Prologue

1.3K 15 12
  • Dedicated kay Aya De Leon
                                    

.

"Mom?" Hindi makapaniwala si Katherina dahil sa nakikita niya. Ang kaniyang ina ay nag lilinis ng hindi nito ginagamit ang mga kamay nito. Anong nangyayari sa kaniyang ina. Muntik na siyang himatayin dahil pag bukas niya ng pinto pagkauwi niya ng bahay galing sa eskuwelahan ay hindi isang normal na magulang ang nakita niya. Nakita niya ang isang babaeng nag wawalis habang iwinawagayway nito ang mga kamay nito sa ere habang kusang nagwawalis, kusang nag mo-mop, kusang nag huhugas ng pinggan ang mga kasangkapan.

"Mom!" Napasigaw siya at kasabay nito ay ang pagbagsak ng kamay ng ina niya na gulat na napatingin sakaniya. Nagbagsakan din ang mga kasangkapan sa sahig, nabasag ang mga pinggan at naglaglagan ang mga walis sa sahig. Unti unting nag dilim ang paningin niya at maging siya ay mahuhulog mula sa sahig. Pakiramdam niya ay naipon lahat ng dugo niya sa lalamunan at batok niya. Alam niyang malapit na siyang himatayin.

Tinaas muli ng kaniyang ina ang kamay nito bago siya tuluyang mahulog at nanatili siyang nasa ere na walang malay.

"Mom? Anong nangyari?" Tanong niya sa kaniyang ina nang magkamalay siya. Nakahiga siya sa sofa sa sala nila katabi ang kaniyang ina habang pinupunasan siya ng malamig at basang bimpo. Wala siyang ibang natatandaan kundi ang paglabas niya ng eskuwelahan.

"Hinimatay ka sa daan bago ka nakauwi anak. Buti nalang at may nakakita sayo at dinala ka dito."

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon