Chapter 2 Si Mr. Morgenstein

316 5 0
  • Dedicated kay Jessa Mae Borja Martin
                                    

Mabigat ang pakiramdam niya, masakit ang ulo niya at hindi niya maidilat ang mata niya at ayaw niya itong idilat. Sa katunayan ay gusto pa niyang matulog dahil nananakit pa ang kaniyang sikmura at napaka sama talaga ng pakiramdam niya at anumang oras ay maari siyang maduwal. Pero masarap sa likod ang hinihigaan niya. Pakiramdam niya ay nakahiga siya sa balahibo ng mga anghel.

Pinilit niyang alalahanin kung ano ang nangyari. Nag-alala siya kung ano ang sinapit niya at kung buhay pa ba siya. Kagagaling niya lang mula sa pagkakabali ng braso niya at heto nanaman siya at nasasangkot nanaman sa gulo kahit wala naman siyang ginagawa. Sadyang may pagkamalas lang yata talaga siya at para siyang magnet ng mga kapahamakan.

Dahan dahan niyang minulat ang mga mata niya. Nahirapan pa siya dahil nanatiling nakadikit ang mga talukap niya. Isang pangarap na silid ang namulatan niya na tila ba silid ito ng isang prinsipe.

Kakaibang kisame na gawa sa bricks ang nasa itaas ng paningin niya at halatang ubod ng yaman ang may ari niyon dahil sa kalidad ng mga materyales niyon. Nakakapag painit ang kulay ng silid. Mapusyaw na pula at kulay tsokolate. Makapal ang kurtina na sumasayad sa sahig at doble-doble kaya bahagya lamang naiilawan ang silid at nakakapag bigay init din mula sa malamig na hangin ng kagubatan. Nakabukas ang lampshade sa nightstand na nakapag bigay din ng init. Naalala na niya ang nangyari kanina. Napabangon siya at sumakit ang sikmura niya. Namilipit siya sa sakit. Inakala niyang kinidnap siya. Tumingin siya sa soot niya at nandun padin ito sa katawan niya. Nakadama siya ng kaginhawaan.

"Gising ka na na? Uminom ka muna ng tsaa. Mabuti ito sa iyo." Napasinghap siya ng biglang may kumatok sa pinto at may pumasok mula doon.

"Sino k--- Mr. Morgenstein?" Tatayo sana siya ngunit natigilan siya nang manakit ang tadyang niya at makita ang pamilyar na mukha.

"Oo ako nga." Nakangiti ito nang lumapit para ipatong ang tasa sa ibabaw ng night stand.

"A-ano ang ginagawa mo dito?" Nauutal niyang tanong.

"Nasa gitna ng gubat na ito ang bahay namin. Nakita kita mula sa bintana at ginamit ko ito." Napatingin siya sa hawak ni Mr. Morgenstein na binoculars na inilapag niya sa tabi ng tasa. "Buhat-buhat ka nila Aysel at mukhang balak ka nilang gawan ng masama. Kaya lumabas ako para iligtas ka."

"Ibig sabihin kilala mo sila?" Bahagyang tumaas ang tono niya. Kinakabahan siya. Pero tumatak sa isip niya ang sinabing iniligtas siya nito kaya kahit paano ay gumaan din ang pakiramdam niya.

"Oo. Kaklase ko sila dati. Ang grupo nila ang pinaka gago sa boong eskuwelahan. Last year, na kick-out sila dahil hindi na nakayanan ng school ang ugali nila. Lahat nalang kasi ng Makita nilang hindi nila trip, sasaktan nila. Maging ang principal hindi nila pinalampas."

"Napakasama pala talaga nila!" Nagtangis ang mga bagang niya. Namataan niyang may pasa ang mukha ni Mr. Morgenstein.
"Teka, May pasa ka." Hinawakan niya ang pisngi nito.

"Huwag mong intindihin yan. Ginamot ko na yan kanina." Ngumiti ito saka saglit na binuksan ang pinto. "Oh heto, tsaa. Uminom ka."

Habang iniinom niya ang tsaa ay nakatingin siya sa bintana. Madaming puno sa labas at mukhang liblib ang bahay. "Bakit nga pala nasa gitna ng gubat ang bahay niyo? Baka mamaya nagpapanggap ka lang palang mabait pero kasama mo rin pala sila."

Nagkibit balikat ito. "Police officer ang tatay ko, pag sila ang kinaibigan ko baka nasa kulungan na din ako kasama sila."

"Salamat kay Dad dahil kung wala siya baka hindi nakulong ang mga gagong yun." Pagpapatuloy nito.

Natuwa siya "Nakakulong na pala sila. Mabuti naman. Salamat sainyo ng dad mo at saka salamat nga pala sa mangga."

"Walang anuman. Trabaho niya ang panatilihing ligtas ang mga tao. Isipin mo nalang na bayad ko ito sayo sa pagkakadagan ko. Pasensya ka na dun huh? At you're welcome para sa mangga. Nagandahan kasi ako sa pangalan mo nang sawayin ka ng sir niyo."

Bahagya siyang namula. Hindi niya alam kubg bakit. Marami nang pumuri sa pangalan niya pero ni minsan hindi siya namula.

"Si sir, parang kakaiba." Bigla niyang sabi.

"Nakita mo rin ba yung lumutang na chalk at bumalik sa kamay niya?" Nakangising sabi ni Mr. Morgenstein at saka tumawa. "Ano ka ba may magnet talaga yung mga chalk doon para hindi magkalaglagan ang mga pulbos at hikain ang mga bata."

Nakahinga naman ng maluwag si Katherina. Akala niya ay may kung anong kakaiba na sa guro. Pero hindi parin siya mapakali. Parang may kakaiba talaga. Ibinigay niya ang wala nang lamang tasa kay Mr. Morgenstein. "Ang sarap ng tsaa.''

"Gusto mo pa ba?" Natutuwang tanong ni Mr. Morgenstein.

"Oo please.''

"Sige kukuhanan kita. Babalik din ako agad." Inilagay nito ang tasa sa isang maliit na tray at lumabas ng kuwarto. Ngumiti ito sakaniya bago isinara ang pinto.

Malaki ang silid pero kakaunti lang ang gamit. Halatang mamahalin kahit na ang pinaka maliit na bagay sa silid na iyon. Isang itim at dark brown na king-sized bed na may bedspread na plain red at comforter na napakalambot, isang itim na nightstand, kulay-pulang carpet na sakop ang boong sahig, isang lampshade na mabusising inukit. Bricks ang mga dingding ng kwarto at Pulido ang pagkagawa nito. Hinaplos haplos niya ang dingding. Magaspang ito at masarap sa palad. Binuksan niya ang makapal na bintana at namangha siya sa laki ng glass windows na may balkonahe. Na iislide ang bintana na abot hanggang sahig pala.

Habang nililibot niya ang kwarto ay nakakita siya ng isang makapal na libro na ang title ay "Uranium's eyes." Ito ay tungkol sa bampirang umibig sa isang sirena. Naalala niya na nabasa na niya pala iyon dati. Kinuha niya ito at tinitigan nang bumalik si Mr. Morgenstein.

"Hey," Bati nito sakaniya. "Binuksan mo ang pinto."

"Huh? Pinto pala iyon" gulat na tanong niya. Tumango naman si Mr. Morgenstein.

Nginitian niya ito. "Mr. Morgenstein, hindi ko pa alam ang pangalan mo."

"Oo nga pala, ako si Jemmyrich Morgenstein kinagagalak kitang makilala." Humagikgik ito. "Heto na nga pala ang tsaa mo miss Castle."

"Salamat, ako si Katherina Castle." Nakipag kamay sila sa isat isa at nagtatawanan na parang mga bata.

"Uhm... Bakit Morgenstein ang aplyido mo?" Tanong niya rito. "Napakagandang pangalan bagay sa isang prinsipe."

"Prinsipe? Ako?"

"Ano? Wala akong sinasabing prinsipe ka huh?"

Napailing naman habang tumatawa si Jemmyrich. "Half German at half Filipino pareho ang mga magulang ko. Kaya half German at half Filipino padin ako. Morgen means morning and Stein means stone or rock. Morning stone. Ikaw? Bakit Castle ang apilyido mo?"

"Taga England ang lolo ko. Malayo na sa dugo kong maging English. Hindi ko alam kung san nanggaling ang castle basta ang alam ko tirahan iyon ng mga reynang katulad ko." Saka biglang humalakhak si Katherina.

"Pwede prinsesa nalang para bagay tayo.?" Bulong ni Jemmyrich na halos hindi na marinig.

"Ano?"

"Wala, sabi ko nakakatuwa ka."

Naglilibot-libot sila sa garden at sa bahay. Nasa labas sila para ipasyal siya dahil kailangan niya ng sariwang hangin. Bumubuti na ang pakiramdam niya.

Malaki ang mansion na gawa sa bato, mukhang sinauna ito pero naalagaan ng maayos. Para tuloy siyang nasa medieval Europe o kaya ay sa mga classical novels. Hindi siya makapaniwala na may mga bahay na mala palasyo. Karamihan kasi ay nakikita lang niya sa telebisyon.

"Pasensya ka na kung hindi ka nakapasok sa school." Ana Jemmyrich nang maupo sila sa isang garden bench.

"Ano ka ba? Hindi mo namn kasalanan kung bakit ako nabugbog eh." Tumawa siya ng wagas.

"Ganun. Nakikita ko mukhang enjoy na enjoy ka."

"Oo naman. Enjoy na enjoy ako. Ito ang bahay na pangarap ko. Yung bahay kasi namin puno ng mga halamang gamot. Ewan ko ba dun kay mom."

"May alam akong maganda ding lugar. Magugustuhan mo din iyon." Hinila siya nito at tumakbo sila papunta sa likod ng mansion. "Paborito kong lugar ang lugar na iyon."

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon