Chapter 9

30 1 20
                                    

Sasa's POV

Hindi ko nalang pinansin yung sinabe ni Enday na tungkol sa ligaw ligaw kuno ni Peter.

Ayokong umasa sa wala. Ayoko na masaktan ulet. Sa ngayon mas gusto ko pa ang buhay single!

Yung tipong hindi ka na iiyak iyak kapag LQ kayo ng jowa mo,hindi ka na rin magiisip pa ng kung ano ano kase alam mo na madaming babae ang may gusto sakanya.

Wala ka ng ibang inaalala kundi ang sarili mo nalang. Wala na rin limitasyon sa oras,sa mga bagay bagay at malaya ka ng magkaron ng crush sa iba't ibang lalake. Yan ang buhay single!

Kwentuhan lang kami ni Enday habang tinutulungan ko sya na linisin ang bahay nila. Bitter na daw ako masyado dahil lang sa nangyare.

Dapat daw hindi ganun magisip. Positive lang daw dapat palagi. Like duh? Sya pa nagsabi nun eh napaka-nega din nitong babae na ito.

Pero tama naman na talaga sya eh. Hindi ko lang talaga maiwasan na matakot na masaktan ulet. Masyado na kong nasaktan at ayoko na talaga maulit yun. Pero kung iisipin naman,hindi ka talaga nagmahal kung hindi ka nasaktan.

Dahil ang pagibig hindi lang puro saya at kilig moments. Mas dumadalas ang drama moments para masubukan ang tatag at tiwala nyo sa isa't isa. Kung talagang mahal nyo ng tunay ang taong minamahal mo.

Duon iyon masusubok at mahahasa. Matira matibay lang ang peg. Kung mahina ka at mabilis ka lang sumuko ay aba wag ka na mag-lovelife. Selfie selfie nalang ganurn.

Pero sa ngayon pass muna talaga ako. Kahit na gustong gusto ko na kiligin sa mga ginagawa ni Peter pinipigilan ko talaga. Ayokong dumating sa punto pati rin sya ay masaktan ako. Drama naman dis gurl.

"Hoy Sasa ano kaya mo pa? Parang nawala ka na sa sarili mo." asar ni Enday at tumawa habang inaayos yung magulo nilang kwarto ni Ineng. Ngayon ko lang napansin kanina pa pala ako tulala.

"Che. Ganda ko masyado para mabaliw ano!" irap ko. Masaya ako na kahit papano marunong humawak ng pera itong si Enday kaya maayos naman yung buhay nila.

"Ewan ko sayo. Sino ba yang iniisip mo?" nakangising tanong nya. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Ikaw. Paano kita patatahimikin bwisit ka. Nahawa ka na kay Petra na palaging nangaasar." iritang sagot ko. Napahalakhak sya.

"Hay nako bagay na talaga kayo. Kung lalaki lang yun si Petra na mukhang imposibleng mangyare pero kung lang naman ay nako perfect couple na siguro kayo." sarkastikong sabi ko. Tinignan nya lang ako ng masama at nagpatuloy na sya sa pagaayos.

-------------

Pagkatapos nyang maglinis ay nag-ayos sya at sinamahan nya ako pauwi para makapagbihis na rin at may pupuntahan daw kame.

"Enday san ba kasi tayo pupunta?" tanong ko.

"Nagyaya si Petra bakla na mag mall daw tayo. Magpapalamig lang daw sya ng ulo,mukhang may problema si bakla." tumango tango nalang ako at sinundo na namin si Petra sa bahay nya.

Matapos naming sunduin si bakla na mukhang seryoso at tahimik na pinagtaka naman namin ay dumiretso nalang kami sa mall. Hindi talaga sya umimik hanggang sa makarating kami sa isang mall malapit lang sa lugar namin.

"Uhm huy Petra." tawag ni Enday kay Petra na hanggang ngayon ay tahimik pa rin at nakasimangot.

"Anong problema mo bakla? Nakakatakot ka naman pala kapag seryoso lintek ngumiti ka nga!" pagpapatuloy ni Enday. Tinignan lang sya ng seryoso ni Petra.

"Wala akong problema. Wala lang talaga akong gana." seryosong sagot nya. Ang l-lalim ng boses mukhang may problema nga. Pero hindi naman sya ganito dati kapag may pinoproblema sya.

Dahil Sa GayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon