Chap 5: His Peers

103 7 0
                                    

A/N:

Sorry kung ngayon lang ulit ako makakapag-update. Busy-busyhan si author e. Feeling nya maraming nagbabasa ng gawa nya Lol  *wink* joke. Sige basa na kayo. Sana maraming matawa or maappreciate kahit epalnang gawa ko. *peacesign*

-Tine
--------------------------------------------------

THIRD PERSON'S POV




Pagkalabas na pagkalabas ni Marvheen ng pinto ng room nila, napansin nya agad ang inip na inip na mukha ng kanyang tatlong mababait na kaibigan.
'Wow. Bait ah. May hintayan pang nalalaman.' Sabi nya sa isip lamang.

"Ang tagal mo. Nagwawala na ang anaconda sa abs ko!"
Angal ni Ziall. Binatukan nya naman to.

"Oo na. Eto na nga e.", sagot nya.
Napa-tsk naman si Tristan.

Sabay sabay silang naglakad papuntang canteen.

"Wala na. Di na ako virgin. Nirerape na nila ako."
Mahinang bulong ni Ziall habang nakangisi, pinagtitinginan kasi silang apat. May sumisigaw pang mga babae pati bading dahil kinikilig sa kanila. Malakas naman kasi ang appeal nila.

"Parang dati lang ah. Sa dati nating school." Naiiling na sabi naman ni Tyron. Habang siya at si Tristan ay nagpakawala na lang ng isang malalim na buntong hininga.

Nang makahanap ng mapupwestuhan, umupo na silang apat na para bang sila lang ang nasa canteen. Hindi nila pinansin ang ingay sa paligid. Kanya-kanya na silang kain.

"So how's your day with Sir Louis?"
Biglang tanong ni Ziall na halatang inaasar siya. Natigilan sa pagnguya ang iba pa at matamang naghihintay sa sagot niya.

"As always. KUMAG is KUMAG. I call him SIR. And I found it kinda weird. But I just go with the flow."
Mahaba nyang komento. Natawa si Ziall. At napahawak pa sa hita habang hinahampas ang ibabaw ng mesa. Kumunot ang noo ni Marvheen.

"8 months lang naman brad. Tiis-tiis lang." Sabi naman ni Tyron na pinipigilan din ang pagtawa.

"Wag mo ng pigilan Tyron. At baka sa iba pa yan lumabas."
Naiinis nyang pahayag.

Bakit ba kasi ang mismong kuya niya pa ang Humanities teacher/ adviser nya? Openbook  na kilala ng lahat ang kuya Louis nya dahil ito ang tinaguriang Campus Hottie at isa sa mga honorable mention  sa Cullen Univ five years ago. Ganun ba kaliit ang mundo para sa kanilang mag-utol? Hindi naman siya galit sa kuya nya. Ayaw niya lang  na madidikit ang mabango nyang pangalan sa mabantot na pangalan ng kuya niya. In short, ayaw nya ng pressure.

"Mabait naman yata ang kuya mo sayo e. Shut up ka na lang."
Sabat naman ni Tristan. Napangisi sya.

"Kahit naka-earphone ka naririnig mo pa rin pala ang usapan namin?"
Untag nya kay Tristan.
Napailing si Ziall.

"Ganun talaga pag gwapo."
-Tristan. He shrugged.

"Ano bang playlists ang pinapakinggan mo Tristan? Bon Jovi ba? HAHA!"
Sabat ni Ziall.
Nag-angat ng tingin si Tristan.

"Fuck you."
Tipid nitong sagot. Natawa  sya pati si Tyron. Kumunot naman ang noo ni Ziall. Pikon pa naman yan sa magkakaibigan. Mahilig mang-alaska pero pikunin.

"Oyy. Pakyu ka din. Sagad. Ayos ayos ng tanong ko minumura mo ako?"

Napatigil sa pagnguya ng burger si Tristan. Kinagat ni Marvheen ang ice cube sa juice na iniinom nya.

"FUCK YOU NI LILY ALLEN ang pinapakinggan ko. Maayos ang pagkakasagot ko."

Walang ganang sagot nito saka tumayo.

"Yun naman pala Ziall e. Gago ka pala. Ikaw tuloy nasupalpal. Shut up na kasi ha?"
Naiiling na sabi ni Tyron saka tumayo na rin.

"Sabay na tayo, Tristan. Babalik na rin ako sa room."

At tuluyan ng naglakad palabas ang dalawa habang nagpapapansin ang mga babae at bading sa dadaanan nila.

Itinuloy ni Marvheen ang pagkain nya. Napalingon sya sa harapan nya ng magsalita ulit si Ziall.
"Oh ba't di ka sumunod? Diba naaasar ka na rin sakin?", sabay ngiti nito ng nakakaloko.

"Kayo magkakasama sa room. Ano ba? Nasobrahan ka ata sa babae kagabi e. Walk out tuloy si Tristan."
Sagot niya.

Magkaklase si Ziall, Tyron at Tristan. Section Galileo, sunod sa section niya na Newton. Siya lang ang nahiwalay.

"Ulol."
Napailing na lang sya. Certified big gamer talaga ang loko. Tsk, tsk. It's either nasobrahan o bitin yan kaya malakas mang-asar na naman.

"Si Sir Louis ang teacher namin. Bawal malate. Tapos ka na ba?"
Pag-iiba ni Ziall.

"Tara na."
Saka na rin sila lumabas. Narinig nya pa ang bulong ng isang bakla.

"Hey Aces. Pwede ako sa ass. You want? Hehehe."

Nagkibit balikat na lang sya.
'Ang pogi ko talaga. Hahaha!'

Love Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon