Chapter 9 Isang parte ng pagkatao

122 2 0
                                    

"Halika dito salamangkera," hinatak siya nito papasok sa isang banyong matagal nang hindi nagagamit. "Alam ko kung ano ang ginawa mo."

"Aray! Sino ka ba?" Sigaw ni Katherina habang hinahatak nito ang kaniyang pulsuhan. Inayos niya ang kaniyang nagusot na uniform. Nakatayo silang dalawa sa loob ng lumang banyo ng eskuwelahan. Inilibot niya ang ang kaniyang paningin sa loob ng lumang banyo, para siyang maduduwal sa amoy niyon. Naghalo halo ang amoy ng semento, amag at ihi. Hinawakan niy ang kaniyang tiyan. Maduduwal talaga siya.

"Ako si Neyo. Ako nga ang naglagay ng lason sa tubig ng mga players." Sabi nito habang isinasara at inililock ang pinto ng banyo.

"Tama pala ako."

"Kinagagalak kitang makilala salamangkera." Lumapit sakaniya si Neyo at inilahad ang kamay nito.

Tinitigan niya ang mga kamay nito pero napansin niyang walang guhit ang mga palad nito. Kamukha ng kaniyang palad subalit ang palad niya ay may iilang malalabong guhit pero ang palad nito ay walang-wala. Sinabi sakaniya ng kamiyang ina na swerte daw ang mga palad niya kaya siya nakakapag guhit at nakakapag pinta ng mahusay ay dahil sa mga palad niya. Binawi na nito ang kamay nito bago pa man siya makapag salita.

"Salamangera?" Tinawanan lang ito ni Katherina. Ang humatak pala sakaniya ay walang iba kung hindi iyong lalaki na nakipagtalik sa stockroom at ang lumason din sa mga players. "Mas alam ko kung ano ang ginawa mo, batang baliw at malibo-"

"Tumigil ka!" Sigaw sakaniya ni Neyo. "Hindi na ako bata. Singkwenta anyos na ako."

Humalakhak ulitsi Katherina. "Mabuti pa palabasin mo na ako dahil wala naman tayong pupuntahan sa ganitong usapan."

Umupo sa ibabaw ng lababo si Neyo. Nag isip sandali at sinimulang ikwento ang lahat. "Kung gusto mo ng matinong usapan, ako si Neyo. Isa ako sa tauhan ng iyong nakaraan." Seryosong seryoso at tumigas ang expresyon nito. Mainit.

Nakaramdam si Katherina ng takot. Nararamdaman niyang totoo ang sinasabi nito.

"Isa akong salamangkero katulad mo. Maaari mong tignan ang iyong palad. May mga guhit padin dahil wala ka pang alam na salamangka."

"Ano ang pinagsasabi mo?" Tanong ni Katherina.

"Hindi ba sinabi saiyo ni Gracia?" Tila ba nagulat ito.

Nagulat din si Katherina. At saka takot na takot na umiling. Paano nito nalaman ang pangalan ng kaniyang ina?

"Hindi ka naniniwala sa akin?" Sa ngayon ay mas mataas na ang tono ni Neyo.

Matagal na hindi gumalaw si Katherina. "H-hindi ko maintindihan. Isa kang bata na nahuli ng principal at nahuli kong nilason ang mga---"

"Ipapaliwanag ko. Iyong mga nakita mo. Isa lang iyong uri ng salamangka. Hindi totoong nangyari iyon. Kung magsusumbong ka sa principal hindi uubra dahil wala naman records dito ang dalawang batang iyon at saka, nakalimutan na ng mga nakakita ang mga nangyari pati na rin iyong mga manlalaro. Sinadya ko iyon para magkakilala tayo at ngayon heto na ako sa harapan mo."

"Bakit sa dinami dami ng salamangka bakit naman iyon ang naisip mo?"

"Wala lang naman. Hayaan mo hindi naman talaga nangyari iyon. Itinanim ko lang sa mga isipan niyong lahat ang mga iyon at pagkatapos ay binura ko din pero nung buburahin ko na dapat iyong saiyo eh takang-taka ako dahil hindi ko mabura at doon ko nalaman na isa kang salamangkera. Malakas ka hija. Kaya lamang ay sayang ka dahil hindi ka naturuan."

"Ano ang pakay mo sa akin?"

"Maraming kayang gawin ang mga kamay mo bukod sa pagpipinta. Sasabihin ko sa iyo sa muli nating pagkikita. Sa ngayon, kailangan mo munang sabihin sa iyong ina at itanong ang iyong tunay na pagkatao. Hanggang sa muli." Itinaas nito ang kamay nito sa gilid ng mukha nito at naglaho. Nabuksan na din ang kandado ng pinto.

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon