Chapter 3

23 1 6
                                        

Sasa's POV

Kinabukasan nagising nalang ako ng marinig ko na may tumatawag sa cellphone ko. Hindi ko na tuloy napansin kung sino yung tumawag basta sinagot ko na lang.

"He-hello?"

"Oh mosang kakagising mo lang ba?Anong oras na bakit tanghali ka nanaman nagising?" sagot nung tumawag.

Hindi ko talaga maisip kung sino to at tumawag tawag pa ang aga aga pa "Bakit ano naman ba sayo kung gigising ako ng tanghali na? Aga aga distorbo ka." sagot ko.

"Anong ang aga aga? Hoy Mosang! Para sabihin ko sayo tanghali na at kelan ka pa natutong sumagot sagot saken ng ganyan ha? Lintek kang bata ka!" sigaw nung tumawag. Nagising bigla ang diwa ko ng marealize ko na si Kuya pala ito. Paktay kang bata ka Sasa.

"Ah-eh Kuya Ernesto sorry na po. Broken hearted po kasi ang maganda mong kapatid. Pagpasensyahan mo nalang ako kuya wala lang talaga ako sa sarili ko ngayong umaga." pagpapaliwanag ko.

"Hay nako ewan ko sayo Mosang ang dami mong alam. Tinawagan lang naman kita para sabihin na nakapag padala na ako ng allowance mo tapos ganyan ibubungad mo sa aken? Puro ka kase kalandian dyan. Kung ako sayo humanap ka na ng trabaho hindi yung umaasa ka lang sakin. Hirap din ako dito uy!" patuloy lang si Kuya sa pag bubunganga saken hanggang sa napagod na ata sya. Kung makapag salita itong si kuya Ernesto kala mo sya nanay ko eh haha.

"Oh Mosang sige na maya nalang ulet kita tawagan. Sundin mo yung sinabi ko sayo ha?! Humanap ka ng trabaho dyan ngayong wala ka ng ibang inaatupag sa buhay. Ang laki laki mo na umaasa ka pa rin sakin oh sya bye na talaga kapatid ko labyu ingat ka dyan." at binaba na ni kuya yung tawag.

Napabuntong hininga nalang ako. Ngayon ko lang naisip mag isa nalang ako ulet dito sa bahay na ito. Simula sa araw na ito. Pakshet ang sakit kapag iniisip ko kung ano meron ngayon. Sasa kasal lang naman nila Jingo at Anne. Saya saya kuya will!

Naiyak nanaman ako. Jusko ang aga aga iyak nanaman ako ng iyak. Hay buhay. Bat ba kasi hindi nalang ako sumama kay kuya. Kung andun din sana ako sa America at wala dito sa pinas ay baka naka bingwit na ako ng kano dun na mag aahon sakin sa kaputikan. Letseng Jingo kase. Pagibig pa more Sasa.

Tumayo na lang ako at pumunta sa maliit na kusina at naghanda ng almusal. Teka almusal nga ba? Tinignan ko yung cellphone ko at nakitang ala una na pala ng tanghali or hapon? Basta yun na yun. Grabe naman pala ako pag broken hearted. Bumabawi sa tulog.

Pagkatapos ko mag sangag ng kanin na may itlog at hotdog ay kumain na ako. Ang lungkot na ng buhay ko dito. Kung mag-abroad nalang din kaya ako para kasama ko nalang si Kuya? Hayst. At least dun makakalimot ako.

Hindi naman kame mayaman,sadyang nakahanap lang ng maganda at maayos na trabaho dun ang kuya ko. Nakapag ipon na rin sya duon kaya hindi ko na masasabing mahirap pa kame.

Ako lang naman ang nagtyaga dito sa bahay namin na ito. Dahil kay Jingo. Legal naman kame kay kuya ko tapos ganun nalang? Tumigil ka na nga sa pag iyak Sasa. Nakakatawa,nababaliw na ata ako. Kinakausap ko na sarili ko.

Natapos nalang ako sa pagkain at nilagay sa lababo yung hugasin. Maya ko na hugasan tinatamad pa ako. Tinatamad na ako mabuhay. Wala na rin naman na yung buhay ko eh. Drama mo teh jusko!

Nawalan ako ng gana makitsismis ah? Bago yun. Eto na ata ang daan para magbagong buhay na ako. Hindi na ko tsismosa. Emotera na. Chareng masyado akong maganda.

Ano na ba gagawin ko sa buhay ko? Wala na akong problema kase buhay single na ako pero hindi ko na talaga alam anung gagawin ko.

Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Kung pumunta kaya ako kasal nila? Gaga ka Sasa papatayin mo lang lalo sarili mo.

Ang hirap pala mag-move on ano? Para kang mababaliw kakaisip kung paano simulan yung buhay mo ng hindi kasama yung taong minamahal mo.

Trying to forget someone you love is like trying to remember someone you never met. Oh ha napa-english na tuloy ako. Come to think of it 2 years din kame. 2 years bes.

Sya yung nakasama ko nung mga panahong nagsumikap ako makatapos ng pag aaral. Sya yung kasama ko nung nag debut ako kahit na onti lang yung handaan nuon. Sya rin yung nandun para sakin nung namatay ang mga magulang namen ni kuya dahil sa isang malagim na aksidente.

Sobrang lungkot ko nuon. Sobrang sakit. Lugmok na lugmok ako nung mga panahon na yun. Magkaibigan palang kami nung mga panahon na yun.

Kaya din siguro nahulog yung loob ko sakanya kase sya yung nandun para saken nung mga panahon na kailangan ko ng masasandalan.

Hindi ko lang talaga lubos maisip na magagawa nya saken yun. Kase sya yung tipo ng lalaki na matino. Napatunayan nya naman saken yun. Siguro talagang may pagkukulang din ako.

Hindi ko pa rin matanggap pero kailangan. Siguro naman makakaya ko ng mabuhay ulet mag isa. Ganito din naman ata ang simula ng pagmo-move on. Tiwala lang makakalimutan ko din sya.

Ginawa ko lahat ng pwede kong gawin sa bahay naglinis at naglaba,nag ayos ng mga gamit para naman kahit papano mawala sila sa isip ko. Walangya Sasa pano ka makakalimot kung iniisip mo pa rin sya?!

Pagod akong napaupo sa sofa. Hiningal ako dun ah. Nag-general cleaning na din ng bahay para maayos. Inabot na ko ng alas otso kakalinis ng bahay. Sipag ko naman tularan!

Siguro sa mga susunod na linggo dito na muna ako,magkukulong sa loob ng bahay para magbagong buhay.

Napatingala ako,pumikit at nagdasal. Lord,alam ko po na may rason kayo kung bakit po nangyare saakin ito. Pero kahit ganun nagpapasalamat pa rin ako kase magkakaroon na sya ng pamilya. Gabayan nyo po sila Lord. Nawa'y maging masaya ang pagsasama nila. Maraming salamat po ulet. Amen.

Napabuntong hininga ako. God knows how much i love you Jingo Kolangso but it's time for me to let you go. I wish you all the best with the woman you love. Napangiti ako ng mapait at tinignan ng huling beses ang litrato naming dalawa bago ito pinunit.

Ngayon sisimulan ko na talagang kalimutan ka. Hay nako wala talagang forever.

Dahil Sa GayumaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon