Third Person POV
Makalipas ang dalawang linggo ay hindi pa rin lumalabas si Sasa sa bahay nya. Kinakabahan man sila Enday at Petra ay wala silang nagawa dahil nakiusap na ito sakanila na hayaan nalamang sya.
Ang hindi nila alam na sa araw na iyon ay handa ng lumabas muli si Sasa at makipag tsismisan. Naghihintay lamang ito ng tamang pagkakataon para lumabas at surpresahin ang kanyang mga kaibigan.
Gusto nyang mapasaya ang mga ito sa oras na sabihin nya na medyo nakamove on na sya.
Maraming naganap sa loob ng dalawang linggo na iyon. Napangiti sya ng maalala nya ang dahilan kung bakit unti unti na syang nakakamove on.
--(Flashback) Sasa's POV--
Pag-alis nila Enday at Petra ay napaiyak nanaman ako pagtapos ko isarado ang pinto. Nagiisa nanaman ako dito. Gaano katagal ako magkukulong dito para lang makalimutan sya?
Pinunasan ko ang luha ko ng may marinig akong kumakatok. Bakit bumalik pa sila?
"Enday at Petra bakit-" natigilan ako ng pagbukas ko ng pinto ay ibang tao ang bubungad sakin. Si Peter Pakielamero. Mygad ano ginagawa nya dito? Dali dali kong pinunasan ang ilan pa sa mga luha ko at hinarap sya.
"Oh Peter anong kailangan mo?" takang tanong ko sakanya. Ngumiti sya at tinaas ang isang plastik na may laman ng mga container. Napahawak sya sa batok nya na para bang nahihiya sya.
"A-ano kase naisip ko l-lang na baka gusto mo ng kasama kumain? May dala akong pagkain,luto ko yan." at ngumiti sya ulet ng pagkatamis tamis. Pinigilan ko naman mapangiti ng malawak.
Hindi ko maiwasan kiligin eh. Ang gwapo nya pala pag nakangiti. Medyo close ko naman sya sadyang hindi lang kame masyado nakakapag usap kaya may tiwala ako sakanya.
Tumango ako at ngumiti. Pinapasok ko na sya. Pinaupo ko sya dun sa sofa at nilapit duon yung maliit na lamesa. Kinuha ko na yung dala nya at hinanda na para makakain na kame.
Pagkabalik ko andun sya at tahimik na naghihintay. Ngumiti sya ng makita nyang pabalik na ako. Umupo ako sa harap nya.
Napabuntong hininga ako "Peter salamat ha? Buti nalang dumating ka,sorry din pero hindi ko na tatanggihan itong dala mong pagkain gutom na rin kase ako." pagamin ko.
"Ano ka ba wala yun. Sa katunayan niluto ko talaga yan para sayo." nagthumbs up pa sya at kinindatan ako. Umiwas ako ng tingin at ngumiti. Kinikilig ako shet bawal to landi agad hays Sasa umayos ka.
Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan kame.
"Kamusta ka na Sasa? Nabalitaan ko yung nangyare sainyo ng hinayupak mong ex." natigilan ako. "Sorry nabanggit ko pa,gusto ko lang talaga malaman kung okay ka na ba."
"Okay naman na ako kahit papano wag mo na ako alalahanin. Ikaw kamusta? Wala ka pa rin bang nobya?" biro ko. Napahalakhak naman sya at tinignan ako ng deretso ng may ngiti sa kanyang labi.
"Wala pa. Pero malapit na. Inaantay ko nalang yung tamang tyempo para ligawan sya." nailang ako sa titig nya kaya umiwas nanaman ako ng tingin.
"Ganun ba? Swerte naman ng future girlfriend mo haha." ngumiti nalamang sya at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos naming kumaen ay nagligpit na ako at nagpaalam na sya dahil kailangan na nyang umuwi. Hindi lang yun ang araw na naging magkasama kame.
![](https://img.wattpad.com/cover/71905716-288-k192837.jpg)
BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-