Chap 9: Just Weird (Part 1)

75 6 0
                                    


"Here."

Abot ko kay Jhayce sa DOTS nya.
Ngiting ngiti naman ang loka. Pagkatext  ko sa kanya  nya na nakauwi na ako, agad-agad na pumunta sya rito para kunin ang pinabibili nya.

"Thankies!!"
Kinikilig nyang sabi. Tumango naman ako.

"Mamaya na ang bayad ko ah?"
Makahulugan nyang  sabi.

"Sureness."
Then I smiled.

Andito sya ngayon  sa bahay. Diba nasabi ko na,  na kapit-bahay ko sya? Parehas kaming nakatira sa Phoenix Village.
As in ilang hakbang lang ang pagitan ng bahay ng mga Aseras sa bahay ng mga Telesforo.
At parehas kaming feel at home sa isat-isa sinuman ang mangapit-bahay.

Nakita ko naman si Mame na papalapit na rito sa amin. May dala-dala syang tanghalian para sa aming dalawa. Mag-aalas-dose na rin.

"Wooooow! Adobong tsino!"

Natatakam na sabi ni Jhayce.

"Favorite mo ba  ito Sheng?"
Sabi ni Mame. Sobrang lapad naman ng ngiti ni bessy.

"Yes po Tita Elaine! Superrrr! Ang sarap sarap po kase ng luto nyo. Namimiss ko tuloy yung luto ni Mommy."
Biglang nalungkot yung tono nya nang mabanggit nya yung mommy nya.

"Hanggang kelan ba si Audrey sa Macau? Hindi pa ba sya uuwi?"

Takang tanong ni Mame.

"Na-extend po kase Tita. Dapat po next week uwi na nya, kaso, may inaaasikaso pa daw po syang possible clients ninyo."

Huminga ako ng malalim.

"Ah ganoon ba. Sorry hindi ako nakasama sa Mommy mo."



.


.





.





Wala ng masabi si Mame kaya tumahimik na. At para mabasag yun, nagsalita na ako.

"Me, kumain ka na ba? Sabay ka na po sa'min?"
Aya ko. Umiling naman sya.

"Tapos na ako. Kumain na ako  kasabay ang dade mo."

This time ako naman ang nanghina.

"We? Asan po si dade?"

"Nasa kwarto. Tulog na. Alam mo naman. Puyat sya. Kaka-off duty nya lang."

Ngumuso  naman ako.
Lagi na lang.

"Wag na magtampo anak."

"Hindi naman po Mame. Namimiss ko lang si dade. Lagi na lang di nagtatagpo ang sched namin. Kung di nasa ospital, nasa kwarto tulog."

Surgeon kasi si Dade. Kaya naiintindihan ko kung minsan lang kami magkita. Busy kase ang trabahong napili nya. Pero proud naman ako kase alam ko na marangal ang trabaho nya.

Si Mame naman, kaparehas ng trabaho ng mommy ni Jhayce. Magka-sosyo sila sa perfume business nila. 'EL AUD SCENT' ang name ng Shop nila. EL for Elaine, my Mame and AUD for Audrey, mommy ni Jhayce.
Nagkasakit si Mame nung araw ng flight nila pa-Macau kaya si Tita Aud na lang ang nag-asikaso.

"Oh siya, magtitimpla ako ng Juice nyo. Kumain na kayo."

At naglakad na si Mame papuntang-kusina.

Binalingan ko naman ng tingin tong si bessy.

"Oyy. Kasabay mo ba si Ate Celine? Ano na yung chika about kay Maam Carinan?"

Siningkitan nya ako. Nginuya nya muna yung nilagang itlog na inuna nyang papakin bago sya nagsalita. Anong meron sa tanong ko at parang nagtataka sya?


"Kelan ka pa naging chismosa?"
Mapanghusga nyang pahayag.

"Ngayon lang."
Then I smirked.

Sumubo na rin ako. Nagsalita naman na sya.

"Hindi ko natanong."

Nilingon ko sya.

"Hindi ko nakasabay si Ate."
Tinitigan ko sya sa sinabi nya.

"Akala ko ba sabay kayo? Oh e bakit-----"

"I saw her riding in porsche car with Sir Louis."

Halos maubo ako sa narinig ko.
At muntik ko pang mabuga ang kanin sa bibig ko.

Nahagip ko naman sa peripheral vision ko na paparating na si Mame kaya tumahimik na lang muna ako.

Pagkatapos ilapag ni Mame yung juice namin, umakyat na sya papunta sa kwarto nila ni Dade.

Itinuloy ko na yung kanina ko pa gustong itanong.

"E san naman sila pupunta?"

"Don't know. Hindi  ko rin macontact si Ate e."

"Wait." Saka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"So it means, wala pa sa bahay nyo si ate Celine?"

"Oo. Kaya nga pumunta rin agad ako dito. Kanina pa kase ako nababaliw kakaisip kung anong ibig-sabihin nun e."

Saka sya sumubo ulit.

"Bakit parang ang dami namang kaweirduhang nangyari sa araw na ito?"
Mahina kong bulong pero narinig pa pala nya yun. Tsk. Katabi ko lang kase e.

"Ha? Ano Miks? Anong marami?"
Naguguluhan nyang tanong.

Uminom muna ako bago ako sumagot.

"Wala. Pero ano yung  kila Ate Celine? Yun ang weird."

Palusot ko.

"Ah oo nga e. Pero malaki na si Ate. She knows what she's doing."

Tumungo na lang ako at tinuloy ang pagkain.







Una, nalate kami.

Pangalawa, nakilala namin ang F4.

Pangatlo, nakita ko si Tristan sa mall.

At pang-apat, magkasama sa iisang sasakyan sila ate Celine at Sir Louis which is so so.





Hmmmm. What comes next?
June 13 <\\\\\\\\3
~.~






------------------------------------------------

Vote/Comment/Follow.
Share me your thoughts about this chapters readers. Kindly please? 

- Tine

Love Out LoudTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon