Chapter 10 Patungo

169 5 0
                                    

"Sabi ko na nga ba kakaiba ka." Bulalas ni Jemmyrich. Napakalawak ng ngiti nuya na animo hangang hanga. Nakaupo sila ni Katherina sa isang sanga ng puno ng bayabas.

"Hindi ka ba natatakot?" Tanong ni Katherina habang nginangata ang mga pinitas ni Jemmyrich na naglalakihang mga bayabas para sa kaniya.

"Bakit naman?"

"Na isa akong salamangkera? Hindi mo ba naiisip na baka nababaliw na ako?"

Sumeryoso ang mukha ni Jemmyrich. Tiningnan ang mukha ni Katherina. Hinawakan ni Jemmyrich ang gilid ng ulo ni Kayherina at dahan dahan inihilig sa dibdib niya. Naririnig nito ang tibok ng puso niya. Magkatabi silang nakaupo sa isang malambot ngunit matibay na sanga na marahang dumuduyan sa hangin. Hinawakan ni Jemmyrich ang kamay ni Katherina. "Hindi. Naniniwala ako sa iyo Katherina. Tulad mo nakakaramdam din ako ng mga kakaibang bagay pero hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng mga ganoong bagay. Kaibigan kita at kahit anong mangyari ikaw padin si Katherina. Ikaw padin yung Nakilala kong Katherinang nadaganan ko noong mahulog ako sa puno." Mariin niyang sabi. Puno ng sinseridad.

Bumuntong hininga si Katherina. Pakirdam niya ay maiiyak siya ano mang oras. Nagpasalamat siya at nagkaroon siya ng isang kaibigang tatanggap sakaniya sa pagiging kakaiba niya. "Malalaman mo rin iyon. Isipin mo nalang na regalo iyon sa iyo ng diyos. Pero Jemmyrich, gusto kong matuto ng salamangka. Gusto kong makilala ang angkan ko, gusto kong makapunta sa lugar namin, gusto ko na makausap na si uncle Neyo tungkol sa sinasabi niyang misyon."

"Sasama ako. Pabor ba ang mama mo?" Tiningnan ni Jemmyrich si Katherina mula sa gilid ng mga mata niya. Nakatitig din ito sa kaniya.

Tumango si Katherina. "Oo. Siya ang nagsabi sa akin na puntahan ko si uncle Neyo sa isang tagong aklatan sa Bataan. Sabi ni mama, mga non-mortal creatures lang ang pwedeng magpunta doon dahil tungkol lang sakanila ang mga aklat doon."

Nalungkot ang ekspresyon ni Jemmyrich. Kung ganoon ay bawal siya doon. Pero sasamahan niya padin si Katherina kung magpupunta siya doon kahit sa labas lang siya mag hihintay.

-
"Mama, kinakabahan po ako. Gusto ko po kayong kasama." Niyakap ni Katherina ang kaniyang ina bago sila umalis ni Jemmyrich. Ayaw sumama ng kaniyang ina dahil abala daw itong nag didistila ng mga halamang gamot. Noon ay ayaw ni Katherina na maging albularyo ang kaniyang ina dahil hindi siya naniniwala sa ibang nilalang, ngunit ngayong alam na niya ang katotohanan ay masaya si Katherina para sa kaniyang ina.

Naglakad na sina Katherina at Jemmyrich papunta sa sakayan ng tricycle ngunit hindi pa sila nakakalayo ay lumingon sila para makita ang kaniyang inang humahabol sakanila mula sa ibabaw ng mga kabahayan, sakay ang isang alpombrang mukhang yari sa mamahaling tela. Gulat silang napahinto at napatingin sa kaniyang ina. Ito ang unang beses niyang makakita ng totoong flying carpet. Ang akala niya ay sa Alladin lang siya makakakia ng ganoon.

Bumaba ang kaniyang ina sa alpombra at isang pitik lang ng daliri nito ay rumolyo na ang alpomba at sumuksok sa kamay ng kaniyang ina.

"Pasensya na anak, buti nakahabol pa ako sa inyo."

"Sasama kayo mama?" Tanong niya sa kaniyang ina habang lumilinga sa paligid. "Baka may nakakita sa inyo."

"Nabalutan ko ng salamangka ang sarili ko kanina anak. Walang nakakita sa akin. Hindi padin ako makakasama anak pero may ibibigay ako sa inyo." Kinuha ng kaniyang ina ang kamay ni Jemmyrich at ipinahawak dito ang alpombrang nakarolyo.

"Harim, siya muna ang amo mo pansamantala." Kinausap ni Gracia ang alpombra.

Kumunot ang mga noo ni Jemmyrich at Katherina nang magsalita ang alpombra. "Kay tagal ko nang hinintay na makalabas ng bahay."

"Nagsasalita ka!" Ani Jemmyrich.

"Oo, kaibigan. Paumanhin kung nabigla kita. Ako si harim, nagmula pa ako sa Mirvia, ang pinagmulan nila Madame Gracia. Siya mismo ang naghabi sa akin."

Ngumiti naman si Gracia at isinuot ang isang kwintas na gawa sa dyamante kay Katherina. "Iilaw iyan kapag may ibang sakamangka sa paligid. Mas madali ninyong matutunton ang aklatan sa tulong niyan. Tutulunan kayo ng ibang salamangkerong nakakakilala sa akin. Sige na lumakad na kayo."

"Gamitin niyo na ako!" Ani Harim.

Sakay ni Harim na patuloy padin sa pag hagikgik na ngayon lamang nakalabas ng bahay ay lumipad sila sa ibabaw ng mga kabahayan. "Nilagyan kayo ng salamangka ni Madame Gracia para hindi tayo makita ng mga tao."

"Matagal ba ang byahe Harim?" Tanong ni Katherina. Kitang kita niya mula sa itaas ang mga naglalakihang mga bahay at kotse na tila naging laruan. Tumaas pa sila at bumilis ng nasa ibabaw na sila ng highway. Bumubulusok sa kaniyang mukha ang hangin at tinatangay ang mga hibla ng kaniyang buhok.

"Mga apat na buwan." Nagkatinginan sila ni Jemmyrich at biglang humagalpak ng tawa ang alpombra. "Nagbibiro lamang mga kaibigan, treinta minutos lang kung hindi tayo magpapahinto hinto."

Natawa si Katherina. "Alam mo Harim, minsan ay naririnig ko ang boses mo noon na kumakanta kanta. Nagsisi ako bigla at hindi kita nakita noon. Naipasyal man lang sana kita."

Tumigil ang alpombra sa itaas ng Jollibee.

"Nandito na ba tayo, Harim?" Tanong ni Jemmyrich.

"Wala pa, kaibigan. Nasa Pampanga palang tayo pero kung nais ninyong kumain. Titigil muna tayo."

Umorder ng makakain si Jemmyrich samantalang si Katherina naman ay naghanap ng mauupuan. Nakasuksok sa bag ni Katherina ang alpombra. Iniingatan niyang huwag itong magasgasan. Pinili niya ang upuang malapit sa bintana at doon nag huntaan sila ni Harim ng pabulong.
Panaka-nakang sumusulyao sakaniya ang mga tao.

Nang mailapag ng waiter ang pagkain ay biglang naramdaman ni Katherinang umilaw ang kaniyang kuwintas. Gulat na napatingin si Jemmyrich at ang waiter.

"Katherina?" Bulalas ng waiter.

"Kilala mo ako?"

"Ikaw ang anak ni Gracia?" Tumango si Katherina. "Nakausap ako ng iyong ina, ako ang sasama sainyo sa aklatan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon