Chapter 8 Ang nagtangka

230 7 0
  • Dedicated kay Jemmyrich Fajardo
                                    

Laking gulat ni Kath ng pag-gising niya ay isa nanamang drawing ang nakita niya. Pero sa pag kakataong ito. Ay medyo nagkaroon na ito ng mukha subalit hindi pa masyadong boo. Nagkaroon na ng hugis ang panga ng lalaki at ang mga anino nito sa mukha ay lumilitaw na. Bumaba ang tingin niya at napanganga habang nakatingin sa topless nitong katawan. Nahuhulmahan ng anim na magagandang umbok ang tiyan nito. Kinuha niya ang iba pang drawing at maayos niyang inipit sa folder.

"Nako huh! Nakakahalata na ako." Umupo siya ulit sa kama. "Ano ka ba Katherina? Naglalandi ka na? Sa lahat ba naman ng ido-drawing mo habang tulog ka eh isang napakagwapo at napakakisig na lalaki pa?" Tinampal tampal niya ang sarili niya at ginulo niya ang buhok niya. Maya maya lang ay Inayos na niya ulit ang buhok niya pero ginulo din ito maya maya. bumaba na siya ng hagdan habang pinapalo ng ruler ang mga kamay niya.

Natagpuan niyang nakaupo lang sa sofa ang lola niya at may itinatahi.

"Lola nasaan po si mama?" Tanong niya

"Huh? Ang mama mo? Nasa palengke bumibili nanaman ng mga halamang gamot at mga bertud."

Napabuntong hininga siya. "Halamang gamot nanaman? Lola, ayoko na maging albularyo si mama. Hindi naman ako naniniwala doon eh."

"Apo may mga bagay talaga sa mundo na walang explanasyon katulad nalang ng kung paano nabuo ang mundo. Tanging diyos lang ang nakaka alam apo, tanging diyos lang."

"Okay po, Lola ano pong tinatahi niyo?" Tanong ni Katherina. Tinabihan niya ang lola niya.

"Nagbuburda ako apo. Malapit ko na rin itong matapos. Ibibigay ko ito sa mama mo pagkatapos."

Tiningnan niya ang ibinuburda ng kaniyang lola. Dalawang pares ng mga kamay na may hawak na isang nagliliwanag na bola. Lumulutang lamang ang bola sa gitna ng mga kamay.

"Lola ang husay niyo naman pong mag cross stitch!" Puri niya sa kaniyang lola. Nakakamangha ang pulido nitong obra.

Tumawa ang kaniyang lola at saka hinayaan siyang hawakan ang ibinuburda nito. Nakaramdam siya ng tila pagtakas ng dugo sakaniyang mga ugat. Kakaibang pakiramdam ang kaniyang naramdaman na hindi niya maunawaan.

"Tulad nga ng sabi ko apo, may mga bagay sa mundo na walang explanasyon."

-
There's a shop down the street,
where they sell plastic rings,
for a quarter a piece, I swear it.

Nagsimulang tugtugin sa convenience store ang isang paboritong kanta ni Katherina. Binuksan niya ang refrigerator para kumuha ng gatorade at nang isasara na niya ang pinto ay may nakita siyang isang lalaking pamilyar. Ito iyong lalaki doon sa stockroom. Kumuha ito ng isang sachet ng rat killer.

Nagtago si Katherina sa likod ng isang istante. Binasa ng lalaki ang sachet ng rat killer at nagpalinga linga. Kumuha pa ito ng dalawa at akmang aalis na ng muli itong bumalik at kumuha pa ng mas madami. Agad na nagpunta ng counter at nagbayad.

Nagtataka si Katherina sa ikinilos ng lalaki. Nagtungo na rin siya sa counter.

Habang naglalakad siya ay narinig niyang tinawag siya ni Jemmyrich. "Maglalaro kami mamaya ng basketball gusto mong manood?"

Umoo naman si Katherina at sabay na silang naglakad.

Sampong minuto nalang at mag uumpisa na ang game.

"Ang guwapo talaga nung number 9!" Narinig niyang bulong ng mga babae sa likuran niya. Kilig na kilig ang mga ito. Si Jemmyrich ang tinutukoy ng mga ito. Pinaikot na lamang niya ang mga mata niya.

Nag umpisa na ang laro at maganda ang naging simula. Ilang beses naka tatlong puntos si Jemmyrich at lamang na ang team nila. Matatangkad din at magagaling ang mga ka team ni Jemmyrich. Panay naman ang hiyawan at tilian ng mga babae sa likuran ni Katherina.

Nang mag time out ay may napansing tila kakaiba si Katherina. Parang may mali hindi lang kay Jemmyrich pati na din sa mga ka team mates nito at maging sa kalaban nila. Halatang nahihirapan ang hitsura ng mga ito. Hawak na ng iba ang kanilang tiyan habang humihiyaw sa sakit. May nakakapit na sa poste na parang maduduwal at mabubuwal. Yung iba ay nakahiga na sa sahig.

Sumuka na si Laurence na ka team ni Jemmyrich. Sumunod ay napaluhod na si Jemmyrich at namimilipit na sa sakit. Nagkagulo na ang mga tao at nag sidatingan naman ang mga medic. Dali-daling bumaba si Kath para tingnan ang nangyari. Inalalayan niya si Jemmyrich habang papunta silang clinic kasabay ng iba pang mga players. Isinakay na sa stretcher ang mga nawalan ng malay.

Pag ungol lamang ang narinig niya mula kay Jemmyrich.

Nagsagawa ng ilang mga test ang duktor sa clinic. Nakitaan sila ng chemical sa bituka ay rat killer ang sanhi. Nakainom ng rat killer ang mga players.

Nag isip si Katherina at pinagtugma-tugma ang mga pangyayari. Sumakit lamang ang tiyan ng mga players nang mag time-out. Hindi kaya sa tubig nanggaling ang nakalason sa mga players? Paano nagkaroon ng rat killer sa tubig? Posible kayang may naglagay nito doon?

Tumakbo si Kath pabalik ng covered court. Kumuha siya ng sample ng tubig mula sa water dispenser at idinala ito sa clinic para ipatingin. Nang makuha niya ang resulta ay positibo ngang sa tubig nanggaling ang lason. Iisa lang ang nasisiguro niya. Sinadya ang pangyayaring ito.

sino namang ang maglalakas loob na gumawa nito?

Biglang naalala ni Katherina iyong lalaki sa convenience store na nakita niyang bumili ng napakaraming panlason sa daga. Posible kaya? Nais niyang alamin.

Dahil sikat sa campus ang dalawang estudyanteng iyon dahil sa ginawa nila sa stockroom. Alam ni Katherina na second year ito. Umakyat siya sa ikalawang palapag kung saan nandoon ang silid ng mga second year.

Sana ay hindi ka pa nasuspinde para ako ang magpapasuspinde saiyo. Sa isip isip niya.

Natagpuan niyang walang tao sa silid. At dahil physical education ngayong araw ay paniguradong nasa gym ang mga ito. Sumilip muna siya bago pumasok. Swerte namang naiwan ng lalaki ang kaniyang i.d kaya naman mabilis nalaman ni Kath kung nasaan ang bag niya.

Binuksan niya ang bag at dali daling kinalkal iyon at nakita nga niya ang ilang pakete ng lason na wala nang laman. Isinara na niya agad ang bag ng lalaki at dali daling nagpunta sa principal's office. Pero bago pa man siya makapasok ng principals office ay may humablot na ng braso niya.

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon