Chapter 7 Clues from the past

216 6 0
  • Dedicated kay Lester Ton
                                    

Habang tumatagal ay lalong nagiging malapit sa isat isa sina Katherina at Jemmyrich. Umabot na sa puntong sila nalang ang laging magkasama at laging nag uusap. Nagsasabihan na din sila ng mga sikreto. Lagi silang inaasar ng mga tao sa campus dahil sobrang malapit na sila sa isat isa at naging tampulan na sila ng tsismis. Hindi nila binibigyang pansin ang mga sinasabi ng mga tao sa kanina dahil bagaman gusto nila ang isat isa ay nananatili padin silang magkaibigan. Madalas ding ipinag pipilitan ng iba na may namamagitan na sakanila pero magkaibigan lang ang parati nilang isinasagot.

Magkahawak kamay silang pumasok sa campus nang makita nila ang nagkakagulong tao na paakyat ng hagdan. Isang grupo ng mga kalalakihan na sobrang lutong ng tawanan at pailing iling pa at nagmamadaling umakyat ng hagdan.

Nagkatinginan naman si Katherina at Jemmyrich na sinundan ang grupo ng mga kalalakihan. Dalawang guro din ang nakasabay nilang paakyat.

"Grabe na talaga ang mga bata ngayon." Sabi ng isang guro.

"Sinabi mo pa. Sinisira pa ng mga bata ang pangalan ng eskuwelahan natin." Sabi naman ng isa pa.

Nang makarating sila sa taas ay nakipag siksikan sila sa kumpol ng nga tao. Doon nakita nila ang dalawang estudyanteng nagtatago sa stockroom.

"Hoy! Lumabas na kayo diyan!" Sigaw ng isang estudyanteng lalaki habang tumatawa at nang-aasar.

"Malalagot kayo sa mga magulang niyo!" Dagdag pa ng isa.

Sunod din na nagpunta ang principal at guidance councilor at pinadaan ang mga ito sa gitna ng kumpol ng tao. Pilit nilang pinalabas ang dalawang estudyante. Lumakas naman ang bulong bulungan at mga tawanan ng makalabas ang dalawa. Isang lalaki at isang babae pala. Napanganga nalang si Katherina sa itsura ng mga ito. Kapwa magulo ang buhok, pawisan. At mali mali pa ang pagkakabutones ng polo ng dalawa. Itong dalawa rin ang madalas magkalat ng tsismis tungkol sakanila si Jemmyrich.

"Maam ano pong nangyari dito?" Tanong ni Jemmyrich sa katabing guro.

"Ay nako hijo. Iyang mga yan nakuha pang gumawa ng kung ano ano sa loob pa ng school. Kita mo nga naman."

"Nakakahiya naman pala yun maam." Sabi ni Katherina.

"Oo huling huli sa akto. Hindi nila alam na may cctv ang stockroom."

Numipis na ang bilang ng mga tao at nagsibalikan na sa mga classroom. Bumalik na din sila sa kanilang mga classroom.

Nakatambay lang si Katherina sa bleachers habang hinihintay niyang mag uwian. Tinawag ni Katherina si Jemmyrich at lumapit naman at tumabi ito sakaniya sa bleachers.

Ngumiti si Katherina pero natawa din ito pagkatapos. Gustong gusto niyang nakikita palagi si Jemmyrich. Masaya siya kapag nakikita ito. Kahit pinipigilan niyang ngumiti habang papalapit sakaniya si Jemmyrich ay hindi niya talaga mapigilan. Sumabog ang malawak ngiti sa kaniyang mukha.

"Ano nanaman iyan?" Bigla na lang ay tawa na siya ng tawa dahil sa soot nito. Hinawi niya ang hooded jacket ni Jemmyrich. "Kulob na kulob dito naka hood ka?"

Napailing si Jemmyrich "Yun nga yung sasabihin ko sayo eh. Marami akong nararamdamang kakaiba ngayon. Parang bumibilis yung kilos ko; Sunburns; laging nauuhaw."

"Napapansin ko nga rin. Ako nga din eh. Tignan mo itong mga ito." Lumingon si Katherina para abutin ang bag niya sa likuran at ipinakita kay Jemmyrich ang mga naipinta niya. "Naipinta ko yan mga yan ng wala akong kaalam alam at hindi ko alam kung sino siya."

"Napakagandang drawing!" Puri ni jemmyrich. "Napaka realistic talaga ng dating kapag ikaw na ang gumuhit. Hinaplos haplos nito ang iginuhit niya.

"Hindi ko nga matandaan na iginuhit ko iyang mga yan."

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon