Nasanay na rin ako sa kanila ni Kiefer, normal na yung naririnig ko sila gabi gabi. Nung unang nakita ko silang maghalikan sa sala para kong sinasaksak sa puso pero ngayon parang nanonood na lang ako ng TV. Nung isang gabing uhaw na uhaw ako lumabas ako para kumuha ng tubig. Nagulat ako ng bigla kong makita yung dalawa na naghahalikan sa sala. Binagsak ko nga yung pinto para magulat.
What is your problem? Tanong sa akin ni Trixie.
Sorry bukas kasi yung bintana ng banyo ko, hinangin siguro yung pinto kaya bumagsak. Sabi ko sa kanya. Tinignan ko si Kiefer pero nakatungo lang.
Wala na akong nararamdaman. Hindi na rin ako naiiyak. Narealize ko na hindi ko dapat iniiyakan ang manggagamit na kagaya ni Kiefer. Simula ng dumating si Trixie dito hindi ko na kinausap si Kiefer, pag may time na kinakausap niya ako tinatanguan ko na lang siya.
Nagtiis na lang muna ako dito dahil gusto ko ng makabayad ng utang kay Kiefer. Hindi ko nga namalayan na halos mag2 months na kaming magkasama dito nila Trixie. Simula ng dumating siya hindi pa rin siya umuuwi sa bahay niya. Binabantayan siguro yung magaling niyang boyfriend. Hindi ako inaaway ni Trixie pag nandito si Kiefer dahil inaaway siya ni Kiefer, pero pag wala kala mo siya si Lady Tremaine, the evil stepmother at ako si Cinderella. Ayaw niya akong kasabay kumain pag kaming dalawa lang. Di ko rin pwedeng kainin yung food na niluto ko para sa kanila ni Kiefer. Wala naman problema sa akin yun. Kaya ko naman bumili ng sarili kong pagkain dahil sumsweldo naman ako.
Tama nga si Tita, plastic nga tong babaeng to, kay Kiefer lang talaga siya mabait. Kagaya na lang kahapon hindi ko sinasadyang namantsahan yun pink niyang damit ng kulay pula. Eh malay ko bang di pwedeng pagsamahin yun eh magkakulay naman. Nag-ala kontrabida na naman siya nagpasa nga yung braso ko sa panggigigil niya sa akin eh. Hindi ko na lan pinansin dahil may mali naman ako. Saka baka mahal yung damit niya.
Pag gising ko kanina masakit ang ulo ko at nagsusuka ako pero hindi pwedeng magpahinga kasi magwawala si bruhilda. Lumabas si bruhilda, magmamall daw muna siya kaya nagluto na lan ako ng noodle ko kasi di pa ako naglulunch at di pa rin ako nakakapamili ng pagkain ko. Kahit may pagkain dito magagalit si Trixie pag nalaman niyang kinain ko yun. Kumakain ako ng biglang may nagdoorbell. Si Tita Mozzy. Niyakap ko siya ng makita ko siya. Hindi ko rin napigilang maiyak, siguro dahil nung nakita ko siya parang namiss ko bigla si Inay.
Ly, why are you crying? Is anything wrong? tanong niya sa akin.
Wala po tita, namiss ko lang kayo. Ang tagal niyo kasi akong hindi dinalaw. sabi ko sa kanya ng konting may pagtatampo. Bigla naman akong tumakbo sa kusina dahil nasusuka na naman ako.
Ly, what's wrong? tanong ni tita habang naglalakad papuntang kusina kasunod ko
Wala to tita may nakain lang siguro ko. Sagot ko sa kanya.
Pasensya ka na Ly kung , naging busy lang. Saka ineexpect kita lagi sa bahay pag weekends na pumupunta si Kiefer pero si Trixie lagi yung kasama niya. Bakit hindi ka sumasama? tanong ni Tita sa akin.
Pasensya ka na Tita, busy rin ako dito pag weekends, kumusta na po kayo? tanong ko sa kanya.
Busy o ayaw kang pasamahin ni Trixie? tanong niya sa akin.
Hindi naman po busy lang. Tita kumain ka na ba? Kumakain kasi ako, sa dining na po tayo magkwentuhan. Okay lang po ba? yaya ko sa kanya.
Kumain na ako Ly, pero sige samahan kita habang kumakain ka. sagot niya sa akin.
Nagpunta na kami ng dining at pinagpatuloy ko na yung pagkain ko ng biglang magsalita si Tita.
Ly, parang pumapayat ka. Baka puro noodles kinakain mo? Ang daming pagkain dito. sabi sa akin ni Tita.
Hindi naman po, ito lang yung madaling lutuin po eh gutom na gutom na ako. sabi ko.
Eh bakit kailangan mo pang magluto eh andami ng lutong pagkain. Don't tell me ayaw ni Trixie na kainin mo to. Don't lie to me Ly. Sabi niya sa akin.
Tama lang naman po yun. Pagkain po ng amo ko yan. Sinuswelduhan naman po ako ni Kiefer kaya dapat bumili ako ng sarili kong pagkain at gamit. Hayaan mo na tita. Nakadalawang buwan na naman ako dito. Konting tiis at ipon na lang mababayaran ko na rin si Kiefer. Sabi ko sa kanya.
Ly, kung gusto mo ng umalis sabihin mo lang sa akin. Hindi mo kailangang magtiis makasama si Trixie dito para lang bayaran yung utang mo kay Kiefer. sabi niya sa akin.
Okay pa ako Tita. sabi ko sa kanya bigla naman niya akong hinawakan sa braso at napangiwi ako sa sakit.
What? tanong niya sabay taas sa manggas ng damit ko. Anong nangyari sayo Ly? Sinasaktan ka ba ni Trixie?
Hindi naman siguro niya po sinadya, baka napadiin lang yung kapit niya sa braso ko kanina. Ngayon ko nga lang din po napansin nung hinawakan niyo. pagsisinungaling ko.
Lagi ka bang sinasaktan ni Trixie? tanong niya sa akin.
Hindi po. sagot ko pero mukhang di siya naniwala. Tita, wala to wag po kayong magalala sa akin. Nagalit lang po siya kasi may mali akong nagawa. Huwag niyo na lang po ipaalam kay Kiefer para di na lang lumaki. Okay lang po talaga ako.
Basta Ly, if may problema ka or kung gusto mo ng umalis dito. Just call me ok? at pag sinaktan ka ni Trixie ulit. tawagan mo ako agad agad. sabi niya habang yakap yakap ako. I need to go magkikita pa kami ng Tito mo. Magiingat ka Ly.
Ingat din po kayo Tita. Paalam ko sa kanya.
Pagkatapos kong kumain, naglinis na ako ng bahay. Hapon na rin ng matapos ako, pero wala pa rin ang bruha. Naligo at nagpahinga muna ako saglit dahil kailangan ko ng magluto ng dinner nilang dalawa maya maya.
Nagising ako sa lakas ng katok sa kwarto ko. Napabalikwas ako ng tayo at binuksan ang pinto. Galit na galit na Trixie ang bumungad sa akin. Hinila niya ako sa buhok palabas ng kwarto at pinagsasampal ako. Hindi na talaga ako nakapagpigil kaya tinulak ko siya at napahiga siya. Sakto naman kakarating lang ni Kiefer at kabubukas lang ng pinto. Tumakbo siya sa girlfriend niyang masama ang ugali at masama ang tingin sa akin.
What happened? What did you do? tanong sa akin.
Tinitigan ko lang silang dalawa ng masama at sinabing. Bakit hindi mo itanong diyan sa girlfriend mong nuknukan ng sama ng ugali kagaya mo. Tumalikod na ako pagkasabi nun at pumasok sa kwarto ko.
Inayos ko na yung gamit ko, aalis na ako dito. Pinakiramdaman ko kung nasa sala pa silang dalawa nung feeling ko wala na lumabas na ako. Pero nakaupo pala si Kiefer sa couch. Hindi ko na lang siya pinansin. Palabas na ako ng pinto ng hawakan niya yung braso kong may pasa. Napangiwi na naman ako kaya inangat niya rin yung manggas ng damit ko kagaya ng ginawa ni tita kanina.
What happened? Where are you going? tanong niya sa akin.
Aalis na ako dahil pagod na pagod na ako. Alam mo anong nakakatawa? Nakita mo lang yung maldita mong girlfriend na nakalupasay dyan sa sahig inassume mo na kasalanan ko na kaagad kahit yan girlfriend mo ang may kasalanan. sabi ko sa kanya.
But she's the one laying on the floor not you. how can i believe that it wasn't your fault. tanong niya sa akin
Kahit anong paliwanag ko sayo kung yun yung gusto mong paniwalaan wala na akong magagawa. paalis na sana ako ng may maalala akong itanong. Minahal mo ba ako Kiefer? Kahit konti lan? Tinignan niya lan ako.
Iniwan ko na siya nung hindi niya nasagot ang tanong ko, dahil alam ko naman ginamit lang ako ni Kiefer, umasa lang ako na sa huling pagkakataon baka magiba yung akala ko. Ngalang mas lalong masakit pala na malaman sa pangalawang pagkakataon na hindi niya talaga ako minahal.
