"teka" inilapit nito and painting sa mukha nito at umiling ito. Wala itong nakitang kakaiba. "Wala akog nakikitang kakaiba sa painting na ito."
"Akin na nga." Inagaw ni Erich kay Jefferson ang painting at tinuklap paalis ang isang manipis na papel na nakadikit sa likurang bahagi ng painting. Hindi ito halata dahil nag blend ito ng maigi sa likod ng painting. "Paabot ako ng magnifying glass."
Kinuha nito ang magnifying glass na nasa ikatlong drawer at saka ibingay ito sakaniya.
Binasa ni Erich ang natagpuan niya sa likod ng painting. "May isang babaeng hindi rin nakakaalam ng pinagmulan niya ang makakabasag sa pagkabampira ng isa sa magkambal. Only true love will break the curse." Tinitigan niya si Jefferson. "Only true love will break the curse?"
"Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi to normal. Sumpa ang dumadaloy sa dugo natin. Ngayon naniniwala ka na sakin?"
Nanlambot si Erich at bigla siyang napaupo. Ipagpapatuloy na sana ni Jefferson ang pagbabasa nang tumunog ang telepono. Napasinghap silang dalawa. Lumapit ito para sagutin ang tawag "Morgenstein family,"
"Sir, nagkakaroon ng pag aaklas sa coven. Gusto ng iba nating mga kasama ng sariwang dugo galing mismo sa leeg ng tao at ayaw nila ng galing lang sa bag." Natatarantang paliwanag ng kausap nito sa kabilang linya.
"Pilitin mo silang uminom ng dugo ng baboy kung kinakailangan, may problema din ang pamilya ko!"
Nag aalala na siya para sa kaligtasan ng iba pa nilang kasapi at maging sa mga anak niya ngayong nagkakaroon na ng pag aaklas. Hindi na nakapagtitiis ang ibang mga bampira sa kaiinom ng mga dugong nasa bag lang. Hindi sila kuntento roon. Gusto nilang makasipsip ng sariwang dugo ng tao mula sa leeg nito. Bawal ang direktang pag inom ng dugo ng tao mula sa katawan nito ayon sa batas ng coven.
"Sir, marami nang namatay sa amin. Matagal na nila itong pinlano at hindi tayo nakapag handa doon. Nagkakaisa ang mga nag aklas. Hindi natin ito inaasahan."
"Magpapatawag ako ng alyansa at pupunta na rin kami agad diyan." Agad din naputol ang linya at sumunod na tumawag ito sa ibang covens. Sa isang iglap lang naitago na nilang mag asawa ang baul sa vault at tumakbo ng matulin para puntahan ang kanilang coven sa Batangas.
Sa loob lamang ng kinse minutos ay naroon na sila. Nananatiling sound proof ang loob at labas ng coven para na din sa protection nila. Hindi nila maririnig ang nangyayari sa loob hanggat hindi sila pumapasok. Nasa ilalim ng isang resort sa batangas ang coven nila. Sila rin ang humahawak at nagpapatakbo ng resort na ito. Isa lang ito sa maliliit na negosyo ng covenants. Kailangan ng coven na mapanatiling sikreto para na din sa kaligtasan ng lahat sakanila. Wala dapat makakaalam ng lihim nila kundi ang downworld creatures lamang o yung mga tinatawag na bampira, taong lobo, wizards, witches, warlocks, sirena at kung ano ano pa. Sa madaling salita, walang kahit isang mortal ang makakaalam. kahit ang mga trabahador na mortal ng ilan nilang mga negosyo na kailan lang din ay blood donor nila.
"Julio!" Tawag ni Erich sa isang bampira sa main gate. Tila inaabangan nito ang ipinadalang alyansa nila. "May supply pa ba ng dugo?"
Tumango si Julio at dumeretso na sa loob para makipaglaban muli.
Dumeretso din sila sa nag malamig na storage room para uminom ng dugo. Mabilis kasing mauhaw ang mga bampira tuwing napapagod ng husto at dahil kagagaling lang nila sa pagtakbo ay uhaw na uhaw nga ang mga ito.
Ang mga supply ng dugo ng coven na iniimbak nila sa mala refridgerator na storage room ay madali lang nilang nakukuha sa pamamagitan ng pag-manipula nila sa isip ng tao. Sila mismo ang lalapit sa mga taong may matinding pangangailangan sa pera pero may mabuting layunin. Hindi sila tumatanggap ng mga taong may masamang balak sa kung anuman ang ibibigay nila dito. Nalalaman nila na masama o mabuti ang balak ng isang tao sa pagbasa nila ng iniisip ng mga ito. Isa iyon sa mga kakayahan ng bampira. Pinipili nilang mabuti ang mga taong gusto nilang maging donor, mga taong may matatamis na amoy ng dugo at may pangangailangan sa pera para sa pamilya. Mga taong nangangailangan ng trabaho para sa mga anak, walang makain. Una ay papasukin muna nila ang isip nito para malaman na mabuti ito at kailangan ng trabaho. Oobserbahan nila ang taong napili nila sa pamamagitan ng lihim na pagsunod nila dito ng ilang oras at aalukan ito ng fliers at sesalestalkin na parang tunay na nag hahanap ng mga empleyado. Sinasamahan nila ito ng kaunting pang hihipnotismo. Kapag pumayag na ang tao ay iiwan nila ang contact number nila rito, kapag tumawag ito sakanila ay papapuntahin nila ito sa opisina nila at kapag hindi naman ay wala na silang magagawa kundi mag hanap ng iba pang donor dahil limitado lang ang kakayahan ng iba sa pang hihipnotismo, kadalasan ay hindi sila nagtatagumpay pero marami na din naman pumupunta talaga ng opisina nila. Pag pasok ng magiging donor nila ay hihipnotismuhin nila ito na gagana lamang ng ilang minuto. Dahil limitado lang ang kakayahan nila dito, mananatiling gising padin ang donor nila pero hindi na ito makakagalaw. Dito na sila kikilos na parang mga bampira--matutulin. Bago pa man mawala ang bisa ng pang hihipnotismo nila ay naisalin na nila ang dugo nito sa dalawang bag ng dugo. May kaunting oras pa para mapasok ang isip ng donor nila, dito, buburahin nila lahat ng nakita ng donor nila at papalitan iyon ng ala-alang kunwaring job interview. Sa oras ng pagbabalik nito sa isip ay ang job interview at ang pagtanggap nito sa trabaho ang maaalala nito. Nalalaman nila agad kung anong klaseng trabaho ang ibibigay nila dito nang bashain nila ang isip nito noong una palang. Ibinabalik din nila ang nawalang dugo sa donor nila sa pamamagitan ng pag iinject ng potion sa blood stream ng donor nila. Makakauwi ng may pera at trabaho ang taong iyon at mamumuhaw na ng normal. Paulit ulit nilang ginagawa iyon para hindi magkulang ang suplies nila. Higit sa sampong beses kada araw nilang ginagawa iyon at ganun din sa mga kasapi nilang covens.
Mula sa kusina ay naririnig na nila ang mga tunog ng nagsasalpukang mga kutsilyo at mga pag angil ng mga bampira. Pinasok na nila kung saan nagsasagupaan ang mga ito, hindi nila malaman kung sino ang mga nag aklas at kung sino ang mga kasapi parin nila. Dumating na din ang alyansa. Nakita ng mga nag aklas na dumating ang alyansa at saka sila umatras, ang kaninang papaunti nang mga kasapi ay nadagdagan ng triple ang bilang at ngayon ay mas marami nang kasapi kesa sa mga nag aklas. Papalabas na ang mga nag aklas pero bago pa sila nakalabas ng coven ay minanipula na nilang mag asawa ang mga pinto at isinara iyon gamit ang isip nila. Sumugod ang mga kasapi nila kasama ang ipinadalang alyansa at tinapos na ang labanan.
"kinse nalang ang natitirang miyembro ng coven natin, Masters" Lumapit sakanila si Silver na kaninang kausap ng asawa niya sa telepono. "Halos kalahati ng bilang natin ang nag aklas, at ang ilan sa atin ang namatay. hindi namin alam kung gaano na sila katagal na nag paplano."
BINABASA MO ANG
Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOING
FantasyNabuhay sa kasinungalingan si Jemmyrich at ang mga kapatid niya. Ang kinagisnan niya palang buhay, ay purong kathang isip lamang. hiniwalayan niya ang pinakamamahal niyang babae para hindi ito madamay sa gulo ng totoong mundo nilang kailanman hindi...