-Warning:Medyo SPG yung isang convo nila dito,kailangan lang naman open minded ka so kung hindi ka open minded ay aba good luck nalang sayo HAHAHA charot lang po happy reading! XD-
Sasa's POV
Maya maya pa ay nakarating na kame sa parke,wala namang masyadong tao kaya mabilis lang kame na nakahanap ng pwesto. Umupo na kame sa walang nakaupo na bench at duon ko kwinento ang mga naganap samin ni Peter.
Pinaghahampas ko sila kase kung ano ano ang pinag iisip nila. Mga baliw talaga. Tahimik lang silang nakikinig habang nagkwe-kwento ako.
Paminsan minsan ay parang tanga si Petra na bigla bigla nalang tumitili at dahil nainis si Enday kase masakit sa tenga yung tili ni Petra ay sinigawan nya ito na nagpatahimik naman dito
Minsan naman naaawa ako dito kay Petra kase madalas syang inaaway ni Enday dahil sa mga kalokohan nya pero hindi ko din maiwasan na matawa nalang sakanila tuwing nagaaway sila. Para kasi silang aso't pusa na hindi matigil sa pagaaway. Pero kahit na madalas ay ganun sila,alam ko na tunay na kaibigan ang turingan nila sa isa't isa ganun na din ako sakanila at ganun din naman sila sakin.
"So ayun lang naman,masaya naman pala sya kasama at kausap." sabi ko ng matapos na akong magkwento. Tinignan lang nila ako at maya maya pa ay nagsimula na sila sa pang-aasar.
"Yun lang ba talaga yun Sasa? Kaibigan lang ba talaga ang turing mo sakanya or may gusto ka na sakanya?" nakangising tanong ni Enday. Gulat lang akong napatingin sakanya.
"Ano ba naman yan Enday. Bakit ba ganyan kayo magisip? Hindi ako pwedeng magkagusto sakanya." naiirita kong sagot.
"Aba'y bakit naman? Wala naman atang masama kung magustuhan mo rin sya."
"Kase ano kase.." shet ano nga bang masama? Ay nako isip Sasa isip!
"Kase?" pangaasar ni Enday ng nakataas ang kilay na para bang nagaantay sya ng sagot ko. Ay teka.
"Sandali lang,magustuhan ko rin sya? Anong ibig mong sabihin?" pag-iiba ko ng usapan. Yes naman Sasa ganda mo talaga.
"Aysus naman sis parang hindi mo naman alam na may gusto yun sayo." sabat ni Petra.
"Kaya nga." pagsangayon ni Enday. "Hindi mo ba talaga alam or manhid at pabebe ka lang?"
"Hay nako ewan ko sainyong dalawa. Hindi nga ako pwedeng magkaroon ng feelings sakanya kase may iba yung babae na hinihintay at ayoko ng masaktan ulet." sabi ko at umaasa na titigil na sila sa mga pinagsasasabe nila na imposibleng mangyare.
"Hay nako Sasa ewan ko sayo."
"Deny pa more sis good luck nalang sayo."
"Choosy pa,kala mo naman ang ganda nya." nakasimangot na sabi ni Enday.
"Oo nga eh mas maganda pa nga ako sainyo." pagmamalaki ni Petra. Hay nako magsisimula nanaman sila sa bangayan nila na walang katapusan.
"Hoy ang kapal mo bakla ha! Tigilan mo nga yang pag iilusyon mo dyan sasapakin na kita eh." banta ni Enday na halatang nainis sa sinabi ni Petra.
"Bakit? Totoo naman ah!" angil ni Petra. Napatigil sya ng umamba na si Enday ng sapak. "Eto na nga po ganda. Titigil na nga." inirapan nya nalang si Enday.
"Buti naman tsk." napailing nalang ako.
"Hay nako kayo talagang dalawa. Hindi na ako magtataka kung dumating yung araw na maging lalaki ulet itong si Petra at kayong dalawa ang magkatuluyan." asar ko sakanila. It's pay back time mga bibeeeeh!
Nandidiri lang silang napatingin sakin at sa isat isa.
"Ew! WTF?" nandidiring sabi ni Enday.
"As if naman noh! Mas malaki pa nga boobs ko dyan hmp!"

BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-