ng mahina kaya gulat syang napalingon sakin.
"Ay peste ka sis para saan yun?" nakanguso nyang tanong. Inirapan ko sya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Ikaw talagang bakla ka napaka landi mo talaga. Alam mo namang may gusto yun kay Sasa kaya magtigil ka dahil wala ka ng pag asa dun." pangaasar ko. Sinamaan ako ng tingin ni bakla.
"Eh what naman ngayern? Crush ko lang naman si Fafa Peter noh! At alam ko naman na matagal na nyang gusto si Sasa kaya pinapaubaya ko na sya sa broken hearted nating kaibigan."
"Pero matanong kita sis,curious lang. Bakit ayaw mo sabihin kay Peter kung nasan si Jingo? At bakit parang pinapakita mo kay Peter na hindi ka boto sakanya kahit na boto ka naman talaga kay Peter para kay Sasa?" pagpapatuloy nya.
"Ang daldal mo bakla. Una malamang hindi ko naman alam at wala akong balak alamin kung nasan yung lintek na Jingo na yun at pangalawa syempre ayokong pakampante yung lalaki na yun. Gusto kong makita na seryoso sya kay Sasa lalo na ngayon? Galing sa heart break ay malamang hindi madali para kay Sasa na magkaron ulet ng boyfriend." paliwanag ko sakanya. Napatango tango nalang sya at nanahimik na. Salamat naman. Kapag kasama ko talaga to nauubos yung laway ko napaka daldal kase kaasar.

BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-