Sasa's POV
Pinunasan ko yung luhang naka takas mula sa aking mga mata. Sinusubukan ko na pigilin yung pag dagsa at sunod sunod na pag labas ng mga luha ko pero hindi ko magawa. Ang sakit lang.Ang OA ko na ba? Hindi ko pa nga alam kung bakit hawak nya yung kamay ng babae na yun!
Tumayo ako ng tuwid at muling pinunasan yung mga pesteng luha ko sa aking mukha. Ngumiti ako ng pagka tamis tamis at pinag patuloy ang paglalakad. Hinanda ko na ang sarili ko sa maaaring mangyare ngayong gabi. Dahil maaring ngayon ko ilabas ang brilyante ko at ipalamon silang dalawa sa lupa para naman sumaya ako. Joke lang.
Unti unti ko silang nilapitan. Hindi pa rin nawawala yung plastik na ngiti sa aking labi at bumuntong hininga bago ko sya tinawag.
"Jingo ko" mahinang tawag ko sakanya.
Lumingon sa akin yung babae at unti unting humarap sakin si Jingo. Napansin ko na nawala yung ngiti nya sakanyang labi. Naging seryoso yung mukha nya pagkalingon nya sakin. Kinakabahan ako. Natatakot na baka totoo yung hinala ko. Please lord sana hindi....
"Sasa buti naman nakarating ka na." sabi nya. Hinawakan nya yung kamay nung babae. Ang sakit.
Pinilit ko ngumiti kahit na unti unting nadudurog yung puso ko. "A-ano ba yung mahalaga mong sasabihin Jingo ko? Magpo-propose ka na ba sakin?" biro ko.
Bumuntong hininga sya at umiling. Tuluyan ng nadurog ang puso ko. Bumaha na lamang bigla yung mga luha ko. Hindi ko na sila mapigil.
"Sasa,patawarin mo sana ako." malumanay nyang sabi at unti unti nyang inangat yung mag kahawak nilang kamay nung babae. "Patawarin mo sana ako kung nagawa ko ito sayo pero Sasa,mahal ko si Anne." tukoy nya dun sa babae nya.
"Alam mo namang yung dahilan kung bakit ako umalis pansamantala dito diba? Naghanap ako ng trabaho. At dun ko Nakilala si Anne." pagpapatuloy nya,hagulgol nalang ang nagawa ko habang nakikinig sakanya.
"Nung una nakonsensya talaga ako kase alam ko na hinihintay mo ko na bumalik pero may nangyare na sa amin.At hindi ko inaasahan na mag bubunga yun.Inalagaan ko sya at pag lipas ng limang buwan Sasa minahal ko na si Anne.Kaya sana mapatawad mo ako na hindi ko agad sinabe sayo ito.Hindi ako naging tapat sayo.Pero kinakaen ako ng kunsensya ko Sasa dahil sa nagawa ko kaya nandito kame ngayon at ipinagtatapat yung matagal mo ng dapat malaman."
"Ikakasal na kame bukas Sasa. Kaya kita pinapunta ngayon para humingi ng tawad at hingin yung kalayaan na mahalin at alagaan ko ang magiging pamilya ko." pag amin nya. Sobrang sakit. Mahal na mahal ko sya pero anong magagawa ko. Iyak nalang talaga ang nagawa ko.
"Hu-huwag kang mag alala. Malaya ka na. Malaya na kayong mag mahalan. Sino ba naman ako para pigilan ang pag mamahalan nyo diba?" natawa ako habang umiiyak. Ang sakit talaga shet. "Salamat Jingo at sinabe mo sakin yung totoo." ngumiti ako sakanila.
"Salamat din at pinalaya mo ako. Masakit sobra pero kailangan kong tanggapin. Alam ko naman at kitang kita ko na mahal na mahal nyo ang isa't isa." garalgal kong saad dahil walang humpay sa pag agos yung mga luha kong lintek.
"Magpaka saya kayo. Congratulations! Enjoy life." sabi ko at sa huling beses ay nginitian ko ang taong minahal ko ng sobra pa sa buhay ko.
Nilingon ko si Anne,ang magiging asawa nya. Nakita ko ang awa sa kanyang mga mata. Umiiyak din sya. Nginitian ko nalang sya.
"Ahh sige na uwi na ko anong oras na rin kase baka magahasa pa ako dito. Sige na bye na ingat kayo."
tinalikuran ko na sila dahil hindi na kaya ng puso ko at nagsimula na muling maglakad pauwi. Walang katapusan na paglalakad peste.Para akong pinapatay habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay ko. Ramdam na ramdam ko yung sakit at hanggang ngayon hindi mawala sa isipan ko yung masaya nilang mukha nung sinabi ko na malaya na silang mag mahalan.
Malapit na ako sa bahay ko ng may mabunggo akong matangkad na lalaki. Hindi ko sya napansin kase busy ako sa pag eemote. "Ay sorry." nahihiyang sabi ko sakanya.
"Okay lang yun-oh Sasa ikaw pala." natatarantang sagot nya. Tinignan ko sya at napag tanto na si Peter Ermito pala ito. Hayst bakit sa lahat ng tao eto pa na lalaki na ito ang makakakita sa lagay ko ngayon.
"Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong nya sakin at tinignan ang dinaanan ko. Naging seryoso yung mukha nya. "Sinong nagpaiyak sayo Sasa?"
Napaka pakielamero talaga ng lalake na to nakakainis. Umiling iling nalang ako. "Wala ito Peter wag mo akong alalahanin. Sorry nalang ulet." pagod kong sagot at umuwi na.
Pagkapasok ko palang sa bahay ko ay nagpatuloy na ulet ako sa pag luha. Dumiretso na ako sa kwarto at humiga sa kama. Senti mode na ang lola nyo.Umiyak lang ako ng umiyak mag damag hanggang sa unti unti akong nakatulog dahil sa pagod.

BINABASA MO ANG
Dahil Sa Gayuma
HumorTunghayan naten ang lovestory ni Sasa Tsismosa at Peter Pakielamero na nabuo Dahil Sa Gayuma. -Warning: Medyo korni ang ibang scenes dahil trying hard na joker si author HAHA kaya pagpasensyahan nyo na po sana hehe-