Chapter 1 Ang mga kapahamakan

540 8 7
  • Dedicated kay Jemmyrich Fajardo
                                    


This book is written in a third person's pov, the author follows the traditional way of writting. If some of you wont understand feel free to comment and i will suggest good books for you. :)

I dedicate this story to my fiance, Mr. Jemmyrich Morgenstein Fajardo. Sakaniya ko nakuha ang name ng male character ko dito at second name talaga niya ang Morgenstein. Papa koy, salamat sa suporta, salamat dahil kahit sumusuko na ako lagi mong sinasabi na magpatuloy pa ako. Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong reader. Salamat sa pagmamahal, I love you.
____________________
Chapter 1

Naghalukipkip si Katherina Castle dahil naiinis siya sa matandang guro. Hindi kasi related sa subject nila ang itinuturo nito. Mathematics ang subject nila ngayon pero puro kababalaghan at mga alamat ng kung ano ano ang ikinekwento nito simula pa noong mag umpisa ang klase noong Hunyo.

"Kasagsagan noon ng World war two nang isilang ang batang nag iisa lamang ang mata, Cyclopia ang tawag sa ganoong klaseng kondisyon..." Anito. Pinaikot na lamang niya ang mga mata niya.

"Cyclopia? At napunta na kami sa science ngayon huh?" Bubulong-bulong na sabi niya.

Bumaling siya sa katabi niya at bigla nalang humakbang ang guro palapit sa unang row ng klase. "Lagi siyang ikinukulong ng ina niya sa kuwarto at ikinakadena..."

Pinaikot ulit niya ang mata niya. Kadena your face. Kahit gustuhin man niya na maupo sa likod ay sa harap siya pinaupo dahil maliit siya.

Tumalsik bigla ang laway ni Sir Jess sa tungki ng ilong niya nang binanggit nito ng malakas ang salitang "Sinasamsam" Napasinghap tuloy siya at napapikit nalang ng mariin. Kinuyom niya ang mga kamao niya. Alam niyang sinadya iyon ng guro. Mahirap magtago ng panggigigil. Agad niyang nilabas ang panyo at marahas na pinunasan ang natalsikan niyang ilong. Kadiri naman. Anang isip niya.

Ayaw niyang makinig sa guro niya dahil lalo lang siyang maiinis tutal wala naman talagang may gustong makinig. Inilibot niya ang paningin sa silid at ang lahat ng mga kaklase niya ay may kanya kanyang ginagawa.

"Pssst!" Sinutsotan niya ang katabing si Veronica. Inaalog ang balikat nito. "Pahiram ng cellphone. Naiwan ko yung akin sa bahay."

"Mamaya na," ang walang buhay na sagot ni Veronica habang nakayuko sa desk at kinakamot ang batok.

"Sige na. Maglalaro lang ako ng bounce. Sige na. sige na. sige na!" Pagpupumilit niya sa katabi habang magaan niyang inaalog ang balikat nito. Pero wala itong tugon. Mukhang sarap na sarap ito sa pagtulog.

Hindi na niya matiis na walang ginagawa. Kinapa na niya ang bulsa ni Veronica. Umaasang nandoon ang cellphone nito.
Nakapa na niya ang cellphone nito pero bago pa niya madukot iyon ay nakapansin siya ng malapot na bagay na tumutulo galing sa desk ng katabi niya.

"Hoy Veronica ano ito?" Muli ay wala itong sagot.

Na curious siya kaya inaalam niya kung ano yun. Dinampi ang hintuturo niya sa malapot na likido. Napakalapot nito. Napakalamig. Hindi pa siya nakuntento. Nilaro laro niya ang malapot na bagay hanggang sa napagtanto niya kung ano ito. Napasinghap siya. Hindi.

Para siyang nahipnotismo nang gawin niya iyon sa laway ng ibang tao.

"Anong ginawa mo?" Tanong sakaniya ni Veronica na kagigising lang. "Siguro inisip mo nanaman na alien invasion iyon ano? O kaya naman chemical leak na siyang sasagot sa misteryo ng daigdig o baka naman iniisip mong iyon ang isa sa mga sangkap para makagawa ng time machine?"

"Ang OA mo talagang nerd ka. Hindi ako kailanman nag isip ng mga ganyan. Nakakadugo ng utak yang science na yan. Palibhasa perfect ka padin kahit matulog ka maghapon sa school." Nilahad niya ang kamay niya at tinitigan ito ni Veronica. Nagtataka.

Crimson and Scarlet Smokes book 1 (Flare) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon