Chapter 5 Untold secrets

166 7 0
  • Dedicated kay Fast Hand
                                    

"Erich!" Biglang bumukas ang pinto sa likuran ni Erich.

"Oh my God!" Agad agad siyang tumayo at sinipa paloob ng vault ang baul para itago. Agad din siyang nakahinga ng maluwag nang malaman na asawa niya pala ang tumawag sakaniya. "Shit! Jefferson, ginulat mo ako naman ako!"

"I'm so sorry honey, si Jemmyrich kasi nakita ko sa garden, may sunburn siya. He's transforming! Baka sumunod nadin si Jeremiah Hindi ba malapit nang mag 18 ang kambal?" Umikot ikot si Jefferson sa kuwarto habang ginugulo ang buhok. "Ayokong malaman nila na lahi tayo ng mga halimaw. Baka kamuhian nila tayo."

"Calm down. Kelan mo ba matatanggap na lahi tayo ng mga bampira? Hindi ko iniisip na halimaw tayo. Ikaw lang naman ang nag iisip niyan. It's normal for us. Pinag daanan din naman natin yan pagsapit natin ng disi otso. Matatanggap niya rin kung ano siya. Matatanggap rin tayo ng mga anak natin Ang lahat ng nakatakda ay mangyayari. Sabihin na natin sakanila bago pa niya malaman at mabuti pang sabihin nadin natin sa lahat ng mga anak natin para wala na tayong kakatakutan. Nakokonsensiya na ako. 18 years natin itinago sa mga anak natin. Kung pinalaki natin sila na katulad natin, hindi sana tayo mahihirapan ng ganito. Alam mo, pinalaki natin sila sa kasinungalingan na hindi naman nararapat."

Nanatili lamang na pabalik-balik sa silid si Jefferson. Alam ni Erich na hindi siya pinapakinggan nito, pero mabuti nang sabihin na niya rito ang laman ng isip niya.

"Hindi na tayo 34 years old tulad ng inaakala ng mga anak natin. We're 80 years old. Nagdududa na ang mga anak natin at balang araw mararanasan din nila kung ano ang naranasan natin." Naupo nalang si Erich sa kama habang hawak ang isang antique na kopita mula sa lolo niya. Mukha na silang nasa nearly forties dahil sa araw araw nilang pag lalagay ng make up sa mukha nila. Dahil sa tulong ng make up, napapatanda nila ang mga itsura nila upanh hindi mahalata ng mga anak nila at alam ni Erich na pagod na pagod na siyang magpanggap. Ayaw na din naman niyang lokohin pa ang mga anak niya dahil lumaki na sila sa kasinungalingan. Sa pagkakakaalam na mga mortal nga talaga sila.

"Last week napansin ako ni Blue. Wala akong make up noon dahil kagagaling ko lang sa shower. Tinanong niya kung nag pa-belo daw ba ako dahil parang kuminis daw at naging flawless ang balat ko. Buti nalang at may naisip akong alibi na may binili akong cream sa botika at pinahid ko sa mukha ko bago ako lumabas ng shower room. Kakatapos ko lang mag shower noon at nagulat ako dahil nasa kwarto ko siya. Mas malaki ang tiyansang matatanggap nila tayo kung tayo mismo ang mag sasabi sakanila. Look at this." Lumapit siya at yumuko para buksan ulit ang vault at baul. Kinuha ang karton at kinuha muli ang tatlong sulat sa loob niyon at ipinakita kay Jefferson. Agad naman nitong binasa ang mga sulat. Di rin magtatagal kahit hindi nila sabihin ay mapapansin at mapapansin sila ng mga anak nila. Lahat ng bampirang natural o yung mga pinanganak na talagang bampira ay makakaranas ng pagiging tao sa unang labing waling taon nito sa mundo at pagkatapos noon makakaramdam sila ng pagbabago katulad ng pagkauhaw sa dugo, pagkakaroon ng sunburn sa balat sa tirik na araw, night vision at iba pa. Ang mga bampirang ginawa lamang ng kapwa bampira ay magiging isang ganap na bampira sa oras ng pag gising nila sa oras na makagat sila.

Pagkatapos nitong basahin ang sulat ay tumabi ito sakaniya at naghalungkat sa vault. May nakuha itong mga antique na gamit at mga batong may mga nakasulat sa ibat ibang lingwahe. Naagaw ng pansin nito ang isang tipak ng batong kulay ginto na may silver symbols. Medyo naiintindhan nito iyon Ang unang set ng simbolo ay nagkakahulugan ng salitang "Kopita" at ang pangalawa naman ay "Pintura." ipinintang kopita.

Napabaling silang dalawa sa painting sa taas ng king size bed. Regalo rin iyon sakanila ng ama ni Erich noong ikinasal sila sa sa loob ng coven nila. Kinuha iyon ni Jefferson at kinalas ang frame niyon hanggang sa ang tela nalang ang hawak niya. "Ano'ng meron dito?"

"Hindi ko alam" Sagot ni Erich.

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon