Chapter 4 Senyales

226 5 1
                                    

Sumasakit nanaman ang sentido ni Katherina. Nakatulog siya kakaisip sa kaniyang unang halik. Nadaganan niya ang paintbrush niya kaya bumakat ito sa noo niya. Namilipit siya sa sakit. Napabalikwas siya at hinawakan ang kaniyang mga labi. Nakahiga lamang siya at nakatingin sa kawalan habang nakapatong ang hintuturo sa mga labi. Muli nanaman siyang nanaginip ng gising.

"Jemmyrich... Unang halik..." Ipinikit niyang muli ang kaniyang mga mata habang inaalala niya kung paano siya hinalikan ni Jemmyrich.

"Ang lambot ng labi niya..."

Alam niyang may panaginip siya kagabi tungkol sa misteryosong lalaki pero hindi niya matandaan kung ano ang nangyari. Bumangon siya sa kaniyang higaan nang matagpuan ang isa nanamang drawing. Drawing na nasa bond paper na nahulog sa ilalim ng kama niya. Isa nanamang lalaki, nakatalikod ito pero di katulad noong una, boo na ang pigura nito. Pero hindi padin niya alam kung sino iyon dahil nakatalikod ito. Wala siyang matandaan kagabi na iginuhit niya iyon. Itinago niya na lamang yon sa drawer niya at saka nag handa ng pampaligo.

Pagkapasok niya ng school gate ay agad niyang nakita si Jemmyrich na nasa clinic. Huminto niya at tinignan kung ito nga iyon. Tama siya at nasa loob nga ng clinic si Jemmyrich at sinusuri ng isang nurse. Anong nangyari? Kumatok siya at pinagbuksan siya ng nurse.

"Uhm. Nurse, kaibigan ko ho siya." Tumingin siya kay Jemmyrich.

"May sunburn ang kaibigan mo. Kelangan lang niyang magpahid ng ointment. So far, okay naman siya."

"Thank you po." Itinayo na ng nurse si Jemmyrich at inihatid sa pinto ng clinic.

"Paano ka nag ka sunburn eh kahapon lang magkasama tayo? Hindi ka naman masyadong naarawan." Nagtatakang sabi ni Kayherina habang naglalakad sila papunta sa mga klase nila.

"Hindi ko nga alam kung bakit eh. Its weird." Dumeretso na si Jemmyrich sa kaniyang classroom at umakyat na din si Katherina papunta sakaniyang classroom.


"Okay na ba ang pakiramdam mo? Kamusta na ang sunburn mo? Tanong ni Katherina habang nag oorder ng cheese cake and juice sa canteen. Nilagyan niya na rin ng butter slice ang tray ni Jemmyrich.

"Hindi na masyadong masakit pero parang pakiramdam ko nabuhusan ako ng asido."

"Mukha nga." Nagpigil ng tawa si Katherina dahil ngayon niya lang napagtanto na nakakatawa pala talaga ang itsura nito.

Pinaningkitan siya ng mata ni Jemmyrich. "Nakakatawa pero nasarapan siya sa halik ko."

"Ano kamo?" Nabigla si katherina. Ngingiti-ngiti naman si Jemmyrich na lumakad na para humanap ng mauupuan.

"Hoy!" Binatukan siya ni Katherina sa batok.

"Aray! Yung sunburn ko!" Napangiwi si Jemmyrich dahil nabatukan ni Katherina ang kaniyang balat.

"Sorry! Pero hindi ko ginusto yung halik mo noh, ikaw yung humalik sakin sarap na sarap ka pa nga eh." Ngayon, si Katherina naman ang ngiting-ngiti.

"Hindi totoo yan! Nasagi lang ng labi ko yung labi mo dahil lumapit ka sakin habang kumakanta ako."

-
Kararating lang ng Mommy ni Jemmyrich sa mansion nang makaramdam ito ng tao na mukhang kaka alis lang kahapon. Pero hindi purong mortal ang nasa dugo ng taong kagagaling lang dito kahapon. May kakaibang enerhiya siyang nararamdaman. Hindi lang isang non-mortal energy kundi dalawa. Dalawang magkaibang enerhiya ang nararamdaman niya.

Nagtaka ang mommy ni Jemmyrich habang inaayos ang cctv cameras sa mansion. May babaeng nakapasok sa bahay. Kaano ano siya ng anak ko?
Sinunod niyang inayos ang nasa loob ng baul ng lolo niya sa secret vault ng bahay na tanging sila lang na mag asawa ang nakaka alam. Pinunasan muna niya iyon saka binuksan. Naglalaman iyon ng iba't ibang gamit ng lolo niya. Meron din mga liham na nakapaloob sa isang lumang karton na agnas na. Pinagpag niya ang karton saka ito binuksan. Chineck niya ang isa sa mga sulat na sa palagay niya ay pinaka luma base sa itsura niyon. Hinipan niya ang papel para mawala ang alikabok na nagpapalabo sa sulat pero sadyang malabo talaga iyon kaya hinanap niya ang reading glass niya sa drawer at saka binalikan ang sulat. Medyo nababasa na niya iyon pero hindi gaano. Binasa niya ang papel na may sulat sa salitang German.

Nasa dugo...
Nasa dugo na ng lahat ng batang isisilang mula sa lahi ko ang pagiging halimaw. Pero para sa akin hindi pagiging halimaw ang tawag doon kung ikaw ay pipili ng kabutihan at papanig sa kabutihan. Isa iyong regalo. Kakaiba oo. Pero hindi isang sumpa. Noong una naniwala din akong sumpa iyon pero natuto akong pakibagayan ang ibinigay sa akin at nagagamit ko ang halos lahat ng ito sa kabutihan. Noong kabataan ko, nadiskubre ko na lamang sa sarili ko na kakaiba ako. Namuhay ako kasama ang ama ko bilang magsasaka sa bayan ng Frim. Isang sekretong lugar sa Germany kung saan tahimik at wala masyadong tao. Isang malawak na palayan na napapalibutan ng malawak na kagubatan. Masaya ako kasama ang aking ama pero isang araw, may gustong sumakop sa bayan namin. Tingin ko ay galing sila sa siyudad dahil mukhang mamahalin ang mga soot at may dalang mga grandiyosong kalesa at mga baril. Kasama nila ang kanilang mga asawa na nakasakay sa mga kalesang iyon. Mapupustura ang lahat sakanila. Takot na takot ako. Ikinubli ako ng aking ama sa ilalim ng sahig namin na imbakan sana ng mga palay. Sinilip ko ang nangyayari sa taas ng sahig. Hinarap ng ama ko ang mga may dala ng baril. Ipuputok na sana noong lalaki ang baril niya ng bigla akong lumabas. Matagal ko nang hindi sinasabi sa aking ama ang kakayahan ko at kakaibang abilidad. Nagulat iyong dalawang lalaki dahil sa bilis kong kumilos. Inagaw ko ang baril sa lalaki pero napaputok niya padin iyon at natamaan ang ama ko. Nagalit ako kaya kinagat ko ang lalaki. Hindi ko siya pinatay, kinagat ko lang siya pero hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa kaniya pagkatapos noon. Nagsisi ako dapat pinatay ko nalang siya noon. Ngunit hindi ko na naisip iyon dahil natakot ako para sa ama ko. Natakot ang lalaki at nagtatakbo palabas habang hawak ang nagdudugo niyang leeg. Nakita rin ng dalawa niyang kasama ang pagkagat ko kaya mabilis nilang nilisan ang bayan namin. Tinakbo ko ang tatay ko. May tama siya sa binti pero hindi ganoon kalalim pero nauubusan na siya ng dugo. Natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Isa lang ang alam kong puwede kong gawin. Ang gawin siyang katulad ko.

Natapos ang pagbabasa niya pero nakatitig padin siya sa papel.
Alam niya na dati pa ang tungkol sa lihim ng pamilya niya pero hindi ito alam ng kahit isa sa anim niyang mga anak.

Nilagay niya ang papel sa loob ng karton at humugot ng isang panibago. Mas luma pa ito kesa una niyang binasa. Akala niya ay iyong kanina ang pinaka luma. Binasa niya ang sulat.

Nasa gubat ako noong taong iyon habang ginagatasan ng aking ama ang baka namin na si Ben. Mangangaso ako ng mga kuneho para may pang hapunan kaming karne mamayang gabi. Habang tinatabas ko ang matataas na damo gamit ang itak ko ay nakakita ako ng kakaibang hayop na nakakapit sa puno. Nilapitan ko iyon. Sinuri ang katawan niyon. Masarap iyong ilaga pero kakatwa ang itsura niyon. Nag desisyon akong iuuwi ko ang hayop para sa aking ama dahil alam kong masarap ang karne niyon. Nang tatanggalin ko na ang hayop mula sa pagkakapit sa puno ay nahirapan ako. Sobrang higpit ng pagkakapit ng mga kuko ng hayop sa puno kaya kelangan kong pukpukin ng itak ang ulo ng hayop pero bago ko pa nagawa iyon inatake ako niyon at kinagat ang pulso ko. Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyare. Nang magising ako sa parehong lugar ay gabi na. Pero kakatwang buhay pa ako at walang kahit anong galos sa katawan. Siguro ay panaginip lang iyong nangyari sa akin kaninang tanghali. Agad akong umuwi nang walang dalang hayop para sa aking ama. Siguro ay pagtyatyagaan nalang naming iprito ang itlog ng manok at budburan iyon ng asin. Bago pa ako makaapak sa pinto namin ay nanghina ako bigla at kakatwang nauuhaw ako gayong kakainom ko lang sa balon malapit sa bahay namin. Bumalik ulit ako sa balon para uminom pero hindi man lang napawi ang uhaw ko. Alam kong may nagtutulak sakin na atakihin ang manok malapit sa balon pero pinigilan ko ang sarili ko. bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi na ako nakapag pigil pa at dinamba ko ang manok at sinipsip ang dugo niyon hanggang mamatay.

Kumuha pa ng isang papel si Erich saka binasa.

Itinuring kong sumpa ang pagiging kakaiba ko. Nalaman kong ang hayop na dapat ay iuuwi ko para sa ama ko ay hindi pala totoong hayop. Isa iyong abilidad ng isang malakas na bampira. Isa iyong pagbabalat kayo para manlinlang ng tao at para masipsip nila ang dugo ng biktima nila. Dalawa ang dahilan ng mga bampira kung bakit sila nag babalat kayo. Gusto nilang sumipsip ng dugo ng tao o gusto nilang magparami ng lahi.
Umalis kami sa bayan ng Frim pagkatapos kong gawing bampira din ang ama ko dahil kumalat sa siyudad na may mga halimaw sa Frim at tinutugis kaming muli ng mga armadong lalaki.
Tinakbo namin mula Germany hanggang languyin namin ang mga dagat makapunta lang sa Pilipinas. Tumira kami sa Cordillera province kung saan walang masyadong tao at hindi masyadong mainit ang klima. Akmang akma para sa mga bampira. Doon, natuklasan namin ang tahanan namin. Maraming bampira sa Cordillera at kinupkop kami ng aking ama at itinuring kaming isa sa kanila. Doon ko nakilala ang babaeng pinakamamahal ko. Si Rosario. Bumoo kami ng panibagong coven na nagsusulong sa iba pang bampira na huwag uminom ng direktang dugo mula sa leeg ng tao dahil maaari kaming makakitil ng buhay.

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon